“Matutulog ka na ba?” Tanong sa kanya ni Hunter. Kararating lang nila sa bahay galing sa family dinner nila. Mahimbing na ring natutulog si baby Austin at binabantayan ito ni yaya Fatima. “Bakit?” Tanong niya. “Hmm–wala.” Anito. “Okay, sabi mo eh!” Aniya at tumalikod na siya. Ano ba sana ang sasabihin ni Hunter sa kanya na bigla na lang nito binawi agad? Bahala na nga siya sa buhay niya. Inis na sabi niya at pumasok na siya sa kanyang kwarto. Dumiretso na siya sa loob ng banyo upang mag shower. Nanlalagkit kasi siya. “Ya, tapos na ako. Ako na ang bahala kay baby. Magpahinga ka na rin.” Aniya, kalalabas niya mula sa banyo. “Sige iha.” Sagot nito at lumabas na ito ng kanyang silid. Nagbihis na siya. Nakadamit siya ng overized na t-shirt na madalas niyang isuot kapag natutul

