Gaia Pov
Palabas ako ng makita ko si Deimos nakasandal sa sasakyan niya. Napakunot noo ako dahil may hawak hawak siyang tela.
" Let's go?"
" Huh?"
" Hindi ba sasamahan kita sa check up mo?"
" Sure ka na sasamahan mo talaga ako?"
" kanina pa kita hinihintay... malamang sasamahan kita." sungit niyang sabi. Bumabalik na kaya ala ala niya?
" ano yang hawak mo?" turo ko sa telang hawak hawak niya.
Lumapit siya saakin at siya mismo naglagay sa ulo ko.
Ano naman ang trip nito? Ang init init dito sa Pilipinas pinapasuot niya ako ng ganito.
Purple scarf

" Mas magandang gamitin mo yan.... pasok! " pinupuri ba niya ako??
Ang ganda naman nito... At ang bango.
Pagkapasok ko ay agad kong kinuha ang phone ko para imessage si Angelo ng agawid ni Kookie ang phone ko.
" Ako ang kasama mo ngayon kaya wala kang pwedeng itext."
" Kasi si Angelo----" hindi ko pa nasasabi ng bigla siyang tumingin saakin.
" ako ang ama niyan kaya ako lang ang pwedeng sumama sayo sa pagcheck up. Naiintindihan mo ba ako?"
Hindi ko namalayan na ngumingiti na pala ako.
" Tsk bakit ganyan ngiti mo? Seryoso ako.... Ayokong parati mong kasama ang lalaki mo..."
" hindi ko siya lalaki... Kaibigan ko si Angelo. " sagot ko.
Ang lambot ng scarf tapoa ang bango bango pa.
" Kookie saan mo nakuha ito? Ang ganda... salamat."
Inistart niya ang sasakyan at hindi na ito nagsalita.
Singhot ako ng Singhot para hanapin yung mabangong amoy. Napagawi ang ilong ko sa pwesto ni Kookie.
" Hey stop it! Para kang aso na naman.... naligo na ako ok!? "
" Ang bango mo Kookie... sana ganyan ang amoy mo parati..." natutuwa ako dahil hindi na siya mabaho. Nakakaduwal kasi ang amoy niya noong isang araw.
" Tsk.... hindi ko alam kung bakit ko ginagawa ito sayo eh. Hindi pa kita naaalala pero---"
Napalingon ako sa kanya.
" Pero ano kookie? "
" Bakit ba kookie ang tawag mo sa akin?" irita niyang tanong.
" Noong niyaya mo akong pakasalan ka... Pati ang aso kong si---"
" ----si kookoo ay kinuha mo para makasama ko, makasama natin. Minsan kasi ay binantayan mo ito, pinakain at magkatabi pa kayong natulog. Kaya kookie ang tawag ko sayo." bigla akong nalungkot ng mawala sina Kookoo at baabaa. Napansin ko nalang na may pumatak na luha sa pisngi ko.
" Hey are you crying? "
Pinahid ko agad ang luha ko bago pa niya mapansin.
" Hindi....wala ito. " huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili ko.
Tsinek ako ni Doctora. Pagkatapos ay kinausap na niya kami ni Deimos. Nanlumo ako sa resulta ng check up ko.
" 13 weeks na si Misis she's now entering Second trimester in her 14 weeks.... so I guess you need to relax your body until the baby fully develop. Mr Monteverde please let your wife have a bed rest until the next check up. Hindi masyadong makapit ang baby. Kaya baka sa simpleng dulas or something else can cause miscarriage. "
Hindi kami nakasalita ni Deimos. Ramdam ko ang kaba kapag sinaaabi kasi ni Doc ang salitang miscarriage.
" Don't worry hindi mangyayari ang kinakatakot niyo kapag maging maingat kayo lalo ka na Misis... muntik muntikan ka na this past few weeks. Tandaan mo hindi ka pwedeng magkasakit."
" Doc normal lang ba sa naglilihi na kumain ng flowers?" tanong ni Deimos
" Some flowers are edible which means nakakain ang mga petals and blossoms...Remove the sepals of all flowers except violas, Johnny-jump-ups, and pansies. Only the petals of some flowers such as rose, calendula, tulip, chrysanthemum, yucca, and lavender are edible.... so Ok lang na kainin ni Misis. " explain naman ni Doctora.
