Katatapos lang niyang maligo at palabas na siya ng silid nang tumunog ang cellphone niya sa bedside table. Tinignan niya kung sino ang tumatawag—si James. “Hello, James!” bati niya. “Hi, sweetheart! Sigurado ka na bang sa condo ka muna titira?” tanong nito agad. Tinawagan niya kasi ito kagabi para sabihin ang plano niyang lumipat. “Oo, pero bukas na siguro ako lilipat sa condo mo. Hindi ko pa kasi nakakausap si Happy,” sagot niya. “Okay, bahala ka. Pero paano si Hunter?” “Kakausapin ko siya mamaya.” Aniya, dahil hindi pa niya ito nakakausap. “Kailangan mo ba talagang gawin ‘yun? Yung paglipat mo?” “Para sa ikabubuti ng lahat.” Sagot niya. “Pero–paano kung hindi pumayag si Hunter? Tanong ng kaibigan. “Sa ayaw at sa gusto niya, aalis ako.” Aniya, dahil wala ng makakapigil pa

