Chapter 25: Boarders

1926 Words
Gaia pov Isang linggo na ang nakalipas mula noong nakaalis ako sa bahay nila Deimos. Naglilinos ako ng garden ng may gumintong sasakyan sa gate. " Tao po....." boses sa may gate. Tumayo ako para tignan kung sino. " sino sila?" Binuksan ko ang gate ng bumungad saakin ang isang babae na may kasamang lalaki. " Hello po.... pwede pong magtanong?" " ano po yun?" tanong ko. " Ah nagpapaupahan po ba kayo dito?" " Ay hindi.... bakit?" " naghahanap po kasi kami ng asawa ko ng mauupahan dahil kalilipat lang ng destino nitong asawa ko dito sa malapit. Wala po kasi kaming mahanap. Wag po kayong mag alala hindi po kani masamang tao. Katunayan ay isa pong NBI nitong asawa ko. " Pwede ko atang ipaupahan ang isang kwarto. " Sige pwede kong ipaupahan ang isang kwarto sainyo. Mag isa lang naman ako. Pasok kayo para tignan niyo ang kwarto. " " naku salamat...." Pinakita ko sakanila ang kwarto. Nagustuhan naman nila dahil dating kwarto ng magulang ko ito. Meron pang dalawang kwarto ang bakante. Bakit kaya hindi ko naisip ipa upahan ito para may kita ako buwan buwan. " Ako pala so Gaia..." pagpapakilala ko. " Ako naman si Grace at ito ang asawa ko na si Hugo." " bagong kasal ba kayo? Parang magkasintahan palang kayo kung titignan..." Nagkatingin ang dalawa. " Ah Oo bagong kasal lang kami...bukas ay lilipat na kami... Ok lang ba sayo Gaia?" sabi ni Grace. " walang problema... Andito lang naman ako. " sagot ko naman. " babayaranan na namin ang anim na buwan..." ani ng asawa niya. " Ok lang naman saakin na buwan buwan niyo bayaran... hindi naman ako mahigpit. " " bayaran na namin para may panggamit ka sa baby mo. " biglang sabi ni Grace. Nagulat ako sa sinabi niya. Mukha naman nakita nila ang reaksyon ko. " Ah diba buntis ka? halata na kasi ang tiyan mo. " Ay Oo nga pala... " Oo nga eh.. mabuti na din pala na may makakasama ako dito sa bahay. " " Wag kang mag alala Gaia... ang asawa ko naman ang may trabaho... dito lang din ako kung gusto mo ay mag share nalang tayo sa negosyo dyan sa harap kahit maliit lang... " Bakit nga ba pala hindi?? " Magandang idea yan Grace.. naku hulog talaga kayo ng langit saakin... " tuwang tuwa ako naisip ni Grace. May pagkikitaan ako habang hindi pa ako nanganganak. Pagkaalis nila ay tinawagan ko si Angelo para ipaalam sa kanya ang naging disisyon ko na magpaupahan. Maya maya ay dumating ito na may dalang pagkain. Ganito siya kapag dumadalaw saakin meron itong dalang pagkain. " Earth paano ka nakakasiguro na hindi sila masamang tao?" " Hindi naman... dahil ang asawa niya ay isang NBI agent. Galing sila sa Bulacan at dito nadistino." " Earth...." " ayan ka na naman Angelo... Ok lang ako... hindi sila masamang tao. Beside kung titignan mo sila para silang professional... " " Earth hindi basehan ang physical appearance sa pagiging professional... may mga tao nga diyan na magnanakaw naka coat pa." Nagsandok ako ng sopas na niluto ko. " Angelo....malalaman sa mata kung may balak ang isang tao. At isa pa ano naman mapapala nila kung ako ang pagnanakawan nila. Isa lang din naman akong walang wala... poor akong tao. " Bumuntong hininga lang ito sa sinabi ko. " Bukas ay lilipat na sila... " " darating ako bukas para makilala ko sila. Gusto kong safe ka Earth... " " sinumpong ka na naman sa pagiging over protective mo. " " atleast may care ako sayo Earth... Kesa sa asawa mong bahag ang buntot." hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Mula kasi noong iniwan ko siya ay hindi ko na binanggit ang pangalan niya. " Kumain ka na nga dyan... Oo nga pala.. Ano kayang pwedeng negosyo na alam mo Angelo?" " Magnenegosyo