Napatingin siya saakin.
" Is there any problem? "Doctora
" Normal din po ba ang kakaibang pang amoy ng mga buntis? " Deimos
Bakit ba ang dami niyang tanong???
" Hahaha well normal po talaga ang senses ng mga buntis. Mas malakas ang pang amoy nila sa dating pang amoy nila. Sensitive sila sa ibang amoy."
" Last question Doctora.... "
Oh may isa pa....
" Can we do the--- you know what I mean Doc."
Ano daw?
" Yes you can still do that thing Mr. Monteverde....but you can choose some position to make para hindi mahirapan. "
Anak ng tokwa.... ano kaya pinag uusapan nila?
Pagkakasabi ni Doctora ay binaling niya sa akin ang tingin.
" Bakit ganyan ka makatingin? "
Natawa naman bigla si Doctora.
" Nothing.... thank you Doc. "
" I'll just give her a new vitamins...."
Niresetahan ako ni Doc ng mga Vitamins... Apat na klase.
" Folic, Multivitamins + Mineral, Calcium Carbonate. Ferrous sulfate.... hala ang dami naman nito." napatingin ako sa binigay ni Doctora kanina.
Palabas na kami ng Clinic. Nang biglang may bumangga sa akin. Muntik na akong natumba kaya maagap naman niya akong nasalo.
" F*ck! Kasasabi lang ni Doctora na mag ingat ka.... " galit nitong sabi.
" Bakit ka sa akin nagagalit....? Binunggo ako ng lalaki..."
Napalingon ito sa gawi kung saan naglakad ang lalaki.
Bigla itong sumeryoso ng tinignan niya ang lalaki.
" Let's go... saan mo gustong kumain? " hinila na lang niya ako bigla.
Nakakainis sana pala hindi na siya sumama..
Sa isang restaurant kami pumasok.
" Table of two sir?" tanong ng waiter.
" Yes please...."
Sinundan namin ang waiter.
" Dito ka muna... may pupuntahan lang ako saglit."
" Ha?? iiwan mo ako dito?"
" Saglit lang... mag order ka na... babalik ako."
Wala akong nagawa ng umalis na nga ito. Parang may kakaiba kay Deimos.
Nag order nalang ako ng pagkain namin at hinintay ito. Sakto naman na hihintayin pa ang iseserve... baka mamaya ay nandito na din siya.
Pero dumating na ang pagkain ay wala pa ito. 20 minutes na akong naghihintay sa kanya.
" gutom na ako....." reklamo ko.
Naghintay pa ako ng 15 minutes... pero wala pa din ito. Dahil gutom at naiinis na ako kumain nalang ako mag isa.
Isang oras na ang nakalipas, tinawag ko ang waiter.
" Mam ibabalot ko po ba ang iba?" waiter.
" Hindi na... ibalot mo nalang para sa pamilya mo... paki kuha na lang din yung bill ko. Thank you" bwisit na bwisit ako kay Deimos. Sabi niya ay saglit lang siya pero dalawang oras na ay wala pa ito.
Pagkalabas ko ng restaurant minabuti kong maglakad lakad muna, hindi ko din naman alam kung saan ang tungo ko. Ang gusto ko lang ay pakalmahin muna ang isip ko. Naiinis ako sa kanya.
Tumambay na ako sa Park pero ni isang tawag ay hindi pa niya magawa.
Tumawag ako kay Manang para alamin kung dumating na si Deimos, nagulat ito dahil alam niyang magkasama kaming nagpacheck up. Sinabi ko kay Manang na umalis ito ang sabi ay baka nasa office nito.
Kaya ganun nga ang ginawa ko, pinuntahan ko ito sa office niya.
Hindi agad ako pinapasok, dahil bawal daw ang walang appointment sa kanya. Sinabi ko na asawa ko siya. Hindi naniwala ang guard.
Mabuti nalang at nakita ako ni Dexter.
" Mam Gaia??" Dexter
" Sir nagpupumilit po na pumasok at sinasabing siya po ay asawa ni Master." Guard
" Siya nga ang asawa ni Master... ikaw sisante ka na.!" galit na sabi ni Dexter.
