Chapter 14
Luhan’s POV
Ano na naman ang ginagawa ni Yugo dito? Buhat-buhat ko si Ana ng mga oras na iyon. Inilayo ko siya sa mga malalaking apoy na ibinabato ni Yugo ng mga oras na iyon sa lugar na iyon. Wala talaga siyang pakielam kung may masaktan mang mga tao sa ginagawa niya? Ang sama-sama talaga ng ugali niya. Mabilis kaming nakarating sa kaloob-looban ng masukal na kagubatan ng Candelaria. Isang mataas na matandang puno ng Narra ang siyang naging palatandaan ko upang mabilis na malaman ng iba kong kasama kung nasaan ako ngayon. Alam ko na medyo malayo ang lugar na ito, pero alam kong magagawa ni Yeusen na makarating ng mas mabilis sa inaasahan ko. Kaagad ko itinago sa likod ng isang malaking bato si Ana, upang hindi ito makita ni Yugo at pag-init pa. sinabe ko rin sa kanya na wag na wag siyang lalabas, pero hindi pa man nakakalipas ang ilang minuto kaagad itong tumayo noong nasa harapan ko na si Yugo, na balot na balot ng kanyang malakas na kapang-yarihan na apoy. At halos manginig ang tuhod ko sa takaga na sinabe ni Ana.
“Yugo!” pasigaw pa niyang sabi sa pangalan ni Yugo. Kilala niya si Yugo? Hindi maaari? Napalingon si Yugo sa kinaroroonan ni Ana. Mabilis akong lumapit kay Ana at hinila siya patago sa aking likuran.
“Kilala mo siya?” tanong ko kay Ana. Pero umiling ito, hindi ko siya maintindihan.
“Hindi ko siya kilala. Pero hindi ko inaasahan na totoo pala siya.” Mas lalong gumugulo tuloy ang isip ko sa mga pinagsasabi ng babaeng ito.
“Mukhang kilala ako ng kasama mong Mortal ah? Luhan!” giit pa ni Yugo habang unti-unti itong lumalapit sa aming kinaroroonan.
Mga ilang minuto lang, ay kaagad na nagsidatignan na sina Tyra at Yeusen at si Dashniel. At kaagad kong sinabe kay Dashniel na gawan nito Bubbles si Ana. At sinunod kaagad ako ni Dashniel. May kung anong bagay siyang inilabas sa kanyang bibig at saka binasa ito sa harapan ni Ana at sa isang iglap nasa loob na nang isang matibay na bubble si Ana. Sa sobrang tibay nito, kahit na ang apoy ni Yugo ay hindi maapektuhan nito.
Nakipaglaban na kami kay Yugo. Kahit na alam kong maaari at kaya namin siyang matalo, hindi parin kami magbabakasali o magtatake advantage sa kakayahan niya. Kaagad na nagpalit ng anyo si Tyra at naging isang malaking Dragon ito. Isang malakas na apoy ang inilabas nito sa kanyang bibig pero parang balewala lang ito kay Yugo, hindi ma lang nasunog ang kanyang balat. Siguro dahil narin sa isa siyang Estocian. Eksperto sa Elemento ng apoy ang mga Estocian gaya narin ni Tyra. Nagteleport si Yeusen at hinawakan ang dalawang kamay ni Yugo sa likuran nito, kahit na nakakaramdaman na siya ng sakit sa kanyang kamay dahil narin sa init ng katawan ni Yugo ay hindi parin niya ito ininda.
“Gawin mo na….Luhan.” sigaw pa ni Yeusen sa kin. Pumikit ako, at nagdasal sa bathala na bigyan ako ng lakas upang talunin itong si Yugo, hanggang sa lumapit si Dashneil at inilabas sa loob ng kanyang bibig ang isang espada. At lumapit ako kay Yugo, patuloy parin sa pagbuga ng apoy nito si Tyra at ganun din si Yeusen sa pagpigil sa mga kamay nito sa likuran ni Yugo, pero hindi na kinaya ni Yeusen at nagdurugo na ang kamay nito sa pagpigil kay Yugo.
