Chapter 19: Gatas

1433 Words
Gaia Pov Pagbalik nila nagulat kami sa dami ng dala dalang boxes ni Dexter. " Dexter.... ano ang mga yan? Ang dami ata? " pagtataka ko. Pagkababa nito ay binagsak niya ang katawan sa sofa. " Mam Gaia... gatas po niyo binili namin ni Master..... hoooo kapagod.. sa kusina muna ako Mam Gaia... gutom na ako." tsaka ito tumayo at duneretso ng sa kusina. Sumunod na pumasok si Deimos. " Ah Deimos bakit ang dami mong biniling gatas?" tanong ko " Para hindi ka na labas ng labas para maghanap. Hindi namin alam ang gusto mo kaya binili na namin lahat ng flavors." sa kanyang pag sagot hindi ito makatingin saakin ng deretso. " Isang lata lang sana... ke dami dami naman nito." " Share mo kay Manang.... " at nilampasan na noya ako. Ngee ishare kay Manang?? Pwede... Pagbukas ko ng kahon na isa... tumambad saakin ang mga delatang iba't iba ang flavors. Tatlo ang kinuha kong lata ng gatas magkakaiba ang flavor para makapagpili na din si Manang. " Manang ano ang gusto mo dito? Eto o eto?" Napangiwi naman si Manang sa pinakita ko. Nag sslice kasi ito ng carrot... Magluluto daw ito ng sopas. Halos mabilaukan naman si Dexter sa kakatawa. " Gaia... ang mga gatas na yan ay para sa buntis lamang.. Hindi naman ako buntis " Manang Si Dexter naman nagpipigil ng tawa... samantalang si Deimos nagkakape ito. Nang maamoy ko ang kapeng tinitimpla nito binitawan ko ang hawak kong gatas at lumapit kay Deimos. Inamoy ko pa ang kapeng hawak niya. " Get off... bawal sayo ito." nilayo niya ang tasa nito. " Gusto ko yan...." pagmamaktol ko. " What the f*---" "Deimos!" sigaw ni Manang.. Ayaw na ayaw niyang nagmumura si Deimos lalo na kapag kaharap ako. " Pero Manang! May gatas na nga siya eh... bawal ito sayo Gaia..." Deimos Sumimangot ako. Di ko namamalayan na lumuluha na pala ako. " Hala ka Master umiiyak si Mam Gaia...." si Dexter ang unang nakapansin sa akin. " s**t!..." Deimos binitawan ang tasa at hinaharap ako. " Hey... don't cry...bawal sayo - - - " Doon na lumakas ang iyak ko. Hindi ko din alam kung bakit masama ang loob ko na hindi ko maamoy at matikman ang kapeng gawa nito. " Sus Deimos ipatikim mo na lang sa kanya ang kape..." Manang. " Tsk... Fine!" Automatic akong napatigil sa pag iyak at humarap sa kanya para hintaying ipatikim ang kape nito. " Just One zip... and done." Nag nod lang ako. Nang matikman ko ang kape hindi ko agad nilayo ang bibig ko sa tasa at sinimot ang kape. Pinipigilan nga nito na hindi ko ubusin pero hinawakan ko ang tasa ng mahigpit. Zip! Ubos! " Wah Mam Gaia.... inubos mo? " Dexter Tinignan niya ako ng masama... Ngumiti ako sa kanya at tinalikuran ito. Masaya ang pakiramdam ko ng maubos ko ang kape. Ang sarap ng timpla niya. May patalon talon pa akong pumunta sa garden para magdilig. Deimos pov ??? Yung itsura naming tatlo. " Ang tigas ng ulo ng babaeng yun..." Si Manang naman natatawa sa reaction ko. " Ganyan ang nga buntis Deimos... kung ano ang bawal ay yun ang gusto nila." Kung ganun kailangan niyang mabantayan baka mapapaano pa ang anak ko. Wait did I claim already na anak ko. " Dexter.... sabihin mo sa client natin na icancel ang appointment. " " Huh? Master..... malaking client ang sasayangin natin. " " Fine... Ikaw na ang bahala, ikaw na makipag negotiate sa kanila...hindi muna ako tatanggap ng work mula sa araw na ito." " Deimos bakit naman bigla bigla kang nagdedesisyon?" " Manang did you see that woman do to my coffee? " ? Manang " Inubos niya ang kape ko... " inis kong sabi " Master nagagalit ka kasi??? " " Babantayan ko ang babaeng yan... " sabay turo sa loob kung saan pumasok si Gaia. " Hahahah oh siya... ikaw ang bahala... bakit di mo siya ipasyal para hindi yung andito lang ito. " " Oo nga Master..." sabat ni Dexter Napag isip ako. Sabi ni Bright ay kailangan niya ng fresh air lalo na't buntis ito. " Tatapusin ko muna ang transaction ng Grupo bago ko siya ipasyal. " " Naks nakakatuwa naman yan Master... bumabalik na ba ala ala mo? " " Mawala man kasi ang isip.... hindi