“Hello..” “Where are you?” Galit agad na tanong ni Hunter pagka sagot niya sa tawag nito. “N-nandito kami sa labas.” Mahinahong sagot niya. “At isinama mo pa talaga si baby Austin?” “Hunter, kasama ko si Blake at James pwede ba!” Asik niya sa binata. “Umuwi na kayo!” “Namamasyal pa kami, saka maaga pa naman ah!” Aniya. Dahil alas tres pa lang naman noon ng hapon. Saka nag-eenjoy pa sila. Tuwang-tuwa nga si baby Austin sa mga nakikita. Wala naman siya nakikitang masama sa ginawa nila. “Celeen!” “Hunter ano ba! wala kaming ginagawang masama okay?” “Nandito na ako sa bahay, kina tito Ramon tayo mag didinner ngayon. Family Dinner.” Bagkus ay sabi nito. “Eh di pumunta ka na lang, uuwi na lang kami nina baby mamaya.” “Pupunta tayo kasama si baby Austin!” Inis na sabi nito.