ka? " pabalik niyang tanong " Oo... Magnenegosyo kami ni Grace. Hindi din kasi soya pinapayagan magtrabaho ng asawa niya kaya balak nalang naming magnegosyo. " Tinignan ako ni Angelo. " Dyan nalang sa harap niyo kayo magtinda... marunong ka bang magluto?" " Medyo..." sagot ko " Pwede kayong magtinda ng ulam o kaya meryenda dyan sa harap. Gaia tandaan mo hindi ka pwedeng magpagod... " Oo nga pala delikado saakin ang magpagod. " Eh ano ititinda namin? " " tanungin mo yung boarders mo kung alam niya magluto para siya magluto. " " sige....sige..." " pahihiramin kita ng kapital kung gusto mo... " alok niya saakin. " wag na Elo... hindi naman kailangan ng malaking puhunan..." Nahulog ang kutsara nito sa sinabi ko. Galit ba siya?? " anong sinabi mo? " taka niyang tanong. " Ang sabi ko hindi na kailangan ng malaking puhunan... " " Hindi yung nauna?..." " ha?? "nalilito ako " Ano yung tinawag mo saakin Earth? " Napaka OA naman nito.. " Ah Elo kako... nahahabaan na kasi ako ng Angelo hahaha ok lang----" " Oo ok na ok saakin Earth... " napaka exaggerated naman niyang sagot. " ang weird mo ngayon ha... So Elo nalang itatawag ko sayo masyadong formal saakin ang Angelo para tayong di magkaibigan... " " ako nga second name mo ang tawag ko sayo dati pa...." hindi ko narinig ang huli nitong sinabi. " Oo nga pala sa linggo.... Pwede mo ba akong samahan bumili ng baby dress? kailangan ko na kasing bumili habang hindi pa gaano malaki ang tiyan ko" " Oo naman...sus nagtanong ka pa alam mong present ako sa lahat basta para sa inaanak ko..." Napakaswerte ko dahil nandyan parati si Angelo sa tabi ko. Kinaumagahan nagluto ako ng sinangag, pritong itlog at cornbeef na almusal ko. Nagprito na din ako ng hotdog para kina Kookoo at baabaa. Alas nuwebe palang ay may bumusina sa tapat ng bahay. Agad agad akong lumabas para tignan. Nakita ko na sina Grace at Hugo pala ang dumating. Magkasunod lang na dumating ni Angelo. Doon ko na pinakilala sa kanila. " Siya nga pala ang Best friend ko na si Angelo... Elo sila yung boarders ko na mag asawa sila Grace at Hugo." pagpapakilala ko sa kanila. Inilahad naman ni Angelo ang kamay niya sa mag asawa. " Kinagagalak naming makilala Angelo...ang akala ko ay siya ang yung asawa.. " Grace. " hahaha maraming nag aakala pero magkaibigan lang kami ni Elo.. " " Tulungan ko na kayo sa pagbubuhat ng gamit niyo" alok ni Angelo. " Ako na mag----" Hindi ko pa nahahawakan at naitutuloy ang sasabihin ko ng sumigaw silang tatlo... " wag!" sabay sabay nilang sigaw. Nagulat naman ako sa sigaw nila. Kaya hindi ko na itinuloy ba hawakan ang isang bag. " wag na Gaia... mabigat ang mga gamit namin baka maano ka pa..." Hugo. " Pasaway ka talaga Earth....tsk" napakamot nalang ako ng ulo sa pagsuway nila saakin. Nagprito ako ng banana cue para sa meryenda namin. Kokonti labg din ang gamit ng mag asawa. Hindi ko na kasi sila pinakuha ng gamit pang kusina dahil meron naman dito. Marami kaning kagamitan at hindi pa ito na masyadong nagamit. Niyaya ko sila sa may balkonahe para mag meryenda. " ikaw Grace wala ka pa bang balak magbuntis?" bigla kong tanong sa kanya. Halos mabilaukan naman ito sa tanong ko. Hinagod hagod naman ni Hugo ang likod ng kanyang asawa. Nagka tingin naman kami ni Angelo. " Mahirap kaming makabuo... magkasintahan palang kami ay balak na namin. " si Hugo na ang sumagot. " Nagpacheck sana kayo..." sabat naman ni Angelo. " nagpacheck na kaming dalawa... Wala naman kaming deperensya...hindi pa siguro plano ng nasa taas na bigyan kami. Nag iipon pa kami dahil baguhan palang kami bilang mag asawa." Grace. Buti pa silang dalawa.. " Sabagay mahirap ang