6

1245 Words
Kinulit ako ni Ania na hanapin ang kalaro niya. Tinuro niya ang daan papunta sa kahuyan. Sa mangga kung saan nakita ko ang batang nakatalikod—ang sabi niya ay du’n daw siya itinuro. Lumipas ang ilang araw ay gano’n pa rin ang siste madalas akong kulitin ni Ania na hanapin ang kalaro nito. Kahit isama ko siya sa baryo kung saan kami pumapasyal ni Lola ay hinahanap niya pa rin ang misteryosong kalaro nito. Alas-dyes na nang gabi ay mulat pa rin mga mga mata ko dahil nagpatulong sa akin si Kuya Ten sa business proposal na i-pre-present niya kay Mama. Si Latrelle ay nagpatulong din sa akin tungkol sa gagawin niyang MV na nagpapakita ng pagtulong. Nakarinig ako ng kanta sa labas ng bahay galing sa back door matapos kong patayin ang aking laptop. Inayos ko ang mga gamit sa kama na nakalat. Nawala sandali ang kanta at napalitan ng tawanan. Kumunot ang noo ko nang mapagtanto kong tawa iyon ni Ania. “Isa pa! Bahay-kubo naman.” Wika nang batang babae na pamilyar ang boses. Nagsimula silang kumanta gawa ng sinabi ng kalaro nito. Sinabayan rin nila ang pagpalakpak habang kumakanta. Dali-dali akong bumaba at pinuntahan ang aking pinsan. Naabutan ko siyang nakaupo sa mahabang kahoy na upuan habang katabi ang batang babae na nakasuot ng puting mahabang bestida. Mas kinagulat ko nang makita ko ang isa pang babae. Nakatayo siya sa likuran nito habang nakatuon ang mga kamay sa upuan. “Anong ginagawa mo rito?” Tanong ko sa kanya. “Sinusundo ang kapatid ko.” Ngumuso siya upang ituro ang batang katabi ng pinsan ko. Hindi ko akalain na magkikita pa kaming muli matapos ang ilang linggo ng binalik niya ang rosary sa akin. Tumayo si Ania sa gulat pati ang kalaro nito. Tinitigan ko siyang mabuti. Ang bilugan niyang mga mata, at hindi gaanong matangos na ilong—siya nga iyon ang batang babae na nakita ko sa daan ng gabing iyon. “Ihahatid ko na kayo at ikaw naman Ania pumasok ka na sa loob.” Sumimangot ang mukha nito at pinadyak ang mga paa. “Ayaw!” “Ania. H’wag makulit.” Laglag ang balikat niya nang pumasok siya sa loob. Nang bumalik ang atensyon ko sa dalawang naiwan ay nagbulungan sila. “H’wag mo na kaming ihatid.” “Gabi na. Ihahatid ko na kayo.” Nagkibit-balikat ang dalawa. Umuna silang maglakad upang sundan ko sila pareho. Ako ang nasasaktan para sa kanila dahil wala manlang tsinelas ang mga ito. Pero ang mga paa nila ay makinis at walang mga gasga habang binabagtas ang daan patungo sa kanilang inuuwian. Tinignan ko ang aking wrist watch kalhating minuto nang makalipas ang alas-dyes. Tila sumisipol ang hangin at niyayakap ng lamig ang balat ng aking katawan. Nagtatawanan ang dalawang at pabilis ng pabilis ang kanilang lakad. Nagpaigtad ako nang may tumunog na kung ano at maliit na sanga lamang pala ng tuyong kahoy ang natapakan ko. Patakbo akong sinundan sila. “Ayos ka lang?” Tumango ako sa tanong dalaga. “Para ka kasing takot. Kahoy lang ‘yan ha.” “Hinatid tayo pero siya pa ‘yung mas takot.” Dagdag ng batang kasama niya. Nagpalitan sila ng malakas na tawa at nag-apir. “Okay na kami rito. Mukhang ikaw pa ang mas takot sa amin eh.” Sambit ng dalaga. “Ihahatid ko kayo hanggang sa bahay niyo bilang pasasalamat sa pakikipaglaro sa pinsan ko.” Ayokong pabayaan sila nang ganitong oras lalo pa at parehas silang babae. Mahirap na at baka may makasalubong silang masamang tao. Saka mahalaga sila para sa pinsan. “Malapit na kami rito. H’wag kang mag-alala.” Tinapik ng dalaga ang balikat ko at sumang-ayong