Deimos pov
Pinahiga ko siya sa kama..
? Am I stink?!
Ako naman na tanga ay inamoy ko ang sarili ko. Hindi naman eh..
Dahil sa sinabi niya napaligo tuloy ako sa wala sa oras. After that ay bumaba ako.
" halika ka na Deimos kumain ka nitong sopas masarap." yaya saakin ni Manang
" Manang... amuyin mo nga ako mabaho ba ako? "
Inabot saakin ni Manang ang bowl ng sopas at sabay amoy saakin.
" Hindi naman eh...hindi pa kita naamoy na mabaho... mula pagkabata..."
" Asan na ba si Gaia... itong sopas niya nilamig... pinainit ko na naman.."
" Nagising kasi siya kanina Manang... pero ng maamoy niya ako sinabing mabaho daw ako... bigla itong nahilo.. Kaya iniwan ko ito at naligo... Mukhang naitulog na niya pagkahilo nito. "
" malakas talaga pag amoy ng mga buntis... Kaya intindihin mo nalang"
Maya maya ay narinig ko na itong pababa.
" Manang ang sopas?" palapit na ito ng napahinto sa tapat ko.
" Yah ang baho mo Deimos!" yan na naman siya.
" Tsk naligo na nga ako eh...ano bang amoy ang gusto mo?"
" mabaho ka... para kang amoy ng isda..."
What the f*ck!?!
" What?? Wanna die Babae? "
" Deimos!" Manang
Yumakap ito kay Manang ay naiiyak siya.
" Manang... Papatayin daw niya ako.. Waaahhh! " doon na ito nag iiyak.
Napakamot ako sa kilay. Ano bang gagawin ko sa sensitive na babaeng ito. Ni hindi ko na alam ang gagawin ko.
" Deimos... ano ka ba!?" Pinapagalitan na naman ako ni Manang.
Biglang sumulpot si Dexter.
" Hello everyone I'm back....ah Mam Gaia... May bisita ka pala nasa sala..." napatingin ako kay Dexter na nagtatanong kung sino ang bisita mukhang hindi naman niya nagets.
Huminto ito sa pg iyak at pinahid ang kanya g luha.
" Manang maganda ba ako?" tanong niya kay Manang.
" Oo naman... bakit mo naitanong? "
" Si Angelo kasi... Sabi niya ay ipapasyal niya ako ngayon... mamaya na ako kakain ng sopas Manang." mabilis pa sa segundong pinuntahan ang lalaki niya.
Sumama ang mukha ko., bakit ba andito na naman ang lalaking yun.?
" Master... yang mukha mo hahaha di ko alam kung papatay ka ulit sa itsura mo"
" Dexter... yang bunganga mo marinig ka ni Gaia... Wala pa siyang alam sa gawain ni Deimos." Manang
"Sorry po... Hehehe Manang pakain naman ako niyan mukhang masarap..."
" Halika... Ipagsasandok kita.. pero konti lang dahil pagkain ito ni Gaia."
Hindi ko pinansin ang dalawa.
Pagkatapos ay umakyat ako sa taas para matulog. Nadaanan ko ang dalawa na nagtatawanan. Ni hindi rin nila ako pinansin ng dumaan ako.
Pigil na ang inis ko. Badtrip!
Gaia Pov
" Salamat Gelo at pinasyal mo ako dito...napakasariwa naman dito.."
Sinama ako ni Gelo sa kanyang lupa dito sa Taytay... Dito daw niya gustong magpatayo ng resthouse dahil maganda ang lokasyon. Sariwang hangin ang malalanghap dito. Maraming puno at malabundok ang lugar ng kanyang lupa. Tanaw na tanaw kasi ang ibaba ng bayan.
" You need fresh air Earth... mas nakakabuti sa inyo yun ni baby.."
" Napakasuwerte naman ng mapapangasawa mo Gelo... mabait ka na nga... may kaya pa sa buhay."
" Earth... hindi kailanman importante ang may kaya... ang kasiyahan at kontento sa buhay ay sapat na. Bonus nalang ang asawa kapag pareho kayong achiever. "
" lahat talaga may sagot ka... Hmmm so kailan mo balak magkaasawa? " tanong ko habang nakatanaw sa tanawin.
