Naalimpungatan siya dahil kanina pa nagriring ang kanyang cellphone. Nakatulog pala siya agad kanina dito sa silid ni James. Nakaalis na kaya ito at bakit ito tumatawag. May nakalimutan kaya ito? Tinatamad na kinuha niya ang cellphone sa bed side table at tinignan kung sino ang tumatawag. Hindi nakarehistro sa kanyang cellphone ang number na tumatawag. Sino kaya ito? Si Hunter kaya ito? Gumamit ng ibang number dahil hindi niya sinasagot ang mga tawag nito? Bahala ka sa buhay mo! Inis na ibinaba niya ang cellphone pero patuloy parin ito sa pag ring. Bahala na nga! Akmang dadamputin niya iyon ng tumigil naman na ito sa pag ring. Pero bigla itong nagpadala ng message. ‘Hi Celeen, pwede ba tayo magkita sa labas? May importante akong sasabihin sayo. Si Valerie ito.’ Whaatt?? Se

