Nagmamadali siyang pumasok sa kanyang silid at agad na isinara niya iyon. Saka siya nanghihinang napasandal sa likod ng pinto. Tumigil na noon sa pag-iyak si baby Austin. “Ano bang ginawa ko!” Naihilamos niya ang kamay sa mukha. Tama ba yun na bumigay siya kay Hunter? Lasing ito at alam niya na wala ito sa huwisyo. Ano na lang kaya ang iisipin sa kanya ni Hunter, na isa siyang babae na agad na lang bumibigay isang kalabit lang. Nakakahiya! “Celeen naman eh! Bakit ka ba kasi bumigay sa mga haplos ni Hunter!” Naiinis na sinabunutan nya ang sarili. Oh paano na bukas kapag nagkita sila ng binata? May mukha pa ba siyang ihaharap dito? Nagpapasalamat siya dahil biglang umiyak si baby Austin at hindi natuloy ang dapat sanang mangyari. Sabi sa kanya noon ng kanilang ina, alagaan at huw

