"Ano ba yan! kung kailan may bagyo saka naman lumuwas si Blake!" reklamo niya habang nakatanaw siya sa bintana at pinapanood ang malakas na buhos ng ulan, kasabay ng malakas na paghampas ng hangin. Nakaramdam tuloy siya ng ginaw kaya napayakap siya sa sarili, na tila ba sinusupil ang lamig na dumadaloy sa kanyang katawan. Ano ang gagawin niya ngayon at mag-isa lang siya sa malaking bahay na ito? Nagsisimula na noon dumilim ang paligid, tinatamad naman siyang magluto dahil siya lang din naman ang kakain. "Hay naku! Makatulog na nga lang!" sabi niya sa sarili, at nahiga na nga siya sa malambot na kama, saka siya napapikit, nakakaantok ang malakas na buhos ng ulan. Naalimpungatan siya dahil sa malakas na tunog ng doorbell. “Nakauwi na ba ang kapatid niya? Bumalik na ba ito?” Pipikit-pikit

