DOUGZ’s POV Sa wakas ay nagparamdam na rin ang mga kaibigan ko. Nagkita-kita kami sa pad ni Hendrix. Hindi na sila busy kaya nagyaya silang mag-bonding. Na-miss ko sila kaya pumunta ako. May alak agad na iniabot sa akin si Wayne. Hindi ko alam kung hahawakan ko lang bai to o iinumin. Inabala ko ang aking sarili na makipag-kwentuhan sa kanila. “Parang hindi mo pa binabawasan ang alak mo?” puna ni Elmer sa hawak kong alak na nasa lata. Natawa ako at tiningnan ko ang lata ng alak na nawala na ang lamig sa oagkakahawak ko. “Ilang araw na akong hindi nag-iinom o may linggo na. Hindi ko na yata alam ang lasa nito,” habang ang mata ko ay nasa lata pa rin ng alak. Hinawakan ako ni Wayne sa noo at leeg. “Wala ka namang lagnat. Anong nangyayari sa iyo? Ikaw ba iyan? Nakakapanibago ah! May

