Hapon na noong ihatid siya ni James sa kanilang bahay at nagtaka siya kung bakit may isang magarang sasakyan na nakaparada sa mismong harap ng kanilang bahay.
“May bisita kayo?”
Nagtatakang tanong ng kaibigan.
“H-hindi ko alam,wala naman akong–.”
“Bakit ngayon ka lang?”
Napalingon sila sa nagsalita at tumambad ang galit na mukha ng binata.
“Hunter?”
“Kanina pa ako tumatawag sayo pero ni isa wala kang sinagot!”
Inis na sabi nito saka lumapit sa kanila.
“H-hindi ko alam na–.”
“Kasi busy ka sa iba!”
“Hunter!”
“Mawalang galang na nga lang sayo pare ha, namasyal lang naman kami ni Celeen at hindi namin namalayan ang oras dahil nag eenjoy kami.”
Sabad ni James.
Kilala ito bilang tahimik, pero ayaw niyang binabastos siya sa harapan nito or ng kahit na sino.
“At bakit sino ka ba ha? Boyfriend ka ba ni Celeen?”
“Hunter ano ba! James please enough. Huwag mo na patulan.”
Sabi nya sa kaibigan at inilayo ito.
“Akala mo kung sino eh!”
“Anong sinabi mo?”
Akmang lalapitan ito ni Hunter ng awatin ito ng paparating na si Blake.
“Kuya!”
Saway nito.
“I’m sorry.”
Sabi nito saka walang lingon-likod na iniwan sila.
See? Ang bastos diba?
Arogante!
“Siya ba yung kapatid ni Harry?”
Pagkuwa’y tanong ni James.
“Oo, pasensiya ka na ha.”
Aniya sa kaibigan.
“Walang problema, ayoko lang na binabastos ka sa harapan ko sweetheart, akala mo kung sinong pag-aari ka eh.”
“Hayaan mo na, baka wala lang sa mood.”
“Siya ba yung makakasama mo sa pag-aalaga kay baby?”
“Oo, pero lagi naman siya sa office niya. May yaya naman si baby.”
Sagot niya, dahil kapag sinabi niyang oo at magkatabi pa sila ng room, siguradong hindi mapapanatag ang loob ng kaibigan.
Ayaw kasi nito na nakikita siyang binabastos at pinahihirapan ng kung sino lang, babae daw siya. Ang babae inaalagaan at minamahal.
Kilala niya si James.
Tahimik pero ayaw niya ng may naagrabyado.
“Ganun ba.”
“Oo.”
“Basta kapag may ginawa sayo yung lalaki na iyon, sabihin mo agad sa akin ah.”
Sabi pa ni James at hinawakan pa siya sa kamay.
Humilig naman siya sa balikat nito.
“Thank you James!”
“Alam mo naman na mahal na mahal kita– bilang kaibigan mo diba?”
“O-oo, kaya nga nagpapasalamat ako dahil lagi kang nandiyan para sa akin, sa amin ni Blake.”
Siya na ang kusang yumakap sa kaibigan at gusto na naman niyang umiyak. Siguradong mamimiss niya ito ng sobra.
“Sige na, pumasok ka na sa loob, baka umuusok na ang ilong ng lalaking iyon dahil sa sobrang inis.”
Sabi ng kaibigan at nakangiti na ito. Napatawa na lang siya sa isiping iyon.
Baka nagseselos!
“Mag-iingat ka sa pagdadrive ha! chat mo ako kapag nakarating ka na sa inyo.”
Aniya.
“Sure, thank you sweetheart!”
Anito at saka siya hinalikan sa pisngi bago pumasok sa loob ng sasakyan nito.
“Pakisabi na lang kay Blake umuwi na ako.”
“Sige.”
Kumaway pa ito ng magsimula nitong paandarin ang sasakyan. Pinanood niya ito hanggang sa tuluyan itong mawala sa kaniyang paningin.
Papasok na sana siya sa loob ng makita niya si Hunter. Nakatayo sa harap ng pinto, nakahalukipkip at nagsasalubong ang kilay na nakatingin sa kaniya.
“Ano mo ba talaga yung lalaking iyon? Ano ba talagang meron sa inyo ha?”
Inis na tanong nito.
“Bakit ba ha?”
Akala mo kung makaasta pag-aari siya nito.
“Si James yun!”
“Boyfriend mo?”
“Anak yun ni mayor!”
“Wala akong pakialam kahit anak pa siya ng mayor, ako anak ako ng tatay ko.”
Sagot nito at sa narinig napataas kilay siya.
May pagkabastos din pala talaga ang lalaking ito.
Parang wala kasi sa itsura nito.
“Ano bang problema mo ha?”
Naningkit ang kaniyang mga mata dahil sa inis.
“Ikaw!”
Sagot nito saka inilapit pa nito ang mukha sa kaniya.
“Wala akong ginagawang masama!”
Nakipagsukatan siya ng tingin dito. Mata sa mata.
Wala siyang pakialam.
Ngayon lang siya na stress ng husto at dahil sa aroganteng ito.
“Meron!”
Galit na sabi nito na akala mo nakagawa siya ng krimen.
“Then–.”
Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil biglang pumalahaw ng iyak ang baby.
Nagkatinginan sila ng binata at mabilis na lumapit sa pamangkin.
“Ikaw kasi ang lakas ng boses mo!”
Sita niya sa binata.
Sinamaan naman siya nito ng tingin.
“Ikaw na nga lang eh!”
Sagot naman nito.
Biglang lumakas ang iyak ng sanggol.
“Pwede ba!”
Asik nito saka kinuha ang pamangkin mula sa crib at marahang pinatahan.
“Sshhh..i’m sorry baby, yang tito mo kasi napakalakas ng bunganga daig pa ang babae!”
Sabi niya sa pamangkin.
“Hey–.”
“Shhh..pwede ba!”
Pinandilatan niya ang binata kaya hindi na nito naituloy ang gustong sabihin.
Marahan niyang inihele ang pamangkin, tumigil na ito sa pag-iyak.
Pinanood lang naman siya ni Hunter na masama parin ang tingin.
Saka lang siya nito iniwan ng tumunog ang cellphone nito at sinagot iyon.
Hindi na niya narinig kung sino ang kausap nito, nakita na lang niya na nagsasalubong ang mga kilay nito.
Ipinaglihi kaya ito sa sama ng loob? Kasi kabaliktaran ito ni Harry. Laging nakatawa. Laging may nakahandang ngiti sa lahat.
Siguro kaya ito suplado kasi tumatanda na ito.
Wala kayang nagkakagusto dito eh kung tutuusin kulang ang salitang guwapo para dito, maputi matangkad saka mukhang laging mabango at tila kay sarap humilig sa matipuno nitong katawan.
Napangiti siya sa isiping iyon.
“Alam kong guwapo ako okay?”
Hindi pa niya namalayan ang ginawang paglapit sa kaniya ng binata.
“H-ha? Ang yabang din!”
Inismiran niya ito upang itago ang pagkapahiya, saka marahang inilapag na niya ulit sa crib ang natutulog ng pamangkin.
“Pwede na ba tayo bumalik ng manila bukas?”
Pagkuwa’y tanong sa kaniya ng binata.
Napatingin siya dito.
“Seryoso ka?”
“Oo.”
“Bakit sinabi ko bang puntahan niyo ako dito?”
Asik niya.
“Ang tagal mo bumalik ng manila eh!”
“Hello! Isang gabi pa lang ako dito sa amin oh!, mauna na kayo, susunod na lang ako kapag okay na ako.”
Aniya, saka siya umupo sa tapat ng crib at kunwari tinitignan ang pamangkin.
“What? kaya nga kami nandito dahil susunduin ka namin diba?”
“Sinabi ko bang sunduin niyo ako ha?”
Pinandilatan niya ito.
“Ang sabihin mo, hindi mo lang maiwan yung lalaking yun!”
Galit na sabi nito.
“Si James?”
“Yes!”
“Natural, best friend ko yun eh! Mahal na mahal ko yun!”
“Damn!”
Galit na sabi nito saka siya iniwan.
“Bahala ka sa buhay mo!”
Inis na sabi niya ng tumalikod na ito.
Grabe! Nakaka stress ang aroganteng Hunter na iyon.
Lahat na lang pinapakialaman!
Katatapos niya noon maligo ng biglang pumasok si Hunter sa kaniyang kuwarto. Mabuti na lang at hindi pa niya tinatanggal ang nakabalabal na tuwalya sa kaniyang katawan.
“Kanina pa ako kumakatok, pero walang sumasagot kaya pumasok na lang ako.”
Sabi nito.
Nakatulog na ang sanggol sa mga braso nito.
“Pwede bang dito na lang matulog si baby Austin? May importante kasi ako gagawin mamaya.”
Sabi nito.
“Oo naman, pakilapag na lang si baby diyan sa kama, ako na ang bahala sa kaniya.”
Kunwari naiinis na sabi niya pero sa totoo lang kinakabahan siya. Nakita niya kung paano mapalunok ito ng makita siya na ganun ang ayos.
Bakat na bakat pa naman ang malulusog niyang dibdib saka napakaiksi ng kaniyang tuwalya.
“Thank you, pasensiya ka na.”
Anito, saka marahang inilapag si baby Austin sa malambot niyang kama.
“Sa room ka na lang muna ni Blake matulog, pasensiya ka na dito sa bahay namin. Hindi kasi kalakihan.”
Aniya.
“It’s okay, sa living room na lang ako, may importante pa kasi akong gagawin.”
“Seryoso ka?”
“Oo naman, wala namang kaso sa akin kung sa living room ako matutulog.”
Sagot nito.
Ayos naman pala eh, hindi naman daw ito namimili.
“O-okay! sabi mo eh.”
Aniya, saka napakibit-balikat.
“Okay, good night baby.”
Sabi nito saka lumapit sa natutulog ng pamangkin at hinalikan niya ito sa noo.
Napaatras naman siya.
“Sa susunod na makita kitang ganiyan ang itsura, baka hindi na ako makapag pigil.”
Anas nito sa kaniyang tainga.
“Nang-aakit ka ba?”
Malambing na tanong pa nito.
“Bastos!”
Sinuntok niya ito sa tiyan at nagkunwaring nasaktan pero ang loko kinindatan pa talaga siya bago lumabas ng kaniyang kuwarto.
Naiwan siyang tigagal.
Kahit kailan talaga bwisit ang Hunter na iyon!
Walang pakialam sa kaniyang nararamdaman bilang babae!
Talaga bang ganito ito kabastos?
“Kainis!”
Naiinis na sabi niya bago siya lumapit sa cabinet at kumuha ng kaniyang damit pamalit.