Papatapos na siya noon sa pagluluto nang may marinig siyang katok sa pinto. Dali-dali siyang lumabas ng kusina para tingnan kung sino. Wala naman siyang inaasahang bisita ngayon. Tatlong araw na siya sa condo ni James mula nang umalis siya sa bahay ni Hunter. Bigla tuloy siya nakaramdam ng kaba. Hindi kaya si Hunter ang nasa labas? Pero imposible, galit pa rin ito sa kanya hanggang ngayon dahil sa pag-alis niya. Tama naman ang ginawa niya, di ba? Para sa ikabubuti ng lahat. Nagulat pa siya sa muling pagkatok ng kung sino sa labas. Huminga siya ng malalim bago binuksan ang pinto. “Hi ate!” Ang nakangiting si Blake ang kanyang nabungaran. Bigla siyang nalungkot dahil hindi ang inaasahan niyang bisita ang nasa harapan niya ngayon. “Blake!” Masayang niyakap niya ang kapatid at hinalikan sa

