Gaia pov
Nagising ako sa tunog ng cellphone ko.
Si Manang ang tumatawag. Hindi ko pala pinansin ito kagabi sa sobrang galit ko sa kanya.
Tinignan ko at nagulat sa dami ng missed call at text mula kay Manang. Tsk si Manang lang naman may pake saakin eh. Meron din tatlong Missed call si Dexter.
Hindi ko nasagot ang tawag ni Manang dahil pinatay agad nito.
Bumukas ang pinto at niluwa ng kalangitan hahaha chos lang niluwa ang kagwapuhan ni Angelo.
" Good Morning Earth.... breakfast is ready." masayang bungad niya sa akin.
Nilapag ko ang cellphone sa kama at nagmamadaling lumabas ng kwarto.
" Goodmorning mga babies ko...."
Tahol naman ng tahol ang dalawa.. Masaya na ulit akong nakikita silang tumatakbo at tumatahol sa paligid ko.
" Wow ang sarap naman ng hinanda mo Angelo.... nakakagutom"
Hindi ko masasabing pamaklain si Angelo sa suot nitong apron. Hindi naman kasi lahat ng naka apron na lalaki ay bakla.
" Bakit na naman ganyan ang tingin mo sa akin Earth?? Ano na naman iniisip mo dyan sa utak mo?" sabay alis ng apron sa kanyang katawan.
Ay inalis na... Sayang. Cute pa naman niya sa ganung itsura. Hehehe
" wala ah... kain na tayo..." yaya ko sa kanya.
Completo na ang nasa mesa. Gatas ko, kanin ulam at prutas.
" Oo nga pala... Handa ka na bang umuwi?" tanong niya saakin.
Napaangat naman ako ng ulo.
" Oo naman.... hinanda ko na din ang sarili ko sakaling pagagalitan nila ako. "
" gusto mo bang samahan kita? Baka kasi saktan ka na naman niya..."
" Hindi na Angelo... ok lang ako tsaka siguro mas maganda na sa bahay nalang namin ako tumira"
Yun ang plano ko... uuwi ako para magpaalam sa kanila. Hindi siguro kami para sa isa't isa ni Deimos.
" Ihahatid kita Earth... sa ayaw mo't sa gusto."
" Oo na po.... pag nakauwi na ako sa bahay namin ay kukunin ko na ulit sina Kookoo at Baabaa para makasama ko. Maghahanap na din ako ng trabaho."
" Pero hindi ka pwedeng mastress Earth...maselan ka magbuntis. "
" Kaya ko Angelo... Alam ko hindi bibitaw ang anak ko. Makakaya namin magsurvive na kami lang. " kinaya ko naman mabuhay na mag isa noon. Mahirap pa sa daga pero nakaya ko. Kakayanin ko ulit para sa anak ko."
" Earth alam mong andito lang ako para sayo... kaibigan mo ako."
" Alam ko Angelo pero ayokong masanay na andyan ka parati.... ayoko sa bandang huli ay sayo nalang ako nakasandal. Papaano nalang pag nagkaroon ka na ng asawa at pamilya.? " ayokong maging pabigat sa kanya. Malaking tulong na ang andyan siya na nakakausap ko.
" Napakatigas pa din ang ulo mo Earth... " sambit niya.
" Ha?? anong pa din? "
Tama ba ang narinig?
" Wala kumain ka na at ihahatid kita. May magvivisit site kasi ako after kitang ihatid."
" Ok... Thank you My Hero."
Kita kong namula ang tenga niya.
Namumula tenga?? Bakit parang may kilala ako na ganyan din kapag tinutukso ko? Meron ba?? Ah ewan. Hehehe
" Tignan mo tenga mo... kinikilig sa sobrang pula hahaha" sabi ko sa kanya.
Napa hawak naman ito sa tenga.
" Wag ka nga Earth....kainin mo yang apple maganda yan sayo." nilagyan nga niya ang plato ko ng apple. Busog na ako eh.
Nagpaalam ako kina Kookoo at Baabaa, sabay kaming bumaba patungo sa parking lot ng biglang may mabilis na motor ang patungo saakin. Mabuti nalang at nahatak ako ni Angelo. Hahabulin sana niya ito nb pinigilan ko siya.
" Wag na Angelo...OK lang ako..." pero habol ang paghinga ko sa sobrang kaba at takot. Bakit ganun nalang magpatakbo ang lalaking yun. Bakit parang sinadya niyang sagasahan ako.
" You alright Earth?? Wala bang masakit sayo??"
Napahawak ako sa tiyan ko.
" Ok naman ako... Natakot lang ako."
Tumawag sa guard si Angelo para sabihin ang nangyari kanina. Tsinek agad nila ang Cctv ng parking lot...hindi daw rehistrado ang plate number ng motor. At hindi daw nakuha ang mukha ng lalaki.
Hinatid na din ako ni Angelo. Nasa gate na kami ng bahay ni Deimos.
" Tumawag ka saakin kapag may nangyari Earth... ok?". Angelo
Tumango lang ang sagot ko. Ang totoo niyan ay kinakabahan ako sa tanong nila saakin, lalo na ang galit ni Deimos.
