Chapter 21: TULIPS

1538 Words
Gaia pov Hapon na akong nagising dahil nahilo ako kaninang umaga, kaya na pabalik ako sa higaan ko. Dumeretso ako sa kusina wala si Manang... tinignan ko ang relo 3pm na pala kaya nakaramdam ako ng gutom... pero may kung anong gusto ang lasa ko na tikman. Pinuntahan ko si Manang sa garden doon lang naman ang alam kong tambayan ni Manang maliban sa kusina. Nakita kong nag uusap sina Deimos, Dexter at Manang... Napakagwapo talaga ng asawa ko kahit sa simpleng puting tshirt at short. " bukas na ang check up niya diba?" hindi man nakatingin si Deimos kay Manang ay alam kong si Manang ang tinatanong niya. Busy naman si Manang nagdidilig sa mga orchids niya. Napatigil ako para alamin kung bakit niya tinanong si Manang " Oo... kaya samahan mo siya. Para naman maramdaman mo naman ang anak niyo." sagot ni Manang " Manang Pwede na bang bumili ng baby dress?" Deimos Napangiti naman ako... excited na siyang bilhan ang baby namin. " Pwede na siguro..." Manang " Ikaw Dexter.... tingin mo pwede ng bumili? " tanong nito sa kanya. Magkaharap lang sila pero pareho silang busy sa kanilang laptop. " Master anong alam ko sa mga ganyang bagay... wala naman akong baby..." sagot naman ng isa. Napalingon si Deimos sa akin na nakikinig. Umiwas ito ng tingin. Hahaha buking na nga lang... " Goodafternoon Mam Gaia.... gutom ka na ba?" Dexter. Sa bulaklak ako nakatingin....natatakam ako sa bulaklak. " Hello Mam Gaia.... Ok ka lang?" Dexter " Gaia.... may hinanda akong almusal mo teka ipapainit ko." " Manang gusto ko ng tulips..." wala sa kawalan ng sabihin ko sa harapan nila ang gusto ko. Sabay sabay naman silang napatingin sa akin. Ngunit ang mga mata ko ay nasa orchids. Orchids pero Tulips gusto ko. " Dexter.... kumuha ka ng tulips... any color" utos niya kay Dexter. " Ayokong siya ang kumuha... gusto ko ikaw!" inis kong sabi. Hala nagulat ako sa inasta ko. Mukhang nagulat naman sila. " Ah ako nalang Mam Gaia... kasi puyat pa si Master---" Naningkit ang mata ko. " Siya ang gusto ko.... siya ang gusto kong kumuha ng Purple Tulips.! " " Sige na Deimos kumuha na kayo.... hindi maganda ang di napagbibigyan ang buntis." Manang. " tsk.... let's go Dexter.... " walang alinlangan na tumayo ang dalawa. Muntik muntikan pang nabuwal si Dexter sa pagtayo nito. " Halika ka nga dito bata ka... Anong gusto mong kainin? " Umupo ako sa inuupuan kanina ni Kookie. Nakabusangot dahil natatakam talaga ako. " Gusto ko ng tulips Manang..." "Jusme Gaia... pagkain ang tinatanong ko hindi bulaklak... kukuha na ang asawa mo mamaya ay andito na sila." " Eeeiiii Tulips ang gusto ko Manang!" pagmamaktol ko. Napanganga naman si Manang akala ata niya nagbibiro ako. Alas singko na ng dumating sila. Nakaupo ako at pinapanood si Manang. Hinihintay ko kasi sila... Hindi ako kumain dahil doon. " Mam Gaia... " Napabangon ako na parang bata. Na shock ako sa nakita ako. Deimos Pov " Master saan tayo kukuha ng purple Tulips nito?" tanong niya sa akin. " Di ko alam...." Kasi natatakot ako na baka hindi kami makahanao at mat mangyari sa kanya lalo na anak namin. Ilang Flower shop na ang pinuntahan namin at walang purple tulips kaming nakita. Dalawang oras na kami naghahanap. " Master ito na ang huli... Kapag wala pa ay mayayari tayo." " sige manakot ka pa... tara na nga..." bumaba na ako. Bumungad sa akin ang mababangong bulaklak. " Hello Sir... May I help you?" tanong ng babae " We're looking for purple tulips... do you have one? " " Sorry Sir, unfortunately the couple selected the purple tulips and that was the last flower." Sagot nito. " Miss wala na po bang ibang pagkukuhanan... kasi asawa ng Master ko buntis naglilihi... hindi siya makakauwi hanggat wala kaming nakukuhang purple tulips. " sabat ni Dexter. Need ba niyang mag explain ng ganun? " Naku... kung gusto niyo pwede niyong pakiusapan ang magkasintahan na yun... yung may kasamang bata. " turo sa nakauping dalaga. Tinungo naman namin sila. " Hi... " Bati ko Lumingon naman ang dalawa ang dalaga at ang bata. " Yes?" yung bata. ? " Ah sabi ng saleslady----" " si Ate Aikio yun.. siya ang may ari ng shop na ito. " tindi naman ng batang ito makasagot akala mo katangkaran. " Yeah siya nga..." " Catleya ako na kakausap sa kanila... Yes Sir may problema po ba?" Magsasalita pa sana ako ng may biglang sumulpot sa tabi nito. " Mizuki... anong problema dito? " tanong nkya