" Kapag malaya na ang babaeng gusto. "
Napalingon ako sa sinabi niya.
" Alam mo Gelo... kapag wala namang kasalanan ang isang tao makakamit niya ang hustisya... makakalaya din siya... Bakit Gelo ano ba kaso niya?"
Tinignan lang niya ako..
Angelo's Pov
" Kapag malaya na ang babaeng gusto. " sagot ko sabay tingin sa kanya.
Mula noong nakilala ko siya naging seryoso na ako sa plano sa buhay. Pag uwi ko dito ay parang wala lang saakin. Trabaho at gala gala lang ang nasa isip ngunit ng makilala ko siya nagbago ang lahat.
" Alam mo Gelo... kapag wala namang kasalanan ang isang tao makakamit niya ang hustisya... makakalaya din siya... Bakit Gelo ano ba kaso niya?" sagot niya.
??? Kaso?? Hindi ba niya nagets ang sinabi ko??
Napatawa niya ako bigla..
" Earth... How can you handle your Husband?? "
" handle na ano?? " inakay ko siyang umupo sa likod ng pick up. Inalalayan i upo dahil may kataasan..
" handle his attitude... Kilala ang asawa mo as a businessman... He own the Monteverde Car Company. Do you know who is he? "
" Ano ka ba naman... Papakasalan ko ba siya kung hindi? Dati may pagkabossy siya... masungit pero noong tumagal ay naging ok ang pagsasama namin. Nasa babae kasi kung paano ihandle ang asawang topakin."
Napangiti ako.
Sana ako nalang Earth....
" Kapag may asawa ka na... ang masamang ugali mo ay maiintindihan niya... ganyan ang asawa. "
" What if lang ito Earth ha... what if ang asawa mo ay may tinatago pala sayo... like he's a Monster, or Killer."
Napatingin siya saakin.
" Monster na siya sa mata ko noon... may isang bagay akong nalaman sa kanya na tinanggap ko. "
" sa tingin mo lahat ay alam mo na?? " dagdag kong tanong
" Ikaw Gelo ha... Matanong ka ngayon "
" Ayoko lang ulit makita kang nasasaktan Earth.... magkaibigan tayo. Saktan ka pa niya ay hindi ko na papalampasin kahit asawa mo pa siya. " seryoso kong sagot.
" anong gagawin mo kung sakali?"
" Kukunin kita sa kanya... at kailanman ay di na kita ibabalik pa sa kanya... ni makuha ay hindi niya magagawa.... "
Tinignan niya ako. Hindi na ito nakangiti... Titig na titig siya saakin.
Earth... seryoso ako.
" Napakaswerte ko dahil ikaw ang una kong naging kaibigan Gelo...kung mas nauna lang sana kitang nakilala ay siguro ako na ikaw ang napangasawa ko... salamat Gelo."
" Ako nga..." mahina kong sabi.
" Ha? May sinasabi ka??"
" Wala... tara na baka gabihin tayo bawal pa naman sayo mapagod. " inalalayan ko itong bumaba.
" Hindi nakakapagod sa ganitong lugar Gelo... balik ulit tayo dito ha... "
" Oo naman.... ikaw ang suki ko..."
" Magandang maglagay ng kubo kubo doon oh Gelo...may mga puno kasi sa tabi niya. "
" Gusto mo ba?? " tanong ko.
" Oo... Para kapag dinalaw kita dito ay doon tayo tatambay "
Sa biyahe todo kwento pa rin ito halos hindi nagtigil ang kadaldalan niya.
Kung ano ano sinasabi... Hehehe hindi naman ako naririndi...natutuwa pa ako sa liit niya ay ang dami niyang lakas para magsalita..
" Bakit kaya hindi mo itry nakipag blind date?"
" Sus...hindi ko hilig sa ganyan."
" akong bahala... ako maghahanap ng ka date mo."
" Ikaw bahala Earth... magpahinga ka na... medyo malayo pa tayo."
Humikab naman ito.
" idlip lang ako...."
Maya maya ay nakatulog na ito.
Pasulyap sulyap ako sa kanya.
Napakainosente niyang tignan, para siyang batang natutulog. Kaya napapangiti nalang ako sa patingin tingin sa kanya.