buhay ngayon." sambit ko. Isang tawag ang nagpahinto sa usapan naming apat ng tumunog ang phone ni Hugo. " Excuse lang ha... baka ang boss ko na ito. " tumayo ito at lumayo saamin. " Grace... pansin ko ay may pagka suplado ang asawa mo. " " Pagpasensyahan mo na si Earth... Grace ha... masyado siyang madaldal." singit ni Angelo Tumawa naman itong si Grace. " ok lang saakin Angelo... ganyan talaga yang si Hugo pero mabait siya. Mula noong magkakilala kami ay hindi na ito nawalay sa tabi ko. " " nawalay?? so noong niligawan ka ay hindi ka na niya binitawan pa?" " Para naman kayong bagong magkakilala lang...." sabat na naman ni Angelo. Napatingin naman kami ni Grace sa kanya. Hindi agad nakasagot si Grace. " Nasa ugali na kasi ni Hugo ang ganyan... ako kasi hindi naman sweet sa kanya pero mahal na mahal ko siya. Nagtanan kasi kami...." mahinang sabi ni Grace. Para kaming tsismoso at tsismosa ni Angelo na biglang lapit kay Grace. " Bakit akala ko ba ay bagong kasal kayo? " tanong ko. " Oo nga... Pero palihim lang kami nagpakasal dahil tutol ang papa ko sa aming relasyon. Dito kami nagawi ng madistino ang asawa ko" " Kaya pala...." Angelo " wag kayong mag alala Grace.... bukas ang tahanan ko para sainyo..." " salamat Gaia... napakabait mo nga talaga..." Napakunot noo naman itong si Angelo. " Mahal...." tawag ni Hugo sa kanya. " Bakit mahal?" " Aalis muna ako... magrereport lang ako sa boss namin sa bagong kaso na hahawakan namin... Ok lang ba? " Hugo. Lumapit naman si Grace sa asawa at hinalikan iyo sa pisngi. Namula naman si Hugo sa ginawa ng asawa niya. Hahaha baguhan pa nga talaga sila. Nagkakahiyaan pa. " Mag ingat ka... magreport ka ng maigi... " Nagpaalam din saamin si Hugo. " Angelo dito ka na maglunch ha..." " Alam ko na ibigsabihin yan Earth...Ako ang magluluto..." napa roll eyes pa ito. Dumeretso na ito sa kusina. " Naghihinayang ako sainyong dalawa kung magkaibigan lang talaga kayo. " sambit ni Grace sa amin. " Hindi kasi pwede Grace....si Angelo ang kauna unahang naging kaibigan ko mula noong nawala ang mga magulang ko.. kaya napaka inportanteng tao yang si Angelo sa akin. Ayokong masaktan siya.... ayokong nakikitang nasasaktan siya dahil saakin." " mahal mo pa ang ama ng anak mo? " Nagtataka ako bakit parang may alam siya tungkol sa ama ng anak ko. " mahal ko ang anak ko Grace....biyaya siya ng buhay ko. Siya lang at si Angelo ang mahalaga saakin.... maliban sa mga alaga kong aso. " Hinawakan niya ang kamay ko. " Gaia....pwede mo din akong maging kaibigan." Ngumiti lang ako. Hindi dahil wala akong tiwala sa kanila. Ngunit iba na ang usapan kapag sa ama ng anak ko. Someone pov " Anong balita? " " The engagement is set..." " Very good... Sabi ko na nga ba saakin pa din siya babagsak. " " Matalino siya kaya mag ingat ka... hindi dahil hawak mo na siya ay kampante ka na dyan. Tandaan mo Mafia boss siya...." " hindi ako natatakot sa kanya... As long na may alas ako para hawakan siya sa leeg ay hindi siya babalik sa kanyang asawa... " " Isn't enough na nasa sayo na siya bakit kailangan mo pang idamay ang asawa niya? " " idadamay ko siya dahil nagdadalang tao siya...hindi ko bubuhayin ang anak nila. Daoat saakin lang siya walang kaagaw at kahati sa pagmamahal niya. Kung kelangan kong patayin ang lahat ay gagawin ko.... maski ang nasa tiyan palang na paslit.... " Selfish akong tao. Ang akin ay akin... Ang iyo ay magiging akin. Tignan natin kung hanggang saan ang kaya kong gawin Deimos.... kapag nalaman niya ang secretong matagal mo ng inililihim... ang lihim tungkol sa pagkamatay ng kanyang magulang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD