CHAPTER 7

1659 Words
“Hello po tita.” Nakangiting humalik at yumakap siya kay Doña Victoria na noon ay nasa living room ng mala palasyong bahay ng mga Sebastian. “Hi anak. Namiss kita.” Sabi ng Doña. “Ako din po.” “At mamimiss ka naming lahat kapag nasa manila ka na.” Sabi nito saka lumungkot ang boses nito. “Sabi nga ni James dalawin ka namin paminsan minsan doon kasama si Blake.” Dagdag na sabi pa nito. “Sure po tita, sabihan niyo lang po ako agad.” Nakangiting sabi niya. “Oo ba! oh siya baka nagugutom na kayo, James, mag merienda na muna kayo ni Celeen at may gagawin lang ako saglit sa kuwarto.” Sabi pa ng Doña. “Sige po mommy.” Sagot ni James at nagtungo na nga sila sa kusina kung saan nakahanda ang bagong luto na bilo-bilo. “Si mommy nagluto niyan, para sayo.” Sabi sa kaniya ng kaibigan. “Talaga?” Aniya, saka umupo na siya at tumabi naman sa kanya si James sa hapag-kainan. “Oo, alam niya kasi na favorite mo.” Sabi pa nito. “Nagimas!” Palatak niya, pagkatikim sa bilo-bilo. Na ang ibig niyang sabihin ay masarap. “Wen ah, basta luto ni mommy ket naimas!” Nakangiting sagot naman ni James sa kaniya saka sila nagkatawanan. Ganito lang ang gusto niyang buhay, simple at masaya. Paano kaya ang magiging buhay niya sa manila kasama si Hunter? Magkakasundo kaya sila nito? Ewan na lang niya! Patapos na sila noon sa pagkain ng tumunog ang kanyang cellphone. Tinignan niya kung sino ang tumatawag at si Hunter nga ang nasa caller ID ng kanyang cellphone. “Sino yan?” Tanong ni James. Ipinakita niya ang cellphone at napangiti ito. “Sagutin mo na.” Sabi pa nito. “Bahala siya sa buhay niya. Manigas siya!” Nakasimangot na sabi niya sa kaibigan. “Baka lalong magalit sayo.” “Ang kapal ng face niya para magalit sakin! yaan mo siya, lika na nga sa room mo. Movie marathon na lang muna tayo.” “Hindi mo talaga sasagutin? Baka may emergency sa bahay niyo.” “Wala, saka nandun naman si Blake noh!” Aniya at siya na ang humila sa kamay ng binata at nagpunta na sila sa room nito na madalas nilang gawin. Inayos ng binata ang TV sa kanyang kuwarto at pumili ng kanilang panonoorin. “Lika na.” Sabi ng kaibigan at nagsimula na silang manood, maya-maya’y may kumatok sa labas ng room ng binata, tumayo ito at binuksan ang pinto. “Sir, ito na po yung mga pinaluto niyo.” Sabi ng isa sa mga kasambahay. “Thank you manang.” Sabi ng binata at kinuha ang mga pinaluto nitong pagkain habang nag momovie marathon sila. “Alam mo, mamimiss ko itong ginagawa natin.” Pagkuwa’y sabi ni James sa kaniya. Napatingin siya sa kaibigan. “Ako din naman eh, huwag ka mag-alala uuwi din naman ako dito minsan.” Sabi niya sa kaibigan. “Basta mag-iingat ka doon ha? Kapag may problema ka, tawagan mo ako agad ha?” “Oo naman!” Sagot niya saka humilig sa balikat ng kaibigan. Nasa kalagitnaan na sila noon ng pinapanood ng tumunog na naman ang kanyang cellphone. Si Hunter na naman ang tumatawag. “Sagutin mo na.” Sabi ng kaibigan. Nagpaalam siya at pumunta sa terrace upang hindi marinig ng kaibigan ang kanilang usapan. Wala naman siyang itinatago pero nakakahiya pa din at sigurado naman siyang mag-aaway lang sila nito. “Where are you? Kanina pa ako tumatawag pero hindi mo sinasagot!” Galit agad na tanong sa kaniya ni Hunter. “Bakit ba? Ano na naman bang problema mo ha?” Inis na tanong niya. “Alas onse na ng gabi pero hanggang ngayon nasa labas ka pa!” Hindi parin nawawala ang galit sa boses nito. “Nandito ako kina James okay? Si James ang kasama ko kaya safe ako pwede ba!” Angil niya sa binata. “Umuwi kana ngayon kung ayaw mong sunduin kita diyan at hindi mo magugustuhan ang gagawin ko!” Banta nito. “Bahala ka sa buhay mo!” “Hindi ako nakikipag biruan sayo Celeen!” Galit parin na sabi nito. “Wala ako ginagawang masama okay? Gusto ko lang makasama yung kaibigan ko kahit sa huling sandali!” Galit din na sabi niya. Sumosobra na kasi itong si Hunter. Ewan ba niya kung bakit lahat na lang pinapakialaman nito eh hindi naman niya ito kaanu-ano. “Celeen!” Banta nito. “Bakit ba!” “Papunta na ako diyan, lumabas ka na diyan kung ayaw mong mag-iskandalo ako.” “Hunter!” Galit na sigaw niya, kung nasa harapan lang niya ang binata baka nasapak na niya ito dahil sa sobrang galit. “May problema ba?” Napalingon siya, hindi pa niya namalayan ang ginawang paglapit sa kaniya ni James. “Ha? ah– wala. Tumawag si Hunter, maaga daw kami luluwas mamaya.” Palusot niya, ayaw naman niyang sabihin sa kaibigan ang totoo dahil baka magalit ito kay Hunter at nagkasagutan na naman ang dalawa. “Ganun ba.” Sabi