Chapter 16
Luhan’s POV
Gabi na, noong makarating si Candice, galing sa lugar na kung saan nagging masaya siya. Pero bakit parang may gumugulo sa isip niya, noong pumasok ito sa loob ng Academia? Nakasilip lang ako sa bintana ng kwarto ko, habang pinagmamasdan ang isang kotseng nakaparada at bigla nalang lumabas si Candice doon. At gaya ng nang napansin ko sa mga mata niya, parang may problema itong iniinda. Isinara ko na ang bintana at muli akong humiga sa aking kama. Nakatingala sa itaas, nag-iisip. Nagtatanong sa sarili, bakit kelangan koi tong maramdaman?
Dug-dug. Dug-dug.
Lecheng t***k ng pusong ito, mag-iisang lingo na akong hindi makahinga ng maayos. Mag-iisang linggo na siyang gumugulo sa isip ko. Bakit ba hindi siya maalis sa loob ng utak ko? Kahit anong gawin kong, libangin ang sarili ko, wala talaga. Ano ba kasi itong nararamdaman ko? Ayaw ko naming magtanong kay Dashniel, baka bigyan niya ng kakaibang dahilan itong nararamdaman ko sa babaeng iyon.
Pumunta ako sa loob ng Reeve’s Eye. Humarap ako sa salamin ng katotohanan. Nakita ko ang aking sarili. Ang salamin na iyon ay naglalabas ng mga impormasyon na galing sa utak at sa puso mo na siyang tinatago mo. Yung mga bagay na hindi mo maintindihan, binibigyan niya ng paliwanag.
Ngayon, nakatayo na nga ako sa Salamin ng katotohanan. Unti-unting nagbago ang lumalabas na imahe sa salamin. Nag-korteng babae ito. Saka nagsimula na siyang magsalita.
Siya ang dahilan ng pagkakalito mo ngayon.
Siya ang gumugulo sa isip at puso mo.
Siya ang dahilan, kung bakit hindi ka makapagdesisyon ng maayos. Mahal mo na siya. Oo alam ko na wala sa bukabularyo mo ang salitang yun. Pero kung may isang nilalang ang magpapatibok diyan sa puso mo walang iba kundi siya.
Hindi magiging maganda ang takbo ng relasyon ng meron kayo. Marami kayong mga pagsubok na daraaan, pero dahil sa kapangyarihan ng pag-ibig masusupil niyo itong lahat.
Siya ang nakatadhana mong mahalin.
Saka na nawala ang imahe ni Candice sa harap ng salamin. Siya na mismo ang nagsabi. Nakatadhana kong mahalin ang isang… tao? Hindi maaari. Isa sa pinaka-ipinagbabawal na batas sa amin ay ang umibig sa hindi naming kauri. Muli kong tinakpan ang salamin at lumabas ng Reeve’s Eye. Nakasalubong ko si Candice. Nagkatinginan kami, muling bumilis ang t***k ng puso ko. Pero, kaagad na akong tumalikod. At hindi pinansin, the more kasi na tinititigan ko siya, the more na nahihirapan akong makahinga.
Tulungan mo ako Luhan…. Kahit na nasa malayo ako. Malinaw kong narinig ang pagsusumamo ni Candice nang tulong. Kaya dali-dali akong kinain ng usok at biglang nawala sa tabi ni Ana. At natagpuan ko nga na malapit na itong mahulog sa isang bangin na kung saan, siya dinala ng kasama ni Yugo na si Yato.
Inilabas ko kaagad ang sandata ko at agaran koi tong itinarak sa katawan ni Yato, pagkatapos ay bigla nalang siyang nawala. Muntikan nang mahulog si Candice. Pagod na pagod na rin ako ng mga oras na iyon, dahil sa pakikipaglaban ko kay Yugo, at salamat kay Bathala at nakarating kami ng maayos sa Academia. Agaran ko siyang inilagay sa kwarto niya, at sumunod narin naman sila Dashniel na siyang nag-asikaso sa kanya.
Pero bago pa man, dumating sina Dashniel, noong ibinaba ko siya sa kama niya. Hinawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya, hinawi ko ang mga buhok na nagkalat sa mukha niya. Kitang kita ko ang mukha niyang napaka-amo. Nakapikit ito, at mukhang pagod na pagod. Ang mahaba nitong pilik mata. Ang hindi kakapalang kilay. Ang mapulang pisngi nito. At ang maputlang labi nito. Ang labi nito na kung saan ako nakatitig ngayon. Maputla iyon, pero noong oras na kinagat niya ito, nag-iba ito ng kulay. Parang naging kulay rosas ito.
Nakahawak parin siya sa kamay ko. Kahit na gustuhin ko mang, panoorin siya habang natutulog, hindi ko magawa. Hindi na naman kasi ako makahinga ng maayos sa mga oras na ito.
Hanggang sa bigla siyang nagsalita.
Luhannnnnnnnnn. Panay sigaw niya. Paulit-ulit niyang isinisigaw ang pangalan ko. Gustuhin ko man siyang gisingin baka, binababangungot ito. Pero noong hawakan ko ang kanyang ulo, upang tignan kung anong nangyayari sa kanyang panaginip. kinabahan ako.
Nasa isang madalim at kulob na lugar siya. Nakatali ang kamay at ang paa. Umiiyak at tinatawag ang pangalan ko. Kaagad akong napabitaw sa kanya. At agarang tumakbo sa pabalik sa aking kwarto.
☼☼☼
Hindi ako sumabay sa kanila sa hapunan. Nag-hahanda na kasi ako ng lesson plan, kasi handa na muli akong bumalik sa pagtuturo ko sa lunes. Halos 2 linggo din kasi akong umabsent dahil narin sa mga nangyari. Ipinalabas ko nalang na masyado akong natrauma sa mga nangyari noon sa Camp Day. Pero nainip ako, bigla kasing bumalik sa isipan ko yung nakita ko sa panaginip ni Candice. Naiinis ako sa sarili ko. Alam kong pangitain yun, at hindi maganda ang nangyari doon. Hindi maganda ang ginawa ko sa kanya.
Lumabas ako para makalanghap ako ng fresh air. Sa Veranda ako tumayo. Tinitignan ang pagsayaw ng mga dahon gayon din ang tangkay ng puno ng Mangga sa aming labas ng Academia. Hanggang sa naramdaman kong may paparating. Umayos ako ng sarili ko. Pinakalma ko ang sarili ko. At hanggang sa nagsalita na siya.
“Buti naman lumabas ka na. kamusta na ang pakiramdam mo?” tanong niya sa akin. Yung boses niya na para bang excited siya na Makita ako. Kahit na nakatalikod siya, alam ko at rinig kong umupo siya sa table na nasa gilid ko lang. nakasandal parin ang dalawa kong siko sa Veranda. Nakikinig sa mga sinasabe ni Candice.
“Alam mo? Namiss kita. Namiss ko yung init ng ulo mo. Namiss ko yun, pagiging sarcastic mo. Namimiss ko yung…” pinahinto ko siya sa pagsasalita sa pagtawag ko sa pangalan niya.
“Candice.” At hinarap ko na siya.
“Hmmm.” Siya na para bang willing makinig sa sasabihin ko.
“Kamusta ang Date mo?” tsk! Bakit yun ang tinanong ko sa kanya? Baka isipin niya na nababasa ko talaga yung laman ng isip niya.
Biglang nagbago ang itsura ng mukha ni Candice. Ang kaninang excited napalitang nagpakalito.
“Wala kang maitatago sa akin Candice. Nababasa ko ang isip mo. At ngayon, alam kong iniisip mo ay si Perci. Makikinig ako.” Sabi ko sa kanya, inihanda ko naman ang tenga ko at ganun din ang puso ko sa mga maari niyang sabihin.
☼☼☼
Candice’s POV
Wala talaga.
Wala talaga akong maitatago kay Luhan. Kahit na nga siguro anong pumasok sa isip ko nababasa niya ito. Paano ko kaya maboblock itong ginagawa niya sa akin? Matanong nga kay Dashniel.
Perci.
Candice. Pwede ba kitang mahalin?
Napatigil ako sa tanong na ito ni Perci sa akin. Katahimikan ang siyang namagitan sa aming dalawa, habang kapwa parin nakatayo sa gitna ng Field. Bumitaw ako sa pagkakahawak nito sa akin.
Kitang kita ko ang pagtataka sa kanyang mga mata. Muli niyang akong hinila palapit sa kanya at pinilit niya akong niyakap patalikod. Ramdam na ramdam ko ang pagtibok ng puso niya sa aking likuran. Naiiyak na ako. Nahihiya ako. Natatakot ako. Kinakabahan din ako. Paano ko sasabihin sa kanya na…
“Perci…”
“Patawarin mo ako, pero hindi pa ako ready.” Sabi ko sa kanya. Kaagad din siyang nagsalita.
“I can wait even it its forever. Hanggang sa marealize mo na ako talaga ang lalakeng para sa iyo.”
“Hindi sa ganun, Perci.” Pagpigil ko pa sa kanya.
“Iuuwi na kita. Mukhang pagod ka na ata eh.” Kahit na ano pang sabihin ko sa kanya. Hindi na niya akog pinakinggan pa. alam kong nasaktan ko siya sa mga sinabe ko. At alam ko rin na nasaktan ko rin ang sarili ko sa nagawa ko sa kanya. Pero gayon pa man, hinatind pa rin niya ako sa Academia. Tahimik nga lang kaming lahat sa loob ng kotse niya. Hanggang sa pagbaba ko sa loob ng kotse niya wala na akong narinig na salita galing sa kanya. Pero noong nakita ko siyang ngumiti, kahit papaano alam kong okay lang siya. At sana maging okay siya.
Kiniwento ko ito kay Luhan, ang buong akala ko. Tatawanan niya ako pero wala akong narinig na kung ano mang panlalait na galing sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin. Nakatago ang kanyang kamay sa dalawang bulsa sa pantalon nito. Habang nakasandal sa pangharang sa Veranda.
“Binasted mo eh. Anong gusto mong ipakita niya sa iyo? Natutuwa siyang binasted mo siya? Kahit naman siguro ako…” at saglit siyang napahinto sa pagsasalita at iniwas ang tingin sa akin.
“Anong ikaw?” tanong ko sa kanya.
“Wala.” Iwas niyang sagot sa akin.
“Pwedeng magtanong?” pangungulit ko sa kanya.
“Ano yun?” sagot nito sa akin. Sa mga oras na ito. Nakaupo na siya sa aking harapan.magkaharap na kaming nag-uusap.
“May minahal ka na bang isang babae?” bahagya siyang tumahimik. Tumingin sa ibaba nito. At muling tumingin sa aking mga mata. Ngumiti ito at saka na nagsalita.
“Meron. Kaso nga lang. mukhang hindi ko na rin kelangang sabihin sa kanya na gusto ko siya. Kasi, alam kong matagal na siyang nahuhulog sa akin.”
Kung sino man yung babaeng iyon? Napaka-swerte niya.
☼☼☼