IVY’s POV Ano ba kasing nasa isip ni Tito Dougz at hinila niya ako sa dilim? Hindi na niya nasagot ang tanong na ito. Wala naman siyang sagot sa mga tanong ko. Ayos na ayos ang gabi namin ng mga kaibigan ko kung hindi siya biglang sumulpot buhat sa kung saan. Napapa-iling na lang ako dahil naka-ilang banggit siya na boyfriend ko si Darren. Tila hindi siya natutuwa sa tuwing tinatawag ako ni Darren na babe. Nakita kong inis na inis si Tito Dougz ng maki-tawag pang tito si Darren. Hindi pa ako dalawin ng antok. Tulog na ang mga kaibigan ko. Masarao na ang paghilik nila. Hindi naman sobrang lakas. Tamang lakas lang para masabi mong tulog na tulog na sila. Ang ganda talaga ng babae na kasama ni Tito Dougz kanina. Naging mahihiyain yata si Tito Dougz. Dati kahit may mga tao sa paligi