Pagpasok ko.
Nagulat ako ng makita ko si Deimos na nakaupo sa couch at umiinom ng alak.
" Mabuti naman at naisipan mo pang umuwi?? Kasama mo na naman ang lalaki mo?"
Hindi ko ito matignan ng deretso. Ayoko siyang tignan.
Namalayan ko nalang na nasa harapan ko na ito at galit na galit ang mga mata.
Wow ang aga aga ay punuputok na ang galit niya.
" Did you slept with that guy last night?"
Hindi ko siya sinagot.
" Answer me!" sigaw niya saakin.
Namumuo na naman ang luha ko sa mga mata ko.
" Oo...---"
Blag!
Binato niya ang basong hawak niya sa malapit sa paa ko. Napapikit ako dahil may kung anong sapdi sa paa ko ang tumama.
" Bakit? Bakit Gaia?? Hindi ba sabi ko sayo... Ayokong kasama mo ang lalaking yun?!"
Nag panting ang tenga ko sa sinabi niya.
" Bakit ano ba ginawa namin at ganyan ang galit mo??? Ano ba kita? Ano mo ba ako??"
" wag mong ibahin ang usapan---"
" Shut up Deimos!... hindi ba ikaw ang may ginawa kahapon?? Bakit saakin mo binabato ang mga gawain mo??"
Napahilamos ito ng mukha na parang pigil na pigil siyang magalit ng todo.
" Hindi ba sabi ko sayo... babalikan kita?? "
" Binalikan mo ba ako?? Hahaha wow Deimos... ano ito gaguhan!? Halos magdadalawang oras na akong naghihintay sayo kahapon....para akong tanga na nag order ng pagkain natin ngunit ako lang din pala ang kakain!... Tapos noong pinuntahan kita sa office mo... yun ang ibubungad mo sa akin?? Ang kahalikan mo ang kabit mo sa harapan ko!? Hahahaha hanep naman yan Deimos! "
Tinignan niya ako ng matalim ngunit hindi ako nagpasindak.
" She's not my Mistres!.... "
"........ She's my fiancée ..." dagdag nito.
Halos matumba ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko mula sa kanya ang katagang yun.
Hindi ako nakasagot, hindi ako gumalaw ng ilang segundo.
" Ok" yun nalang ang nasabi ko. Dumeretso ako sa kwarto at nag empake ng mga damit ko. Iilang damit lang ang kinuha ko dahil hindi naman yun saakin lahat.
" Gaia... anong ginagawa mo? Bakit ka nag eempake?" tanong ni Manang.
" Aalis na po ako dito... Hindi ko na po kaya..." sabay pahid sa luha kong kanina pa tumutulo.
" Ha?? Bakit? Teka kanina ka pa ba nandito?"
Hindi ko sinagot si manang at niyakap nalang siya.
" Manang salamat po sa lahat...mag iingat po kayo dito."
Binilisan ko ang paglalakad palabas ng bahay na ito. Nasa gate na ako ng sinulyapan ko ang bahay niya.
" Sana hindi nalang kita nakilala...." sambit ko habang nakatanaw sa bintana ni Deimos.
Sa bahay ako dumeretso. Tinext ko si Dexter na huhulugan ko buwan buwan ang bahay na binili niya. Agad naman itong tumawag ngunit hindi ko ito sinasagot.
" Gaia... ano bang nangyayari sayo.? Bakit parang naglayas ka?" Manang Belen.
" Hindi naman po ako lumayas....umalis lang po ako sa poder ng amo ko." pagsisinungaling ko.
" Halika ka nga dito bata ka... anong bang nangyari sayo?"
" Manang Belen... Sorry po.... siguro po ay hindi na po kayo makakapag trabaho dito para magbantay.... wala po akong ipapasahod sayo..."
" Ikaw talagang bata ka.... tamang tama kasi magpapaalam na ako dahil kukunin na ako ng anak ko na si Binyang sa Canada. Pero Gaia sigurado ka bang kaya mong mag isa? "
" Kaya po Manang Belen... Alam niyo naman po ang buhay ko noon kina Anti....isang beses lang kumain sa isang araw pero nabuhay naman po ako ng ilang taon. "
Niyakap niya ako. Pinapakalma ko ang sarili ko para hindi ako umiyak.
Mag isa na ako ngayon sa bahay. Minabuti kong lumabas at naghanap ng computer shop para gumawa ng resume. Maghahanap ako ng trabaho.
Hapon na ng tumawag sa akin si Angelo. Sinabi kong nasa bahay ako. Pero maya maya ay nasa gate na ng bahay si Angelo.
Teka sinabi ko ba sa kanya ang address ng bahay ko?
Kasama ko ngayon sina Kookoo at Angelo.
" Teka nga pala Angelo.... paano mo nalaman ang bahay ko? Hindi ko pa nasasabi kung saan ah?" pagtataka ko.
Hindi niya ako sinagot at ngumiti lang siya. Hindi ko nalang din ito pinansin.