ang puso.." yan na naman si Manang. Hindi ko alam kung bakit ako naging aware aa babaeng yun. Ayoko lang madamay ang baby namin. Binilin ko si Dexter sa lahat ng gagawin nito. Via Zoom nalang ako makikipag meeting ka kanila pero kailangan ni Dexter na andoon ito dahil nasa kanya ang mga papers. Pagkaalis ni Dexter, nakita kong nakatulog ito sa couch. Mahimbing ang tulog nito. " Hayaan mo muna ang asawa mo dahil antukin sila. Mabilis silang nakakaramdam ng pagod at antok." bigla bigla nalang sumusulpot si Manang. " Manang... Aalis ka?" hawak kaso nito ang wallet niya. " Oo maggrogrocery ako para sa stock natin... pag gising ni Gaia ay ipainit mo ulit yung sopas na request niya. Baka gutomin yan malamang paggising niya." " Saan ka sasakay Manang?" " Pinakontak ko kay Dexter si Baldo para ipagdrive ako." si Baldo ay ang Company driver. Minsan driver ni Manang kapag wala kami ni Dexter. " Sige po Manang.... sa taas muna ako. " Nagbihis ulit ako. Tsaka ako bumaba ulit. Nakahiga pa din ito sa couch.... Tumabi ako aa kanya. Pinanonood habang natutulog. You have this innocent face.... Sa kakatitig ko sa kanya ay gumalaw ito na muntik ng mahulog. Tsk napakalikot mo namang matulog. Binuhat ko ito at i akyat sa kwarto ko. Wala si Manang kaya sa kwarto k9 muna siya matulog baka mapapaano pa ito sa baba. Kailangan ko na i Videocall ang client ko mamaya. Paglapag ko sa kanya nagulat ako ng yakapin niya ang braso ko. " Kookie.... dito ka lang.." Who the hell is Kookie??? Dahil ayaw niyang bitawan, so I ended up sitting beside her and watching her sleeping like a baby. Tinignan ko ang oras.... dalawang oras pa bago makarating si Dexter kaya iidlip muna ako. Hindi ko namalayan na ang idlip ko ay naging tulog na. Nagvibrate ang phone ko sa bulsa kaya nagising ako, hindi pa rin nito binibitawan ang braso ko.... namanhid na ito sa pagkakayakap niya.. Dahan dahan kong inalis ang braso ko upang masagot ang tawag. Nang maalis ko, dahan dahan na din akong bumangon. " Yes Dexter?? Start na ba?.... give me 5 minutes...tell them not to shout." Inopen ko ang laptop and mag start para Zoom Pag open ko bumungad saakin si Dexter. Dahil kitang kita sa likod ko ang kama halos lumaki ang mata nito ng makitang nakatulog si Gaia sa kama ko. Tapos ang ngiti ng loko... Nakakaloko. " Don't ask Dexter...let's start." Dexter: nice move Master.. Tignan mo itong lokong ito... may pahabol pa. Habang nag memeeting kami pahapyaw akong lumilingon sa likod para tignan si Gaia. Isang oras mahigit ng matapos ang meeting. Nakuha namin silang shareholders. Pagkatapos ng pirmahan ay inutusan ko si Dexter na umuwi agad at dumaan ng mga prutas. Dexter: Master anong prutas ba? " kahit na ano... yung walang buto baka lunukin ng babaeng ito." Dexter: ah seedless Master... Siya sige Master. " By the way... ikaw na nalang ang dumaan sa pinatrabaho ko kina Bright. Tinext ko na sa kanya na ikaw mag pipick up. Nasa Timog siya ngayon. " Dexter : Copy Master " Anong ginagawa ko dito? "nagulat naman ako ng bigla itong nagsalita. " Binuhat kita dito... Halos mahulog ka na kasi kanina... wala naman si Manang kaya dinala na kita dito. " pagpapaliwanag ko. Nang tignan ko ito ay naka kunot ang noo niya. " What? " " Naaamoy mo yun!?" bumaba ito at hinahanap ang amoy na sinasabi niya. " anong amoy?! " tanong ko naman. Para siyang asong K9 na inaamoy lahat ng sulok ng kwarto. Palapit ng palapit ito sa akin. " Yah ikaw ang naaamoy ko." sabay turo sa akin. Nakatakip ito ng ilong kaya hindi j9 mai tindihan ang sinabi niya. " What did you just say?" " Ang baho mo Deimos! Naligo ka ba??" Wtf! " Hoy babae... Naligo ako... at kahit hindi ako maligo... Mabango ako! ". " Bakit ganyan ang amoy mo ang baho pa din!" Sasagot pa sana ako pero napansin kong nakalagay na ang isang kamay niya sa sentido nito. " Hey.... you're ok?? " Bago pa man ito makasagot at nag faint na siya buti nalang at nasalo ko. Nahilo ba siya sa amoy ko???
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD