Chapter 15
Candice’s POV
Sabado ng umaga. Okay na raw ang pakiramdam ni Luhan, pero hindi parin siya lumalabas ng kwarto nito. Tinanong ko ulit si Dashniel kung pwede ko siyang makausap. Pero gaya ng sinabe nito noong isang linggo, ayaw parin niya muna ng maistorbo siya. Ano kaya ang iniisip niya sa mga oras na ito? Ano kaya ang mga bagay na pinag-iisipan niya ng maigi? At kelangan talaga niya ng katahimikan sa buhay niya.
“Happy Valentines Day, Candice!” masayang bati sa akin ni Yeusen. Hinawakan nito ang kamay ko. Sabay inutusan akong nitong ipikit ang aking mga mata. Kahit na nagdadalawang isip ako sa maari niyang kalokohang gagawin, ay ginawa ko parin. At noong idinilat ko na muli ang aking mata. Umabot hanggang sa kabilang tenga ang ngiti ko noong abutan niya ako ng isang boquet of pink na rosas. Hinampas ko pa ito sa kanyang balikat, nagkanda-hulog pa yung ibang mga petals nito, first time lang kasi na may magbigay sa akin ng bulaklak.
“Sana makilala mo na yung lalakeng magmamahal sa iyo.” Sabi pa nito. Kumunot ang noo ko sa sinabe niya. At bahagyang nakapag-isip. Sa tinagal-tagal kong nabuhay sa mundong ito. Bakit nga ba walang lalakeng nagkakagusto sa akin? Siguro, kasi hindi ka pa handa Candice. Tama nga! Baka nga hindi pa ako handa. Handang masaktan! Tama! Sa isang relasyon, hindi maiiwasan ang masaktan. O magkasakitan. Hindi raw kasi puro saya sa isang relasyon. Maari raw kayong magkatampuhan, hanggang sa humantong ito sa awayan at ang pinaka-malala ay hiwalayan. Na masyadong masakit sa isip at maging sa puso.
Isang masayang ‘thank you’ ang isinagot ko sa kanya. Saka tuluyan na niyang akong iniwan. Binigyan naman ako, ni Dashniel ng isang balot ng Chocolate. Si Tyra din binigyan ni Yeusen ng bulaklak. Pero gaya ng laging inaasta nito sa lalakeng may gusto sa kanya. Hindi tinatanggap ito ng dalaga. Ningitian ko nalang si Yeusen, para kahit papaano, kahit na nabasted na naman siya nitong si Tyra ay maging okay parin ang puso niya.
Muli akong tumingin sa itaas. Iniisip ko muli kung okay na ba talaga si Luhan? Hays! Kainis kasi, bakit baka kasi pilit mong isinisiksik diyan sa isip mo si Luhan, Candice ah? Don’t tell me… hindi! Gaya ng sabi mo diba? Hindi ka pa ready?
Ibinaling ko nalang ang sarili ko sa tumutunog na cellphone sa bulsa ng pantalong suot ko. Kinuha ko nga ito at saka tinignan kung sino naman ang tatawag sa akin sa ganitong kainit na panahon ng tanghali ng sabado.
“Hello, sino po sila?” tanong ko sa isang unregistered number na bigla nalang nagtatawag sa cellphone ko. Hindi naman, sumagot itong kausap ko sa kabilang linya. Kaya biglang nag-init itong ulo ko, at tinanong ko kung sino siya, pero sa pangalawang pagkakataon ay hindi parin siya sumasagot.
“Ibababa ko na ito, kung hindi ka magsasalita.” Warning ko sa kanya.
“Alam kong, hindi mo magagawa yun Candice!” sabi pa niya. Buti naman nagsalita na siya, pero bakit parang pamilyar yung boses niya.
“Perci? Ikaw ba ito?” inis kong tanong sa kanya.
“Sino pa nga ba? Date tayo.” Utos pa nito sa akin.
“Huh? Anong sinabe mo Date? Tayo? Bakit naman?”
“Anong bakit naman? Valentines Day ngayon, at alam kong walang nagyayaya sa iyong lumabas, hindi ka ba nalulungkot na Masaya ang iba gayong ikaw? Mag-isa siniselebrate ang Valentines Day sa apat na sulok ng kwarto mo?” as if naman na nasa kwarto ako ngayon. Tumugon ako sa sinabe niya sa akin.
“Sa labing 16 na taon ko sa mundong ito. Nabuhay naman ako Masaya at kontento, kahit ilang Valentines Day pa ang dumaan sa buhay ko. Hindi ko kelangan ng isang taong magpapasaya sa akin. Dahil Masaya ako. Masayahin akong tao Perci.” Giit ko pa sa kanya.
Saglitan siyang tumahimik, sana muling nagsalita.
“Pero kasi… kelangan ko ng isang taong kagaya mo.” Napatahimik ako sa sinabe niya sa akin. Kelangan ko ng isang taong kagaya mo.
“Baliw ka talaga, nasaan ka ba?” saka ko na ibinaba ang tawag nito sa akin, at inayos ang sarili ko at lumabas ng Academia.
☼☼☼
Pumunta ako sa lugar na kung saan kami magkikita ni Perci. Sabi nito sa isang park raw kami magkikita, pero parang hindi ata tama itong lugar na napuntahan ko? Bakit walang katao-tao dito? Kilalang maraming tao ang pumunta sa parkeng ito? Pero ngayon? Kahit anino ng kung sino, maski yung mamang sorbetero o yung si manong photographer na maghapon nang pagala-gala ay wala parin nakukuhang costumer, dahil sa lecheng Digitala na mga camera at mga cellphone na may camera na raw. Kahit mga street children wala akong nakikita. Ano bang meron sa lugar na ito? Unti-unti na akong nakakaramdam ng takot, lumalamig na rin ang kapaligiran. Maghahapon na kasi, at malapit narin kasing kainin ng dilim ang araw. Hanggang sa may marinig akong isang tunog sa aking likuran. Napalingon ako dito. Sinundan ko ang tunog, naglakad ako ng mabilis upang Makita kung may tao doon. Pero wala parin akong nakitang tao doon. Bagkus nakita ko ang isang malaking stage sa gitna ng isang malawak na field na ito. Bumukas ang ilaw, kaya mas lalong kinilabutan noong may biglang lumabas na isang bagay galing sa itaas ng stage. Noong silipin ko ang likuran nito, ay wala naman ibang tao. Leche! Pinaglalaruan ba ako ni Perci? Muli akong bumalik sa harapan at bigla nalang nagkaroon ng isang upuan. Umupo ako doon, dahil pagod narin ako sa kakalakad sa loob ng parke na iyon. Nakatitig lang ako sa stage, kung ano pang pwedeng lumabas doon. Isang malaking bagay na kulay puti ang lumabas doon kanina galing sa itaas ng stage. Automatic yung stage ah?
Saka tumunog ang isang kantang hindi ko naman, gaanong maintindihan, pero lively yung kanta.
Nakakalito ang mundo. Kung sinong mahal mo, siyang ayaw sa iyo. Wag sanang masayang itong damdamin ko laan sa iyo.
Tapos may mga litratong lumalabas doon sa kulay puting wall na kung saan bigla nalang lumabas kanina. Para siyang isang movie slide na may mga… picture ko yun ah? Halos hindi ko na mabilang yung kabog ng dibdib ko. Kahit na malamig yung paligid ay pinagpapawisan ako. Tapos hindi ako mapakali sa upuang bigla nalang sumulpot kanina.
Hanggang sa…
Paano naman ako. Kay tagal ko nang umibig sa iyo. Wag sanang masayang itong damdaming kong laan sa iyo.
Isang pamilyar na boses ang narinig ko sa aking likuran. Yung boses ng lalakeng nakakabuwisita sa araw-araw ko sa St. Louis. Yung lalaking kakausap ko lang kanina, yung lalakeng… dug dug. Dug dug. Bakit ganito yung nararamdaman ko. Unti-unti kong nilingon ang aking ulo sa aking likuran, at halos mahulog ang panga ko sa nakikita ko.
Bakit parang ngayon ko lang napanasin ang kagwapuhan ni Perci? Ang gwapo-gwapo niya ngayon. Isang puting fitted na t-shirt at itim na fitted na pantaloon, chuck taylor na sapatos at isang coat na nakasampay sa kanyang likuran. Hawak ang isang mikropono at kinakanta ang kantang hindi ko maintindihan, pero nagpapatibok ng puso ko sa hindi ko maintindihang pangyayari.
Inihinto niya ang pagkanta, lumapit siya sa aking ng mas malapit kesa kanina. Inilagay niya ang coat sa aking likuran, bale parang binalutan nito ang nilalamig kong likuran. Lumuhod sa aking harapan na para bang mag poproposed.
Magsasalita na sana ako, pero pigilan niya ang bibig ko gamit ang kamay niya.
“Shhh, pwede ba? For once, tumahimik ka muna Candice? Wag ka munang magreklamo? Itahimik mo muna yang bibig mo? At making ka ng maigi sa sasabihin ko.” Saka nagbago na naman yung kanta, saka siya nagsalita.
“Pwede ba kitang maisayaw Prinsesa?” pasaway! Hindi ako prinsesa, gusto kong isigaw sa harapan niya, pero mukhang walang boses ang lumalabas sa bibig ko ngayon. Ngayon lang akong napipi sa lahat ng mga nangyayari.
Everything by Michael Buble.
Hinawakan niya ang kamay ko. At hinila ako sa upuan ko. At dinala niya ako sa gitna ng malawak na field na iyon. Noong makarating na kami sa gitna, mas hinigpitan pa niya ang hawak nito sa kamay ko. Nakatitig lang siya sa mga mata ko. At ganun din ako sa kanya. Saka muling nagbago yung kanta.
Just Haven’t met you yet. By Michael Buble.
“Shall we?” tanong pa nito sa akin. Hindi pa man ako nakakasagot, ay agaran ako nitong hinila palapit sa kanya. Nagkadikit ang katawan naming nang sobrang lapit. Na halos ramdam ko yung t***k ng puso niya. Mabilis din ito kagaya ng akin. Mukhang kinakabahan din siya sa mga ginagawa niyang ito.
Parang ganito yung eksena naming dalawa. Magkayakap lang kaming dalawa. Habang sumasabay sa saliw nga ng masayang kanta ni Michael Buble. First time ko ito. First time ko itong maramdaman. Ang saya pala sa feeling. Yung parang Malaya ka. Ganito din yung feeling ko noong hawak-hawak ni Luhan yung kamay ko, noong oras na inilayo niya ako sa lugar na kung saan ang buong akala ko, doon na rin ako ililibing ng buhay ng mga kamag-anak ko.
Saka ako biglang napaluha.
“Oh, bakit ka umiiyak?” tanong ni Perci sa akin. Pinunasan niya gamit ng kamay niya ang luha sa mata ko na tumulo sa pisngi ko.
“Kasalanan mo ito.” Sabay mahinang hampas ko sa balikat niya. Ngumiti naman siya.
“Ang pinaka-ayaw ko ay makikitang umiiyak ang isang babae sa harapan ko.” Sabay kumunot ang noo ko sa sinabe niya.
“Kaya pala? Hindi mo inisip na maaari akong umiyak noong oras na tinapunan mo ako ng panty liner na may regla pa. sa mukha ko mismo. Hindi mo isipin yung nararamdaman ko ng oras na iyon. Nakakainis ka. Nakakabuwisit ka.” Patuloy ako sa paghampas sa dibdib niya ng oras na iyon. Kahit na alam kong nasasaktan na siya sa ginagawa ko, wala akong nakikitang reklamo na galing sa kanya. Nakatingin lang siya sa aking ng mga minutong iyon. Parang tinatanggap niya lahat ng mga kamalian niya noon.
“Yun ang alam mo. Pero everytime na may babae akong binubully, tumatalikod ako. Ayaw ko kasing nakikita silang umiiyak. Pero iba ka sa kanila. Ang tigas mo. Ang astig mo. Ang tibay mo, Candice. Para kang isang taong marami ng pinagdaaanan sa buhay. Nakakabilib ang tapang ng loob mo.” Masayang sabi pa niya sa aking harapan. Nakakatuwa. Nakakatuwang isip na may mga katulad niyang klase ng tao na, naaapreciate yung mga bagay na ginagawa ko. Yung ugali ko. Lahat lahat sa akin.
Saglit kaming nagkaroon ng katahimikan sa isa’t isa. Huminto na ang pagtugtug ng mga kanta ni Michael Buble. Masyado na siyang maingay sa tenga ko. Nakalimutan kong nakahawak parin pala si Perci sa aking mga kamay. Unti-unti kong inangat ang ulo ko at muling tumingin sa mga mata niyang Masaya sa mga oras na ito.
At unti-unti kong ibinuka ang bibig ko upang magsalita.
“Perci…”
“Candice?”
“Gusto mo ba ako?” tanong ko sa kanya. Hindi ko alam, kung bakit ko na tanong sa kanya ang bagay na ito. At hindi ko rin alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob at kapal ng mukha na tanungin ito sa kanya. Pero alam ko rin naman kasi na doon na ito papatungo.
“Pwede ba kitang gustuhin?” napatango muli ako. Ngayon nahihiya na akong tignan siya. Hinawakan niya ang baba ko at itinaas niya ito, nagkatitigan kaming dalawa. Unti-unti na muling bumibilis yung t***k ng puso ko. Halos hindi ko na masundan pa yung pagtibok nito. Tapos nanginginig yung buong katawan ko. At may kung anong bagay na kumakalam sa tiyan ko.
“Candice. Pwede ba kitang mahalin?” seryosong tanong niya sa akin.
☼☼☼