" Naku naku... Wag Dexter hindi mo siya pwedeng sisantehin... Ok lang ako. Hindi naman kasi alam ng marami na may asawa si Deimos... Ah Manong guard ok lang... relax ka lang dyan di ka masisisante... "
" sorry po Mam... Thank you po." Guard
" Mam Gaia ano pong ginagawa niyo dito? " Dexter.
Bakit parang kinakabahan siya?
" Hindi na kasi bumalik si Deimos sa restaurant kanina ang sabi ay babalik din siya agad. Sabi ni Manang ay baka andito daw kaya pupuntahan ko siya. "
" Ah kasi Mam Gaia--ano kasi---may m-meeting---ah may bisi----w-wala po siya dito." alam kong nagsisinungaling ito.
Hindi ko ito sinagot at deretso akong pumasok ng building. Sinundan naman ako ni Dexter para pigilan.
Pagbukas ng elevator...
Tumigil ang paghinga ko sa nakita ko.
Si kookie may kahalikan na babae.
" Mam Gaia----" tawag saakin ni Dexter.
Kung hindi pa ako tinawag ni Dexter ay hindi pa sila titigil sa ginagawa nila. Napatingin saakin si Deimos...gulat na gulat.
" Babe who is she?" tanong ng babae nito.
Tinignan ko siya. Maganda, matangkad, makinis, maputi, mayaman at sophisticated tignan.
Tinignan ko ang sarili ko...
Kabaligtaran saakin.
" Deimos---" tawag ko sa kanya.
" She's my maid...." nanlumo ako sa narinig ko mula sa kanya.
Tumalikod na ako bago pa nila makitang umiiyak at nasasaktan.
Bakit Deimos??
Inaasahan kong siya ang maghahabol sa akin ngunit boses ni Dexter lang anh naririnig ko.
Nagpara ako ng taxi at umuwi nalang.
Deretso ako sa kwarto ko at nagkulong...
Ang sakit sakit ng nakita ko..
Hindi ko makayang matignan sila ng matagal.
" Hindi na ikaw ang asawa ko.... hindi na ikaw si Kookie!" yan nalang ang paulit ulit kong binibigkas habang yakap yakap ang sarili.
Gabi ng magising ako mula sa pag kakaiyak kanina.
Nagshower ako tsaka ako lumabas.
" Gaia?? Jusme kang bata ka... dumating ka na pala... bakit ganyan ang mata mo? Umiyak ka ba?"
Biglang dumating si Dexter.
" Mam Gaia..."
" Dexter may alam ka ba kung nasaan sina Kookoo at Baabaa?" seryoso kong tanong.
Hindi ito sumagot.
" ANO BA!? MAY ALAM KA BA O WALA? " siagw ko sa kanya. Hindi ko mapigilan na hindi magalit.
" Gaia... ano bang nangyayari sayo?"
" DEXTER! ANO BA!??? MAY ALAM KA BA O WALA?? NASAAN SILA? "
" mam Gaia... Nasa bahay po niyo ang sina Kookoo at Baabaa... doon---"
Hindi ko pinatapos ang sinasabi ni Dexter at lumabas agad ako para puntahan sila sa bahay.
All this time alam niya kung nasaan ang mga aso ko.
Sa Bahay.
Napaiyak ako dahil naging mas maayos na ang bahay. Isang matandang babae ang sumalubong sa akin.
" Gaia?"
Napakunot noo ako.
" Manang Belen?"
Si Manang Belen ang kapitbahay namin.
" Manang Belen?? Ano pong ginagawa niyo dito?"
" Ako ang kinuha ng nakabili ng bahay niyo... Taga bantay dito... at mga aso mo."
Niyakap ko ito at nagpasalamat sa kanya. Nang makita ko sina Kookoo at Baabaa ay niyakap ko silang dalawa.
" Bakit niyo ako iniwan?? ok lang ba kayo?! nasaktan ba kayo noon? " hindi na magtigil ang iyak ko kaya inalalayan ako ni Manang Belen.
" Gaia taha na... hindi sila naano noon. Nasa mabuti silang kalagayan.... tumayo ka dyan. Gusto mo bang kumain.?"
" Manang Belen... pwede ko bang kunin sina Kookoo at baabaa? "
" Oo naman...."
Hindi din ako nagtagal sa bahay. Pero gusto kong bumalik doon.... gusto ko munang umalis.
Kinuha ko ang cellphone ko.
" Salamat....Angelo"