Pupungas-pungas siyang nagising, sinalubong agad siya ng masarap na amoy ng nilulutong pagkain mula sa kusina. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng gutom. Pagtingin niya sa sarili, nasa ilalim pa rin siya ng makapal na kumot—at nakadamit na pala siya. Ibig sabihin… si Hunter ang nagsuot ng mga damit niya? “Argh, kainis!” bulalas niya nang muling sumagi sa isip ang mga nangyari kagabi. Hindi rin pala siya nakapagpigil—bumigay siya rito. Ano na lang kaya ang iisipin ni Hunter sa kanya ngayon? “Ano ba ‘to… bakit ko ba hinayaan?” bulong niya habang papunta sa banyo. Para bang nanlalagkit pa rin ang buo niyang katawan. “Marupok ka talaga, kahit kailan,” sabi niya sa sariling repleksiyon, sabay buntong-hininga. Ngunit kahit anong tanggi niya, hindi niya matagpuan ang pagsisisi. Sa halip, may kak

