Nasa kusina siya noon at nagluluto ng makarinig siya ng katok mula sa labas ng pinto. Bumalik ba si James at may nakalimutan? Patakbo siyang lumapit sa pinto at agad na binuksan iyon pero laking pagsisisi niya ng makita kung sino ang nakatayo sa harap nito. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. “A-anong ginagawa mo dito?” Kinakabahang tanong niya. “Hindi mo man lang ba ako papapasukin muna?” Bagkus ay sabi nito. Bago pa man siya makasagot ay pumasok na ito sa loob. Tarantang napasunod siya dito. “Ano bang kailangan mo? Saka paano mo nalaman na nandito kami—.” “Parang hindi mo naman ako kilala.” Supladong sagot nito. “Ano ba kasi talagang kailangan mo sa akin ha?” Aniya, bumalik siya sa kusina at tinapos ang niluluto. “Wala akong kailangan sayo, pero sa anak ko meron!”