“Hindi niyo ako matatalo, mga mahihinang nilalang!”
☼☼☼
Candice’s POV
Hindi ko alam kung nasaan na kami ngayon. Pabalibag akong ibinaba ng lalakeng ito sa lupa. At mukhang nabalian ata ako ng buto sa aking likuran sa ginawa niyang pagbalibag sa akin.
“Araaaaaaaaay.” Reklamo ko pa habang hinihamas yung likuran ko. Ramdam ko na para talagang may nabali, ang sakit.
“Sino ka ba?” tanong ko sa kanya habang, dahan-dahan akong paatras na umiiwas sa kanya. Habang siya? Nakatago parin yung dalawang kamay nito sa kanyang bulsa at nakatingin sa akin ng masama. Kalmado lang ang mukha niya habang ako? Punong-puno na ng takot ang bumabalot sa aking buong katawan. Pinagpapawisan narin ako, hindi ko alam kung anong klase siya ng tao, o kung tao ng ba talaga siya? Hindi pwede! Maari kayang isa rin siyang Engkantado?
“Ako si Yato, napag-utusan ako ni Master Yugo na bantayan ka. Hindi ko nga alam kung bakit ako nagbabantay ng isang Mortal na katulad mo, pero mukhang ngayon alam ko na.” hindi ko siya maintindihan. Pinababatayan ako ni Yugo sa kanya?
“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko kay Yato. Bigla itong lumapit sa akin, ibinaba pa niya ang kanyang sarili upang ilapit ang kanyang mukha sa aking mukha saka ito nagsalita.
“Prinsesa Georgia.” Sino? Ako? Hindi! Hindi maaari.
“Anong sinabe mo?” kaagad ko siyang sinampal at tinulak palayo sa akin. Pero hindi man lang siya nasaktan sa pagsampal kong iyon.
Ngayon. Takot na takot na talaga ako. Hindi ko na halos maigalaw ang buo kong katawan sa sobrang takot. Idagdag mo pa ang rebelasyong sinabe sa akin ni Yato na ako ang nawawalang prinsesa ng Candelaria.
“Anong gagawin mo sa akin?”
“Papatayin kita, hindi na maaring mabuhay ang Prinsesa ng Candelaria. Pero pupwede kitang buhayin kung masasabi mo kung nasaan ang Mahiwagang Etir.” Mas lumapit siya sa akin at hinila ang kamay ko. Ang kaninang kulay asul na mata niya ay biglang nagbago at naging kulay pula. Sinipa ko siya palayo sa akin. At nakatayo ako kahit na medyo masakit pa ang likuran ko. Tumakbo ako ng tumakbo palayo sa kanya, hanggang sa hindi ko inaasahan na bangin na pala ang dulo ng tinatakbuhan ko. Napahinto ako sa pagtakbo ko, at kaunting galaw ko nalang ay maaari na akong mahulog dito. Palapit pa ng palapit si Yato wala na akong nagawa kundi ang pumikit na lamang at isa lang ang pangalan na pumasok sa isip ko. At kaaagad ko siyang tinawag.
“Tulungan mo ako Luhannnnnnnnnnnn.” Pasigaw ko sabay may biglang ilaw ang lumabas sa aking harapan at huli na nang nalaman ko na nasaksak na pala nito si Yato, dahilan upang bigla itong maglaho at kainin ng hangin ang abo nito. Habang ako? Nadala ng hangin, nahulog ako sa bangin. At hindi ko na alam ang mga sumunod pang nangyari.
☼☼☼
Noong imulat ko ang mga mata ko. Nasa loob na ako ng kwarto ko. Thank God, hindi pa pala yun ang huling araw ko sa buhay ko. Masakit ang ulo ko, parang mabibiyak sa sobrang sakit. Biglang pumasok sa loob ng kwarto ko si Dashniel.
“Oh? Gising ka na pala? Inumin mo itong gamot na ito. At gagaling yan sakit ng ulo mo.” Daig ko pa yung may hangover sa sakit ng ulo ko. Kaagad kong tinanong kung kamusta na si Luhan.
“Nagpapahinga si Master sa kanyang kwarto. Ayaw niya muna ng istorbo, kelangann iyang mabawi ang lakas na nawala sa kanya noong magkaharap sila ni Yugo.” Tama ba yung narinig ko? Nagkaharap na sila ni Yugo. Kaagad na nagtakip si Dashniel ng kanyang bibig. Hindi niya ata dapat sinabe ito sa akin, pero dahil sa natural siyang madaldal, ay nsabi niya ito kahit na bawal.
“Oo, kagabi nagkaharap sila kasama nila Yeusen at Tyra. Hindi namin natalo si Yugo, dahil bigla nalang itong nawala. Hanggang sa nawala nalang din bigla itong si Master Luhan at ayun pagbalik namin dito sa Academia, nakita naming hapong-hapo siya at halatang pagod na pagod sa ginawa niyang pagteleport ng malayo. Ganun narin sa pagkikipaglaban kay Yugo.” Natahimik lang ako sa pinagkikwento ni Dashniel. Ni wala akong balak na sabihin sa kanya yung nalaman ko. Ako si Princesa Georgia? Hindi pupwede.
“Yung kaibigan mo nga palang Ana, nasaksihan niya ang paglalaban ng mga Engkanto kagabi, pero wag kang mag-alala, tinanggal na namin yung ala-ala ng mga nangyari nga gabing iyon. Walang matitirang ala-ala sa kanya kundi yung mga nangyari bago yung naganap ng gabing iyon.” Pagpapaliwanag pa ni Dashniel. Kaagad kong hinanap ang cellphone ko at tinawagan kaagad si Ana, pero isang boses lalake ang sumagot sa aking tawag.
“Perci ikaw ba yan?, kamusta na si Ana?” tanong ko pa sa kanya.
“Nasa ospital kami ngayon, may nangyari kasi sa Camp side kagabi, bigla nalang nasunog yung area, buti nalang nakaligtas si Ana, si Luhan kamusta?” mukhang kakaiba siya ngayon ah? Pati si Luhan inaalala na niya.
“Nagpapahinga na siya, okay na rin naman siya.”
“Buti naman. Kelangan kita ngayon Candice, kelangan ka ng kapatid ko ngayon Candice.” Bigla akong natahimik. At saka pumasok sa isip ko si Luhan. Alam ko naman na kayang-kaya niya ang sarili niya. Kelangan ako ngayon ni Ana, kaya nagkapagdesisyon ako na puntahan siya. Nagpalit ako ng damit. At inayos ang sarili ko, saka ako lumabas ng kwarto ko. Nakita ko pang nag-uusap sina Yeusen at Tyra sa sala. Ngumiti lang ako sa kanila. Pero tinawag ako ni Tyra dahilan para mapahinto ako sa paglalakad. At hinarap ko sila.
“Candice.”
“Ano yun Tyra?”
“Saan ka pupunta?”
“Ah? Dadalawin ko lang yung kaibigan ko.” Giit ko pa sa kanya.
“Kelangan ka ni Maste ngayon.” Mataray pa niyang sabi, pero pinigilan lang siya ni Yeusen.
“Hindi niya ako kelangan, ayaw nga niyang magpaistorbo eh. At isa pa? ano naman ang magagawa ko sa kanya? Kayang-kaya niya ang sarili niya.” Alam kong naririnig ako ni Luhan, alam kong naririnig niya ang bawat salitang lumalabas sa bibig ko. Kung ako man talaga yung prinsesang hinahanap niya? At alam kong alam na rin niya yun. Bakit hindi niya sinabe sa akin?