Nasa gate na kami ng bahay nila. Ang kaso ayaw magising bi Earth...ganito ba talaga ang buntis?? Ang hirap gisingin.
" Earth... wake up.. andito na tayo."
Nakakailang yugyug na ako ay wala pa din.
Kaya wala akong choice kundi buhatin ito.
" urgh.. grabe ka Earth sa liit at payat mong yan napakabigat mo..." bulong ko.
Ano bang meron sa kanya bakit ang bigat naman ata niya.?
Pinakiusapan ko sa guard na buksan ang gate para maipasok ko siya.
Ngunit nasa bungad palang kami ay isang bulto ng tao ang nakatayo at naka cross ark pa ito.
Deimos pov
Kanina pa ako palakad lakad dito sa labas ng bahay dahil hanggang ngayon ay wala pa sila.
7pm na... alam ba niyang hindi siya pwedeng mapagod??
Dalawnag oras na ata ako nandito para hintayin siya.
Nakita ko ang humintong sasakyan sa harap ng gate. Sila na ata ito...
Hinintay kong bumaba si Gaia... ngunit ilang minuto na ay wala pang bumababa sa kanila.
Anak ng.... di ba sila nagsasawa??
Napakunot ang noo ko ngmakitang buhat buhat na niya si Gaia. Pinagbuksan naman sila ng guard.
Nag cross arm ako dahil sa nakikita ko.
" Ahh... ano kasi.... Si Earth ayaw magising..."
Tinignan ko lang siya.
" Aki na..." aakmang kukunin ko ito ng umatras siya.
" Ako na ang maghahatid sa kwarto niya." sagot nito.
" Bahay ko ito... Kaya akina si Gaia!"
" Ako na.." sagot niya
" Akina sabi eh... ikaw ba ang asawa?? " inis kong sigaw sa kanya.
Mukhang di siya makasagot.
Kusa ko itong kinuha sa mga bisig niya. Pero di ko inaakala na mabigat ang babaeng ito. Muntik na akong na outbalance.
" Ano bang pinakain mo dito bakit ang bigat?? " tanong ko.
" pinakain ko sa kanya ang lahat ng gusto niya.... as in lahat ng GUSTO!" bwisit na ito.. nilakasan pa niya talaga niya ang salitang GUSTO.
" Makakaalis ka na...."
" paki sabi sa kanya na susunduin ko nalabg siya sa check up nito. Aalis na ako."
Sa kwarto niya ko siya pinahiga. Kanina pa kaya ito natulog?? ang tagal naman....
Hindi pa magising gising..
Pinabantay ko kay Manang para kapag nagising ay pakainin niya. Hindi ko na kasi mabantayan.
Sa office ako dumeretso dahil may ginagawa kami ni Dexter.
" Master meron na si mam Gaia?"
" Oo... Buhat buhat ng lalaki niya dahil di daw magising gising. Tsk"
" selos ka Master??"
" pinagsasabi mo?"
" wag ka nga magdeny Master... nakakaramdam ka ba ng inis kapag nakikita mo silang dalawa?"
"Oo.." sagot ko.
" Nagagalit ka kapag yung lalaki parati ang binabanggit niya?"
" Oo.."
" Nag iisip ka ba sa isipan mo na may ginagawa silang sila lang dalawa ang nakakagawa?"
" O-oo"
" naku Master... nagseselos ka nga..."
" Ganun ba yun??"
" Oo Master..."
" Paano mas gusto niyang kasama ang lalaki niya kesa ako na asawa!"
Napatigil ako sa sinabi ko.
" hahaha Master... Master...100percent nagseselos ka... Kaya kailangan hindi ka magpapatlao sa Angelo na yun... kailangan mong bantayan si Mam Gaia. "
" sabi pa ng lalaki niya na susunduin daw niya si Gaia sa Check up nito.... eh gusto ko ako eh!" may paghanpas pa ng mesa ang ginawa ko.
" Hahaha easy lang Master... gagawin mo ang lahat ng gusto ni Mam Gaia para gindi niya hanapin ang Angelo na yun..."
" Tama....ako ang asawa at ama ng nasa tiyan niya.! "
Akala mo isa akong General na nakataas ang kamay na parang sinasabing
Laban!