Katatapos niyang magbihis at nasa living room na sila ng dumating si James. Napaka gwapo nito sa suot. Naka pantalon ito at itim na v-neck T-shirt. Idagdag pa ang shades nito. Sa probinsya nga nila maraming naghahabol na kababaihan sa binata, yung iba anak pa ng Governor, pero mailap si James. Ni minsan hindi pa niya nabalitaan na may niligawan ito o nagkaroon man lang ng Jowa. Hindi naman ito bakla dahil napaka kisig nitong tignan. Lalaking lalaki ang datingan, kaya imposible na bakla ito. “Hi sweetheart!” Agad na bati nito sa kanya saka siya hinalikan sa pisngi. “Bakit ang gwapo mo ngayon?” Nakangiting tanong niya sa kaibigan. “Matagal na akong gwapo, hindi mo lang pinapansin.” Sabi ng kaibigan. Aba! at humuhugot ang binata. “Ha? Kailan pa?” Kunwari tanong niya. “Since b

