DOUGZ’s POV Excited akong gumising ngayon dahil araw ng Linggo at magsisimba ako. Nalaman ko kay Thisa na umuwi ang kanyang kaibigang si Ivy, for sure ay magsisimba ang mag-anak. Hindi makakasimba sina kuya Daxton dahil may emergency visit siya sa isang planta. May problema yata, dadaan na lang daw siya sa ibang church mamayang pag—uwi niya. Si Thisa naman ay sasamahan si Mommy na ngayon ay may sakit. Mag-isa lang akong magsisimba. Maaga pa lang ay nasa may chapel na ako. Nag-reserve na ako ng uupuan ko, sa katabing upuan ni Ivy. Iyon na ang lugar nila every Sunday. May nabanggit si This ana kapag dumating sina Ivy ay hindi sila nakikipag-usap. After pa ng mass pwede silang maka-usap. Siguro ang tumango at ngumiti ay hindi naman masama. Nakatingin ako sa parking lot, hinihintay ko

