
Paano mo ipapaliwanag sa ibang tao na ang pagbubuntis ng isang babae ay pwede rin maranasan ng isang lalaki.
Sa Bawat araw na lumilipas ay hindi maiwasan na hindi magtaka ni Kris sa kanyang katawan, ang pagbabago ng kanyang mood ay hindi niya maipaliwanag sa kanyang sarili. Kung kaya naisipan nito na magtungo sa hospital upang magpatingin at alamin ang kanyang nararamdaman sa kanyang katawan.
Habang sinusuri ng Doctor ang kanyang katawan ay may bigla na lang tinanong ng Doctor sa kanya.
"Anong nararamdaman mo ngayon Sir.?" Tanong nito kay Kris.
"Nitong mga nakaraan araw ay madalas akong mahilo Doc, at para bang mas gusto ko na lang matulog maghapon sa loob ng aking kwarto." Sagot ko naman sa Doctor.
Matapos nitong suriin ang aking katawan sa monitor na nasa aking harapan ay isa isa naman inalis ng Doctor ang gloves na nasa kanyang kamay, at humarap sa aking na may pagtataka sa kanyang mukha.
"Your pregnant." Sabi nito sakin.
Nang marinig ko yun dito ay mahina at parang ewan ako tumawa sa kanyang harapan.
"Doctor. Ang lakas mo mag prank. Sabi ko rito.
Habang tumatawa ako na para bang wala ako sa aking sarili ay titig na titig ako sa Doctor na nasa aking harapan, habang ito naman ay seryoso na nakatingin sa'kin.
"Nagbibiro ka lang diba." Sagot ko sa Doctor.
"Hindi ako nagbibiro sa mga pasente ko." Nang marinig ko yun ay ganun na lang ang paninigas ng aking buong katawan. Mula sa aking pagkakahiga ay dahan-dahan ako tumayo at pasuray suray ang aking paglalakad papalabas sa kwarto kung saan ako sinusuri.
Matapos ang 1 Buwan ay malaki ang aking pinang bago, Hindi ko alam na ganito pala kahirap. Ang pinagdaraanan ng isang babae, habang ito ay nagdadalang tao sila.
Nang malaman ko na nagdadalang tao ako ay hindi ko alam, kung paano ko haharapin ang pagsubok na dumating sakin.
Bilang isang lalaki ay hindi ko, alam kung ano ano nga ba ang dapat kong malaman at gawin.
