“Ano yun?” Nagulat pa siya at biglang napalingon sa pinanggalingan ng boses, tumambad sa kanyang harapan si Hunter na salubong ang kilay. Nasa terrace siya noon, nakaupo habang pinagmamasdan ang di mabilang na mga ilaw sa siyudad. “Ano bang problema mo?” Nagtatakang tanong niya, dahil hindi niya alam kung bakit ito nagagalit sa kanya. “Daddy James talaga ang tawag ng anak ko sa lalaking yun?” Salubong parin ang kilay na tanong nito. Ito pala ang issue nito. Napatingin siya sa kwarto ng binata at nakita niya na mahimbing na ngang natutulog ang dalawang bata. “Hunter pwede ba!” Aniya, wala pa naman siya sa mood na makipagtalo na naman dito. Pagod siya. “At sa kwarto niyo talaga siya natutulog?” Inis na sabi pa nito. “Hunter pwede ba!” Napipikon na sabi niya. “Kasi gusto mo di