ang bata sa sa sinabi niya. Nagpalitan kami ng tingin at tatalikod na sana ako nang… “Pwede bang sa umaga kayo pumunta sa bahay?” Nagkatitigan sila. Hinawi ng dalaga ang iilang hibla ng buhok niya. “Hindi kami pwede. May date kasi ako kapag umaga.” Hinampas siya ng kapatid niya. “Aray ko naman!” “H’wag kang makinig sa kanya, Kuya. Feeling may jowa ‘yan. Wala naman nagkakagusto.” Umikot ang mga mata niya at hinigit ng Ate niya ang buhok nito. Naalala ko sa kanila ang panahon kung saan hindi pa kami parehong abala ni Kuya Tendery sa iba’t-ibang bagay. Madalas kaming magkulitan at mas makulit siya kaysa sa akin. Kung may kapatid lamang ako na mas bata sa akin ay ganito rin kami siguro. Pero ayos lang na wala, dahil may Ania sa buhay namin. “Ang totoo niyan tulog kami sa umaga.” Pagtatama ng bata sa sinabi ng kapatid niya at piningot siya nang kanyang Ate. “Masakit ha!” “Hindi kami tulog sa umaga saka isa pa hindi kami bampira. Basta may ginagawa kami sa umaga.” Mukha naman nagsasabi siya nang totoo nang direkta siyang tumingin sa mga mata ko. “Teka, ano palang pangalan niyo?” Tila ba nagdalawang-isip sila na sagutin ang tanong ko. Nilahad ko ang aking kamay. “Wyn ang pangalan ko. Kayo ba?” Unti-unting tinanggap ng batang babae ang kamay ko. “Ako po si Erie.” Naramdam ko ang lamig ng palad niya dumampi iyon sa balat ko. Para bang may sakit siya. Matapos nito ay Ate niya naman ang nakipagshakehands sa akin.“Lei ang pangalan ko. Leihim na may pagtingin sayo. Yie!!” Binawi ng bunso niyang kapatid ang kamay niya sa akin. “Kuya h’wag mong pansinin to’. Kakanood niya ‘yan ng korning palabas.” Natawa na lang ako sa paliwanag niya. Mukhang tama nga ako na hindi siya kasing edad ni Ania. Kung makapagsalita ay parang matured siyang tao. “Kj mo lang!” Tumalikod si Lei at hinigit ang kapatid niya. “Aalis na kami. Salamat!” Tinanaw ko sila bago ako tuluyang lumakad palayo. Tumalikod na ko para simulan ang paglakad pauwi pero may kung anong bagay ang nag-udyok sa akin na sundan sila. Hindi ko sila pwedeng pabayaan. Nagtago ako sa bawat puno na dinaanan nila at nilagyan ko ng palatandaan ang bawat puno. Pumasok sila sa gitna nang pinakamalaking punong mangga. Pakiramdam ko ay nilamig ako kahit walang hangin at tumindig ang aking balahibo. Pumikit ako nang mariin at sinabi sa aking sarili na huwag papasok pero huli na ang lahat. Mula sa aking kinatatayuan, tumambad sa akin ang agnas na mukha ng isang lalaki at kitang-kitang ang kalhati nang mga ngipin nito. Amoy malansa at nilalangaw ang buo niyang katawan. “Tu..tulungan mo ako.” Bago pa man ako makasagot ay may humablot sa akin. Mabilis niya kaming nagtago sa sulok at sinandal ako sa pader. Nilagay niya ang palad niya sa aking bibig. “H’wag kang maingay.” May ilan pang mga bagong dating. Ang dalawa ay mag-ina at magkahawak kamay. Tumutulo ang dugo nila mula sa noo habang naglalakad at puro gasgas ang kanilang katawan. Tumaas ang balahibo ko nang tumingin sila sa pwesto kung nasaan kami. Tinago ako ni Lei sa kanyang tabi. “Dyan ka lang.” Halos mawalan ako nang hininga dahil sa lubos na pagkakilabot sa nakita ko. Pumikit ako at inalog ang ulo ko. Hindi ito totoo. Walang totoo. “Diretso lang po kayo at doon ang daan.” Pa-simple akong tumingin sa ginawa niya at matapos mawala ang mga bangkay ay bumalik siya sa harapan ko. “A..anong…kla..klase…kang nilalang?” Imbis na sumagot ay ngumiti siya nang kakaiba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD