Hapon na nang mapagpasyahan na naming umalis sa Picnic Grove. Hindi na rin kasi naming namalayan ang oras sa sobrang enjoy naming dalawa ni Evan sa pagkuha ng mga litrato na puro mukha ko lang naman. "Bakit ba kasi ayaw mong magpa-picture? Kahit isa lang," pangungulit ko pa rin kay Evan na panay lang ang iling ng ulo. Wala sa sariling napairap ako. Kanina pa kami nagtatalo sa bagay na 'to, ewan ko ba bakit ayaw niyang magpa-picture. Kalaunan nang sumuko na ako at inunahan siya sa paglalakad. "Via!" aniya nang mapansing dere-deretso ang lakad ko. Bahala siya riyan, hmp! Gigil niya ako. Gwapo naman siya, ang laki ng maipagmamalaki niya pero bakit ayaw nito? Kapag nagkataon na isa na akong sikat na designer ay siya talaga ang kukunin kong modelo. Nagmamaktol akong tumigil sa gilid ng k

