CHAPTER 6

1606 Words
“Kuya James!” Tawag ni Blake. Napalingon siya at tumambad ang nakangiting si James. Katatapos niya noon bihisan si baby Austin. Sinamaan naman siya ng tingin ni Hunter ng mapalingon siya dito. “Hi sweetheart!” Nakangiting nilapitan siya ng kaibigan at hinalikan siya sa pisngi. Tinapik naman nito sa balikat si Blake. “Anong meron?” Tanong niya sa kaibigan. Umupo ito sa kaniyang tabi. “Nagluto kasi si Mommy ng favorite food mo, kaya ipinagdala na kita dito.” Sagot ng kaibigan. “Akala ko ba sa labas tayo kakain?” Nakasimangot na singit ni Hunter. “Hunter!” Pinandilatan niya ito. “May problema ba?” Tanong ni James. “Huwag mo na lang siya pansinin, halika na sa kusina.” Nakangiting inakay niya ang kaibigan sa kusina. Nang lingunin niya si Hunter nakita niya ang pagtatagis ng bagang nito. Bahala ka sa buhay mo! “Wow! ang sarap nito. Alam na alam talaga ni tita ang favorite ko ah!” Nakangiting sabi niya habang binubuksan niya ang laman ng tupperware. Pork pochero! “Nalaman kasi ni mommy na pupunta kana ng manila kaya ipinagluto ka niya, dapat nga sa bahay ka kakain kaso baka hindi ka rin makapunta.” Malungkot na sabi ng kaibigan. “Naku! nag-abala pa si tita.” “Syempre! alam mo naman si mommy basta pagdating sayo, naku! para ngang ikaw na itong anak eh.” Nakangiting sabi pa ni James at napangiti siya sa isiping iyon. Mahal na mahal kasi siya ng mga Sebastian at parang anak na rin ang turing sa kanilang magkakapatid. “Nagseselos?” Nakatawang kinurot niya ang kaibigan sa tagiliran. “Konti!” Sabi nito saka siya pinisil sa baba at sa ganoong eksena sila naabutan ni Hunter. “Hindi pa ba tayo aalis?” Supladong tanong nito habang kumukuha ng malamig na tubig sa refrigerator. “Ha?” Maang na tanong niya dahil wala naman silang pupuntahan ngayon. Katatapos nga lang niya ayusin yung kaniyang mga gamit na dadalhin sa manila bukas. “Akala ko ba sa labas tayo kakain?” Nagsasalubong ang kilay na tanong nito. “Hunter–.” “Hintayin ka na lang namin sa sasakyan.” Sabi nito saka sila iniwan. Nagkatinginan na lang sila ni James. “Anong problema nun?” Tanong ng kaibigan. “Ewan ko ba dun, huwag mo na lang pansinin.” Aniya sa kaibigan. Nagulat pa siya ng makarinig ng busina sa labas. Ang walang hiyang Hunter, tinotoo talaga na lalabas sila. Ano bang problema ng lalaking ito? Panira talaga ng araw kahit kailan! “Paano yan sweetheart, mauna na ako kung ganun. Lalabas pala kayo.” Sabi ng kaibigan habang palabas na sila ng bahay. “Pasensiya ka na ha, babawi ako mamayang gabi. Sa bahay niyo ako tatambay bago kami pumunta ng manila.” Nakangiting sabi niya sa kaibigan. “Sleep over? tulad ng dati?” Nakangiti na ring tanong ng kaibigan. “Yeah–sure!” Sabi niya at humilig pa sa balikat ng kaibigan. Kahit sa huling sandali man lang. Dahil siguradong mamimiss niya ang kaibigan. “Ay s**t!” Mura niya ng bumusina ulit si Hunter. “Sige na, mag-iingat kayo. Tawagan mo na lang ako mamaya pag-uwi niyo para masundo kita.” Sabi ng binata sa kaniya. “Sige.” Aniya at iniwan na niya ang kaibigan saka pumasok sa loob ng sasakyan ni Hunter kung saan nagsasalubong ang kilay ng madatnan niya ito. “Oh ano, okay na ba?” Supladong tanong nito. “Ano bang problema mo ha?” Inis na tanong niya, pero hindi na siya nito sinagot at itinuon na nito ang atensyon sa daan habang nagmamaneho. Wala talagang modo ang Hunter na ito kahit kailan. Nakakabwisit! Panira talaga ng araw. “Saan tayo?” Pagkuwa’y tanong sa kaniya ng binata. Sinamaan niya ito ng tingin. “Madik ammu kanyam!” Sagot niya. Ang ibig niyang sabihin ‘hindi ko alam sayo.” “What?” Kunot-noong tanong nito. Napatawa naman si Blake. “Minumura mo ba ako?” Hindi niya alam kung matatawa siya sa ekpresyon ng mukha ni Hunter. “Haan!” Sagot niya saka napahalukipkip. “Ano?” “Hindi daw kuya.” Tumatawang singit na sagot ni Blake. “Fine, sorry na.” Pagkuwa’y malumanay na sabi sa kaniya ni Hunter. “Ewan ko sayo!” Iningusan niya ito, saka itinuon na lang niya ang atensyon sa daan. “Blake, saan may malapit na pwede natin kainan dito?” Tanong ni Hunter sa kapatid. “Marami kuya, ituturo ko na lang po sa inyo.” Sagot naman ni Blake. Bahala kayong dalawa! Inis na sabi niya sa isip. Huminto sila sa isang mamahaling restaurant, nauna ng bumaba sina Blake at yaya habang karga si baby Austin. “Hindi ka ba lalabas?” Tanong sa kaniya ng binata. “Hindi ako nagugutom.” Aniya. “Celeen please!” “Eh sa hindi nga ako nagugutom diba?” Asik niya dito. “Bababa ka ba o gusto mong buhatin pa kita diyan?” Sabi ni Hunter. Napahalukipkip siya. Manigas ka! “Celeen!” “Oo na! bababa na nga diba?” Inis na sabi niya saka siya bumaba ng sasakyan at iniwan ang binata saka nagmamartsang pumasok sa loob ng restaurant na iyon. Napasunod na lang sa kaniya si Hunter, at ang walanghiya sa tabi pa talaga siya nito umupo. Lumapit ang waitress at kinuha ang kanilang order. Inabala na lang niya ang sarili sa pagtingin sa kaniyang cellphone. “Ito na po yung order niyo, kapag may kailangan pa po kayo, tawagin niyo lang po ako.” Maarteng sabi ng waitress na tila nagpapapansin kay Hunter. “Sir, may kailangan ka pa po ba?” Napataas kilay siya ng mapagmasdan ang babae, napakakapal ng makeup nito. Waitress ba ito o payaso? “Wala na, thank you.” Sagot naman ng binata, at ang walang hiya napakatamis ng mga ngiti sa kinikilig na waitress. “Pwede mo na kami iwan, kaya na namin ang mga sarili namin.” Pasupladang sabi niya sa waitress. Napatingin sa kaniya ang binata. Nagdadabog naman na iniwan sila ng waitress. Abah! Ma attitude din ang isang ito ah! Teka nga at mareport sa manager. “Let’s eat!” Yaya ng binata at nagsimula na nga silang kumain. Katatapos lang nila noon kumain ng may tumawag sa kanyang pangalan at lumapit ito sa kanila. “Celeen!” Nakangiting sabi ng babae, hindi pa niya agad iyon namukhaan. “Ako ito si Amara.” Sabi ng babae. Iba na naman kasi ang kulay ng buhok nito, malay ba niya. Pink lang kahapon, tapos ngayon blue na agad? Kaklase niya ito noong high school at sa social media na lang niya ito madalas nakikita. “Kumusta ka na?” Tanong ni Amara. “Okay lang, ikaw?” “Heto, ikakasal na ako sa susunod na buwan, sa jowa kong Afam.” Kinikilig na sabi nito. Wow ha! Bigaten! Sa itsurang ito ni Amara makakabingwit ng afam? Seryoso o nadala sa gayuma? Bad! Ang mga afam talaga karamihan mahilig sa mga exotic. Exotic beauty ika nga nila, at wala naman siyang nakikitang masama doon, ang importante nagmamahalan at magkasundo sila diba? “Hindi ka pwedeng mawala sa kasal ko, kayo ni James.” Sabi pa nito. “Sure!” Agad na sagot niya. Napatingin sa kaniya si Hunter. “Hindi mo ba ako ipapakilala diyan sa jowa mo?” Nakangiting siniko siya ng kaibigan na tila kinikilig. “H–.” “I’m Hunter Mondragon, Celeen’s boyfriend.” Nakangiting tumayo ito at nakipag kamay pa talaga sa kaibigan. “Ikaw Celeen ha, hindi mo man lang nakukwento minsan na napaka guwapo pala ng boyfriend mo!” Sabi sa kaniya ni Amara. “Amara–.” “Syempre alam mo na—.” “Naku! kahit naman sino kapag ganiyan kaguwapo ang jowa ko, itatago ko talaga. Mahirap na noh, sa panahon ngayon naglipana ang mga malalandi, wala ng pinipili kahit may sabit.” Naupo pa talaga ito sa tabi ni Hunter. “Akala nga namin, kayo na ni James, akala lang pala namin!” Nakatawang sabi pa nito. “James?” Si Hunter. “Yes! hindi mo pa ba nakikilala? Yung bestfriend ng jowa mo! guwapo din yun, katulad mo.” Kinikilig na kwento pa ni Amara. “Hey Honey!” Tawag ng kapapasok na matangakad na lalaking puti. “I’m here honey!” Sabi naman nito. “Paano yan, mauna na kami sa inyo ha. Celeen, huwag kayo mawawala ni James sa kasal ko ha kundi magtatampo ako. Ikaw din pogi ha sumama ka.” Anito, saka sinabayan ng haplos sa balikat ni Hunter. “Yeah..sure!” “Okay, bye!” Hinalikan pa siya ni Amara sa pisngi bago ito tumalikod at lumapit sa kaniyang Afam. “Bakit sinabi mo na boyfriend kita?” Sita niya agad sa binata. “Para naman hindi ka magmukha sa harapan niya na tatanda kang dalaga. Dapat nga magpasalamat ka sakin eh dahil nagkaroon ka ng ganito kaguwapong boyfriend!” Nakangiting sabi nito saka siya kinindatan. “Yabang din!” Pinandilatan niya ito saka siya padabog na tumayo, magbabanyo na lang siya para huwag na madagdagan ang stress niya kay Hunter. Nabubwisit na talaga siya. Kanina pa kasi ito eh. Nakatingin lang naman si Blake at yaya sa kanila na wari’y pinipigil ang mapatawa sa bangayan nila ng binata. Hay naku! Kung hindi magbabago si Hunter kapag nasa manila na sila, panigurado tatanda talaga siya. Tatanda dahil sa stress! Ngayon palang na nasa teritoryo niya ang binata, sobra na, paano pa kaya kapag magkasama na sila araw-araw diba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD