Angelo pov
Kadarating ni Earth kasama ang dalawang aso na sina Kookoo at baabaa. Alam kong kagagaling niya sa pag iyak.
Pinagluto ko ito ng pancake na nirequest niya.
" Pwede ka na sigurong mag explain saakin... Dahil hindi ako maghuhula Earth kung anong nangyari diyan sa namumugto mong mata."
" nagpacheck up ako kasama si Deimos..."
Alam ko dahil ako dapat ang kasama mo. Pinuntahan kita kanina at sabing magkasama daw kayo.
" tapos? Doon ka na umiyak? "
Umiling ito.
" Pagkatapos ay kumain kami sa restaurant... "
" Iniyakan mo ang pagkain sa restaurant? "
Umiling ulit ito.
" Ano ba yan...? Tapusin mo nga kwento mo...."
" sabi niya ay may pupuntahan lang daw ito, saglit lang daw... Naka order na ako.. Nakakain na din... Pero wala pa siya. Umalis ako ng restaurant at tinawagan si Manang, sabi baka nasa office niya. Ako naman pumunta ako doon.... ayaw akong papasukin ng guard dahil hindi ito naniniwala na asawa niya ako. "
Huminto ito para sumubo ng pancake.
" nakita ako ni Dexter... kaya sinabi sa guard na asawa talaga ako ni Deimos. Tinanong ako niya ako ano daw ginagawa ko doon. Tinanong ko din siya kung nasaan si Deimos..halatang nagsisinungaling ito dahil hindi umaayon ang sinasabi niya... Dumeretso ako sa loob at hinihintay ang elevator na bumukas.... " tumigil ito at pinipigilan ang iyak niya.
" Tapos?? "
" bumukas ito... Nakita ko si Deimos may kasamang babae.... ang masakit pa ay naghahalikan sila sa mismong harapan ko. "
" Anong ginawa mo? "
" Tinanong ng babae kung sino ako? Ang sagot niya ay Maid daw niya ako.... Angelo tingin mo may karapatan pa ba ako sa kanya? " umiiyak na ito.
Lumapit ako sa kanya at niyakap.
" Shhhh tahana Earth... alalahanin mo na maselan kang magbuntis. Baka makakasama sa baby ang pag iiyak mo. "
Wala akong magagawa sa nararamdaman niya. Ayokong nakikitang nasasaktan ito.
" Tahana.... ok. Dito muna kayo nila Kookoo at Baabaa... gusto mo ba? "
" salamat Angelo... mabuti nalang at nandito ka parati. Kahit kailan lang tayo naging magkaibigan."
Ouch! Kaibigan lang talaga..
" Tahana ok!?... tsaka gabi na hindi pwedeng magpuyat ang buntis. "
Pinahid niya ang luha nito.
" sanay na sanay ka na talagang mag alaga ng buntis ano!? Hehehe alam na alam ang mga hindi pwede. " tsk nagbiro pa ito.
" Dahil mas nakakabuti sa baby ang pag sunod sa pinagbabawal.... tsaka ayoko din mawala ang baby mo... Ako kaya daddy Angelo niya."
Tumawa naman ito. Ganyan nga Earth tumawa ka lang dahil hindi ko kayang nakikita kang umiiyak. Ako nasasaktan sayo.
" Daddy talaga? "
" Oo... Ako ang daddy Angelo niya... kaya mag isip na ng ibang tawag ang tatay niya. Nauna na ako sa daddy hahahah"
Lumapit sa amin ang dalawang aso.
" Angelo pwede ba akong humingi ng pabor sayo?"
Binuhat ko si Baabaa dahil napaka cute nito.
" Ano naman yun? Pagkain ulit?"
"hindi.... Ano kasi---pwede bang sayo muna sina Kookoo at baabaa?"
"Oo naman... Mag isa lang naman ako dito. Mabuti na yun para may kasama ako. Dahil alam kong madalang ka nalang bumisita saakin dahil sa asawa mong teror"
" salamat ng marami Angelo... ikaw talaga ang anghel dela guardia ko."
" sus nambola pa.... halika na.. pina ayos ko ang isang kwarto para kapag nag sleep over ka dito ay may mapagtutulugan ka."
Sumunod naman ito. Binuksan akonang isang kwarto katapat ng kwarto ko.

" wow Angelo... Ang ganda naman... as in kwarto ko ito? "
Ang cute ng reaction niya. Ginawa ko ito dahil alam ko na saakin siya tatakbo kapag nasasaktan ito at ayaw niyang umuwi.
Niyakap niya ako bigla. Napayakap na din ako sa kanya.
" Thank you... for doing this to me Angelo. "
" For you Earth... I'll do anything that makes you happy..."
Even though its hurt... because I love you Earth.
Gustong gusto ko ng sabihin sa kanya ang katagang iyan pero pinipigilan ko ang sarili ko. Ayokong lumayo siya saakin... Mas mabuting ganito nalang kahit papaano ay nakakasama ko siya.
Ako na ang kumalas sa pagkakayakap namin.
" May damit na pambahay dyan at toothbrush ka na din sa banyo. You can use it."
" Ah Angelo... gusto ko ng Purple tulips"
Purple Tulips??
" Sige may kakilala ako na pagkukuhanan... Papadeliver nalang ako."
Nagpadeliver nga ako sa kakilala ko....mabuti nalang at hindi pa daw nakatulog ang asawa niya. Hinihintay ko nalang ang asawa ni Kiyo.
Dingdong dantes.... Char
May nag doorbell baka siya na ito. Nagshoshower si Earth sa loob.
" ELO ito na pala ang order mo.. gabing gabi nagpadeliver ka ng purple tulips... bakit may nililigawan ka?" Si Sato ang asawa ni Kiyo na kaibigan ko.
Sina Sato at Kiyo ay bida sa kwentong Music and Me. ( sorry promote nalang din)
" hindi.... para sa kaibigan ko na naglilihi... gusto daw niya ng purple tulips.... Pasok ka muna. "
" Hindi na... tsaka baka hanapin ako ng anak ko pag tumagal ako. Ipakilala mo saakin next time yang kaibigan mo.. Ikaw na ang hari ng taga pag alaga ng mga buntis hahahaba keep it up bro... malay mo next na alagaan mo... ikaw na ang ama. " biro ni Sato
" Siraulo ka.. Hahaha sige salamat sa order ko "
" Teka ikaw ba bayad na? "
" Pinasa ko sa account ng asawa mo... "
" hahaha sige naniniguro lang... Regards sa inaalagaam mong buntis hahaha"
Pagkaalis nito ay sakto namang lumabas si Earth sa banyo.
Suot suot niya ang pink ternong pangtulog... Dahil sa maliit ito ay mahaba sa kanya ang pajama.
" Wow... Tulips.!" patakbo niyang kinuha saakin.
" Naweweirdohan na ako sa Earth... aanhin mo ba ang tulips gabing gabi na..."
" kakainin ko...."
? Ano daw? Kakainin??
" Huhugasan ko lang ito at kakainin natin habang nanonood ng tv... Ok...? Magshower ka na din para sakto mamaya ay manonood na tayo."
Halos madulas ako sa sinabi niya.
Kakainin niya talaga ang tulips???
Dahil nga buntis ito ay pagbigyan nalang.
Pagkatapos kong nagshower nakahanda na ito sa sala ng inumin, popcorn at yung petals sa bowl na malaki.
Kandong kandong niya si kookoo sa couch.
Ngumiti ako sa nakikita ko.
How I wish na ako ang nagmamay ari sayo Earth... siguro mas double ang saya ko kapag.
Pero mas weird ulit ang pinapanood namin habang kumakain.
" Ah Earth hindi ka ba aware na bawal sa inyong mga naglilihi ang manood ng nakaka weird na palabas... I mean... baka kasi"
" Ang gaganda kasi nila Angelo... lalo na pag nagiging mermaid sila Rikki, Chloe at Emma..."
" Oo pero..."
" Ano ka ba manood ka nalang kaya... mamaya ay makikita mo yung Mako Island na pinupuntahan nila."
Wala akong maintindihan sa pinapanood namin. Halos sa kanya ako nakatingin dahil sa tulips niyang kinakain.
" Saglit lang Earth at titimplahan kita ng gatas mo bago ka matulog. "
May binili kasi akong gatas para sa buntis. Nag stock na din kasi ako ng ganito para aa kanya.
Ngunit ng pagbalik ko.
Tulog na ang tatlo...
Nilapag ko ang gatas at tinignan si Earth.
" ang cute cute mo talaga kahit sa pag tulog... para kang bata... batang buntis."
Inuna kong nilagay sa higaan sina Kookoo at Baabaa.. Nag alcohol muna ako bago ko binubat si Earth at pinahiga sa kama nito.
Kinumutan ko ko siya.
" Goodnight Earth.... Sweet dreams... Iloveyou "
Hinalikan ko ito sa labi niya. Dampi lang ito dahil baka magising..
Pero hindi ko aasahan ang sinambit niya.
" Iloveyou too....."
"------Kookie."
Para akong sinaksak ng sampong libong kutsilyo sa narinig ko.
" Be mine Earth..... please..."
Nag tagal ako sa tabi niya at pinanood lang itong natutulog. Hanggang dalawin na din ako ng antok.
Pumanhik na din ako sa kwarto ko.
Kinuha ko ang picture frame sa tabi ng kama ko.
" Earth.... hindi ko inaasahan na magkikita pa tayo sa tagal ng panahon... tinupad ko na ang pangako ko sayo noon na babalikan kita at maging superman mo habang buhay... pero hindi ko inaasahan na may nag mamay ari na pala sayo."
"-----ang mortal ko pang kaaway. "