20

1434 Words

DOUGZ’s POV Nakatulog ako pagkatapos kong maka-usap si Ivy. Mga katok ang gumising sa akin. Nagmadali pa akong bumangon, ayaw kong paghintayin ang dalaga. Masaya ako na sasabay siya sa akin. Gusto rin niyang malaman ang sasabihin ko sa kanya. Hubad – baro pa ako at hindi na ako nag-abala pang magsuot ng damit. “I—Lyn?!” nagulat ako at si Lyn ang nabungaran ko. Si Ivy ang hinihintay kong kumatok at sasabihing sasabay siya sa akin. Ngunit iba ang dumating. “Parang nakakita ka naman ng multo. Gulat na gulat ka. May hinihintay ka bang pupunta ngayon dito? Iniwan mo na nga ako kagabi,” tunog nagtatampo ang pagkakasabi niya. “Ah, oo. Hinihintay ko si Ivy. Sasabay ko kasi siya mamayang pag-uwi,” sinabi ko na ang totoo sa kanya. Wala naman siyang ginawang masama sa akin para i-treat ko siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD