“Hey!” Napalingon siya nang marinig ang boses ni Hunter. Nagkasalubong sila sa garahe; kakalabas lang ito mula sa sasakyan, basang-basa dahil sa malakas na ulan. Dikit na dikit ang puting t-shirt nito sa katawan, at ang buhok niya’y basa, may mga patak ng tubig na dahan-dahang dumudulas mula leeg pababa sa dibdib. “Ipinasok ko muna ang sasakyan—lalo pang lumakas ang bagyo,” sabi nito habang hinuhubad ang basang damit. Hindi niya napigilang mapatitig. Para bang bumagal ang oras habang unti-unting lumilitaw ang matikas nitong katawan. Uminit ang kanyang pisngi at napalunok siya sa tanawing halos magpatigil sa t***k ng kanyang puso. Gusto niyang umiwas ng tingin, pero hindi siya makagalaw. Para bang may sariling isip ang kanyang mga mata—ayaw kumawala sa tanawing nasa harapan niya. Napans