“Paano mo nasasabi yan sa Engkantong tumulong sa iyo ah?” galit na si Tyra, umuusok na yung ilong ito sa sobrang inis niya sa akin.
“Tapos ka na ba? Aalis na ako, kelangan ako ng kaibigan ko. Babalik nalang ako mamaya, upang ipaghanda ko kayo ng hapunan.” Sabi ko saka ko sila iniwanan. Sumakay ako ng taxi kaagad na mabilis itong umandar palayo sa Academia. Mag-aala-una na ng hapon noong makarating ako sa hospital na kung saan idinala si Ana. Itinuro ako ng nurse sa room ni Ana at kumatok ako dito. Sinalubong ako ni Perci, kitang kita ko na medyo okay na siya. Pero kitang kita ko rin sa kanyang ang pag-aalala sa nangyari sa kanyang kapatid. Gustuhin ko man sabihin sa kanya na malala talaga ang nangyari sa kanya kagabi, pero pinili ko nalang isinarili yung mga impormasyong nalaman ko.
Lumapit ako kay Ana. Hinawi ko ang mga buhok na nagkalat sa mukha nito at itinago ko sa gilid ng kanyang tenga. Hinalikan ko ang kanyang noo, dahilan upang magising ko siya ng hindi oras.
“Oh? Pasensya na ah? Nagising kita, kamusta na ang pakiramdam mo?” tanong ko sa kanya habang hawak-hawak ko parin ang kamay nito. Tumingin ito kay Perci. Na para bang nagsasabi na kuya umalis ka muna, it’s girl talk time. At mukhang naintindihan naman ito ni Perci at nagsabi na kung may kelangan sila tawagin lang ito sa labas at bibili lang muna ito ng aming makakain.
Kahit na alam kong nahihirapan si Ana, binigyan parin ako nito nang kanyang masarap na ngiti.
“Pasensya na ah? Naistorbo ka pa ng kuya ko. Pasensya rin ah? Hindi ka nakasama sa Camp day dahil sa akin. Pasensya na Candice…” saka na ito umiyak ng umiyak. Pero ang pinagtaka ko, katulad ko. Pagka-bagsak ng luha nito ay biglang naging perlas ito. Alam kaya ni Ana ito? Hanggang sa napansin niya na nakatitig na ako sa mga luha niyang naging perlas.
“Sorry? Nagulat ba kita? Hindi talaga ako normal Candice. Nakita mo, umiiyak ko at nagiging perlas ang mga butil ng luha ko. Hindi ko alam, kung bakit ako nagkakaganito. Simula bata pa ako, ganito na ako noong namatay yung nanay ko. At saka ako kinuha ni Daddy upang tumira sa bahay nila. Hindi pa kami okay ni Perci noon, pero natutunan niya rin akong mahalin. Pasensya na kung medyo weird ako? Eto talaga ako. Abnormal nga talaga ata ako.” Sabi pa niya sa sarili niya. At saka pinunasan ang luha sa kanyang mga mata. Parehas kami. Katulad ko rin siya. So ibig sabihin? Hindi rin ako normal? Kung sinabe ni Yato na ako ang Princesa Georgia? Hindi maaring si Ana ay si Princesa Georgia din.
Biglang may kakaiba mga impormasyon ang kumukulit ngayon sa maliit kong utak. Sa lugar na kung saan nandoon si Yugo, nandon si Ana. At nakiwento na rin nito na lagi nitong napapanaginipan ang lalakeng nagngangalang Yugo. Sinabe ni Yato na ako ang Princesa ng Candelaria. Na ako siPrincesa Georgia, medyo magulo, pero kung iisipin mo ng maayos….
☼☼☼
Luhan’s POV
Sa paghahanap ko ng nawawalang Mahiwagang Etir, hindi ko inaasahan na pag-ibig pala ang makikita ko.