sa Haponesa. " Hi... I'm Deimos... my wife is pregnant and she likes Purple tulips.. We came so many shop but we can't find like one. Can I have it and I'll pay for in any cost." Nagkatinginan lang sila. " Mukhang hindi naman po namin problema ang----" " Kuya Calix.... wala ka bang konsensya? Naglilihi nga daw ang asawa niya. Look at them... hindi naman sila maghahanap kung hindi kailangan. " sabat ng bata. " Tama si Catleya... Sir you can have this purple tulips for your wife. Don't worry we're just picking for sample for our wedding. " saad ng dalaga. " Thank you so much... By the way best wishes... " " You must say Condolence...Mister" malditang sabi ng bata. " Catleya...!" tawag ng lalaki. " Whatever kuya!" " Sorry for my sister..... kunin niyo nalang Sir. Baka may padating pang ganyang flowers para sa amin." Nilahad ko ang kamay ko. " Thanks Bro.. I'm Deimos this is my Secretary Dexter..." pagpapakilala ko. " Calix... this is Mizuki at my little Sister Catleya. " " Akina Master... papabalot ko ng maganda sa kanila. " kinuha ni Dexter para ipaayos at bayaran. " Lucky to have a girl like her... "tukoy ko kay Mizuki. Mukha silang bata para magpakasal. " Arrange Marriage....is not as lucky to have. " " By parents? " ako Tumango ito. " Goodluck bro.... Thanks for the Flowers.. Mizuki right?? Thank you again.... We have to go first ... bye little Kitten.." tukoy ko sa batang maldita. Sinundan ko si Dexter na hinihintay ang pinapaayos na bulaklak. " Mister Monteverde??" tukoy saakin ng isang babae. Kilala niya ako? " Yes? " " I'm Misao Garu... ang isa sa may ari ng shop na ito. Hindi ba ikaw ang heir ng Monteverde Car Company?" ??? So?? " Do i know you?" " Hindi naman..... Sikat ka kasi... Hehehe " Akala ko kung ano na.. " Here it is.... Purple Tulips for your lady. " " wow ang ganda naman yang Bff.. order ba nila Mr Monteverde? " madaldal ang isang tao. " Oo... Pero ito yung pinili nila Mizuki kanina... kaso buntis daw ang asawa ni Sir kaya pinakausapan nila ang mag Kasintahan. " " What? May asawa ka na pala Mister Monteverde? " " Yep!... asawa niya buntis... kaya kailangan namin yan... Tara na Master hapon na oh... " Napatigil ako sa naamoy ko. " Wait! " " Bakit Master? " " excuse me...? Sa mga bulaklak ba ang amoy ng mabango?? " tanong ko " Yes po... purple heaven scent po ito, isa sa mga bago naming products na isasagawa. Ang Perfume Scent. " Sabi ng madaldal " how much?" agad kong tanong Yan ang way ko para hindi na niya ako maamoy na parang mabaho ako. " 250 pesos Sir... Pero pangbabae po kasi ito." sabi ng isa. " It's Ok... kailangan ko lang yan para hindi niya sabihing mabaho ako kahit hindi..." Mukha namang kinilig ang dalawa. " ang sweet naman.... sige po. Dahil kayo ang ikalawang costumer namin. May freebies po kami.... isang handkerchief made by flowers extract." " Dexter.... take care of it. Hihintayin kita sa sasakyan. " Hinintay ko nga si Dexter. Nang pumasok na ito ay pinakita sa akin ang freebies nila. So cute....Malambot ito. " magugustuhan mo kaya ito? " Sana nga magustuhan niya.. Nang dumating si Dexter ay agad kaming umuwi. Nadatnan namin siya naka upo at pinapanood si Manang nagluluto. " Mam Gaia heto na ang Tulips mo..." Pagkalingon nagulat ito agad niyang niyakap si Dexter na siyang ikinainit ng mata ko sa galit. " thank you Dexter...wow ang ganda naman..." inaamoy amoy pa niya ito. Nasisiyahan sa kanyang tulips.. Tinignan ko ng masama si Dexter at nag peace sign naman ito. " akina Gaia at ilalagay ko sa Vase ang mga yan para mailagay mo sa kwarto mo" " ha?? Manang pahugas nalang...." Nagtaka naman kami dahil ipapahugas niya ang bouquet. " Bakit huhugasan?" di na ako makatiis kaya tinanong ko. " Kakainin ko...." O_O Dexter ~_^ ako O_o Manang ^_^ siya " K-kakain m-mo???" pautal ko pang tanong. " Yes....! Takam na takam na ako....." Walang nagawa si Manang kaya hinugasan nalang niya ito. Pagkahugas ay nagyayang manood ng Series ng Just Add Water: H2O.... isa itong mermaid series sa Netfix. -_- Magkatabi kami ni Gaia, si Dexter naman nasa carpet at nakatingin kay Gaia.... si Manang hindi alam kung sino na ang papanoorin kung si Gaia o ang Tv. Ako naman..... nakatutok lang sa kanya na nanonood sabay ng pagsubo sa tulips. Dahil sa weirdo ang paglilihi niya. Sabay sabay kaming napapalunok sa bawat magnguya nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD