DOUGZ’z POV Pag-uwi ko ng aming bahay, nagtungo ako sa silid ni Mommy. Nakahiga ito na sensyales na masama talaga ang pakiramdam. Nandito rin si Thisa habang nagbabasa ng kanyang libro. “How are you, mom?” tanong ko kay Mommy. “Feels better, magaling ang nurse ko,” binalingan nito nang sulyap ang aking pamangkin na si Thisa. “Good to hear that. Regards daw po at pagaling kayo sabi po nina Mr. and Mrs. Manalo.” Tumango at ngumiti si Mommy. Alam niya na magsisimba ako dahil nagpaalam ako sa kanya kanina. “Thisa, what time kita ihahatid mamaya?” baling ko sa aking pamangkin. “Tito, hindi po muna ako pupunta ng dormitory mamaya. Dito po muna ako para bantayan pa si lola. Baka bukas na lang po pagpasok ko, isasabay ang mga gamit ko po. Thank you po, tito.” “Inalok ko kasi si Ivy na i