nito, lumungkot ang mukha nito. “Oo, pasensiya ka na ha. Babawi ako pag-uwi ko ulit dito.” Aniya sa kaibigan at hinawakan ito sa kamay. “Okay lang sweetheart, naiintindihan ko naman.” Anito, saka umupo sa gilid ng kama. “Mamimiss kita ng sobra!” Naiiyak na niyakap niya ang kaibigan. “Syempre ako din, dalawin ka namin madalas ni Blake sa manila.” Sabi naman ng kaibigan at niyakap siya nito ng mahigpit. Nagtagal ng ilang minuto ang tagpong iyon, nagulat pa sila ng biglang may bumusina sa labas ng bahay. Ang walang hiyang Hunter tinotoo talaga ang sinabi nito na susunduin siya. “Si Hunter na yata yun.” Sabi niya. “Ganun ba, halika na. Ihahatid na kita sa labas.” Sabi ng kaibigan at magkahawak-kamay silang lumabas ng silid ng binata. “Pakisabi na lang kina tita at tito na nauna na ako ha.” Sabi niya sa kaibigan. “Yeah- ako na ang bahala kina mommy at Daddy.” Sagot naman nito. Hanggang sa makalabas sila ng gate, nasa loob ng sasakyan si Hunter, nakatingin sa kanila. Nakatingin sa magkahawak nilang kamay. Nakita pa niya ang naniningkit nitong mga mata. Galit na naman yata. “Paano yan, mauna na ako ha. Mag-iingat ka lagi.” Sabi niya sa kaibigan. “Oo naman, ikaw din mag-iingat ka lagi doon ha? Tawagan mo ako agad kapag may problema.” Ani James at hinawakan siya sa mukha. “Oo salamat, pakitignan-tignan na lang si Blake muna ha?” “Yeah, ako na ang bahala kay Blake sweetheart.” Sabi pa nito saka siya niyakap ng mahigpit. Gusto niyang umiyak pero pinigilan niya. “Thank you James!” “Sige na sweetheart.” Sabi ng kaibigan at hinalikan siya nito sa pisngi bago siya tumalikod. “Tawagan mo ako agad kapag nasa manila ka na.” Sabi pa nito, kaya napalingon siya at napatango na lang. Ang hirap iwanan ang taong nakasanayan mo na laging nandyan para sayo, pero para kay baby Austin gagawin niya ang lahat. Ang walang hiyang Hunter, pinanood lang siya nito habang papasok ng sasakyan. Kung nakamamatay lang ang matatalim nitong tingin, baka kanina pa siya nakahandusay sa harap nito. Ito pa talaga ang may ganang magalit ngayon sa kaniya pagkatapos ng ginawa nito? Abah! Matindi din ha! Hanggang makarating sila sa kanilang bahay hindi siya nag aksaya ng oras na kausapin o tignan man lang ito. Masama ang kanyang loob dito dahil sa mga pinaggagawa nito. Dumiretso siya sa kaniyang kuwarto at naabutan niyang binabantayan ng yaya ang natutulog ng pamangkin. “Ang sarap naman ng tulog niya.” Nakangiting nilapitan niya ang pamangkin at hinalikan ito sa pisngi. Nakaramdam na naman siya ng awa dito at naalala ang kapatid na si Reena. “Ya, magpahinga ka na. Ako na ang bahala kay baby Austin.” Sabi niya kay Yaya Fatima. “Sige po, tawagin niyo na lang po ako kapag may kailangan po kayo.” Sabi ng yaya. Nginitian na lang niya ito bago ito lumabas sa kanyang silid. Humiga siya sa tabi ng pamangkin at hindi niya napigilan ang pagmalisbis ng mga luha. Akala ng lahat okay lang siya, pero sa totoo lang sa loob-loob niya’y durog na durog parin siya sa pagkawala ng kapatid. Hindi niya alam kung paano palalakihin ang baby, hindi niya alam kung paano sasabihin dito ang lahat paglaki nito na tatanungin at hahanapin ang totoong mga magulang nito. Kung maaari lang ayaw niyang dumating ang panahon na iyon, ayaw niyang masaktan ang musmos na puso ng batang nasa kanyang tabi ngayon. May mas sasakit pa kaya dito? Pero gagawin niya ang lahat, aalagaan at mamahalin niya ito na parang tunay na anak. Ipaparamdam niya ang walang hanggang pagmamahal sa pamangkin. “Tulog na ba?” Hindi pa niya namalayan ang ginawang pagpasok ni Hunter sa kanyang silid. Agad na pinunasan niya ang luhaang mukha bago humarap sa binata. “O-oo.” Garalgal na sagot niya. “Good night baby.” Nilapitan nito ang natutulog na pamangkin at hinalikan ito sa noo. Pinagmasdan lang niya ang binata. “Saan pala yung mga gamit mo at ilalagay ko na dati sa sasakyan.” Pagkuwa’y sabi nito. So, totoo talaga na mamaya bibiyahe na sila papuntang manila. “Aalis na ba talaga tayo mamaya?” Hindi niya napigilang tanungin ang binata. Napatingin ito sa kaniya. “Yeah–may importante kasi ako gagawin sa office.” Sagot nito, kaya napatango na lang siya. Ayun! kaya naman pala nagmamadaling makabalik ng manila dahil may importante itong gagawin sa kumpanya nito. “Good night!” Sabi nito, alanganin pa siyang sumagot dahil hanggang ngayon naiinis parin siya dito. “Good night!” Sagot niya, saka tumalikod na ang binata habang bitbit ang kanyang mga gamit. Napataas kilay na lang siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD