“Alyssa please! sigurado ako na alam mo kung nasaan si Celeen ngayon! Sabihin mo naman na sa akin oh! Parang awa mo na!” Mangiyak ngiyak siya habang nagmamakaawa dito sa bahay nina Alyssa at Alex. Dalawang araw ng hindi umuuwi si Celeen at dalawang araw na din siyang hindi pumapasok sa office dahil patuloy siya sa paghahanap sa dalaga. Sobra na siyang nag-aalala dito. Ni hindi nito sinasagot ang kanyang mga tawag at chat kahit nagriring naman ang cellphone nito. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring hindi maganda kay Celeen. “Hindi ko alam! wala akong alam diyan!” Inis na sagot ni Alyssa sa kanya. “Please Alyssa! sigurado ako na alam mo kung nasaan siya ngayon!” Pagmamakaawa niya dito. Gagawin niya ang lahat malaman lang niya kung nasaan ngayon si Celeen. “Sa ti

