“Hunter ano ba!” Inis na sabi niya matapos nitong ilagay lahat ang mga gamit nila ni Haffner sa loob ng sasakyan nito. “Ano bang problema mo?” Nagsasalubong ang mga kilay na nilingon siya nito. “Hindi kami sasama sa bahay mo!” Singhal niya. “Bakit hindi? Pamilya ko kayo, 5 years mong itinago sa akin ang anak ko! ngayon pa lang ako bumabawi sa kanya. Kaya please lang!” Pakiusap sa kanya ni Hunter. “Pero Hunter–.” “Sasakay ka ba o gusto mong buhatin pa kita papasok sa loob ng sasakyan?” Supladong sabi nito sa kanya. Pinandilatan niya ito saka nagdadabog na pumasok siya sa loob ng sasakyan, pero sa likod siya pumuwesto sa tabi ng kanyang anak. “Mommy nag-aaway po ba kayo ni Daddy?” Agad na tanong ng anak. Nagkatinginan sila ni Hunter na noon ay nasa driver’s seat na. “N-no–no b

