Chapter 13
Anastacia’s POV
Sa wakas nandito na ako. Kaagad kong hinanap si Prof. Luhan at hindi naman ako nahirapan sa paghahanap sa kanya. Nakita ko siya sa labas ng Tent ng mga Professors at ng mga trainers. Lumapita ko sa kanya. “Hi sir, I’m…” humarap siya sa akin, hindi pa man ako tapos sa pagpapakilala ko ng humarap ito sa akin at binigyan niya ako ng matamis niyang ngiti.
“I know you of course, your Candice friend right?” sabi niya sa akin saka muling tumingin sa kung saan.
Mas inilapit ko pa ang sarili ko sa kanya, bumibilis yung t***k ng puso ko, yung parang hindi na ako makahinga dahil sa nararamdaman ko. Thank you so much Candice for giving me this one in a lifetime oppurtunity na makasama ang lalakeng nagugustuhan ko. Crush na crush ko talaga si Prof. Luhan. Minsan nga, nangangarap na nga ako na kasama ko siya habang buhay. Yung bang…
“Hindi mangyayari yang gusto mo.” Biglang na lang nagsalita si Luhan at saka ito umalis palayo sa akin. Huh? Ano yung sinabe niya? Hindi pwedeng…no! narinig niya yung sinabe ko? Eh sa utak ko lang naman yung sinasabe sa sarili ko. Ang weird ah!
☼☼☼
Lumapit ka…
Matagal na kitang inaantay…
Matagal na kitang hinahanap…
Lumapit ka… Princess Georgia.
Isang lalake ang nasa aking harapan. Nakasuot ito ng kakaibang damit. Damit na hindi ko pa nakikita sa buong buhay ko. Mahaba ito na parang may kapa sa likuran, tapos kulay itim ito. Nakangiti ito habang inaabot sa akin ang kanyang kamay. Ang mukha nito ay napaka-maamo, yung para bang isang taong hinding-hindi pa nakakagawa ng kasalanan sa buong buhay niya. Yung parang hindi pa nagkakasala, sobrang bait ng mukha niya para sa akin. Yung kilay niyang makapal. Yung ilong niyang matangos, yung labi niyang hindi naman kulay pula, pero parang ang sarap halikan. Yung mukha niyang, parang hindi pa ata nadadapuan ng salitang Pimples. Yung boses niya, lalakeng lalake. Ang tigas. Medyo nakakatakot, pero ang sarap pakinggan. Kinuha nito ang kamay ko, tumingin pa siya sa paligid, nagmamasid kung meron bang mga papuntang mga kawal o wala. Kahit na masakit ang paa ko ay sumama ako sa kanya. Binuhat niya ako na parang isang prinsesa sa isang disney movie. It feels like heaven, noong kapwa kami tumakbo sa isang masakol na gubat. Kahit na alam kong medyo mabigat ako, pinilit parin niya akong buhatin, at hindi ako nakakakita ng kahit isang reklamo man lang na galing sa kanya.
May isang kabayo na kakaiba ang ayos ang siyang nag-aantay sa amin sa itaas ng burol. Ibinaba niya ako at pagkalipas ng ilang minuto ay binuhat niya muli ako, at saka ako inilagay sa kabayong may pakpak. Hinimas-himas nito ang kabayo, saka siya umangkasa sa likuran nito. Wala itong hawakan, o anu mang tali para mapasunod ang kabayong ito, pero kaagad na lumipad ang kabayo at lumipad kami ng lumipad sa himpapawid. Nakatali lang ang kamay ko sa kanyang katawan at ang aking ulo ay nakasandal sa kanyang likuran. Rinig na rinig ko ang bawat paghinga na ginagawa niya, ganun din ang t***k ng puso niya. Alam ko rin na naririnig niya ang tikbo ng puso ko. Ang puso ko na matagal ng tumitibok sa kanya.
“Hoy gising…” noong iminulat ko ang aking mga mata. Wala na ako sa himpapawid, pero mukha parin akong lumulutang sa mga minutong ito. Ginising ako ni Sprite, halos mag-aanim na oras na raw akong natutulog sabi nito, at hindi na nga ako naka sama sa mga activities ng araw na iyon, siguro pagod na pagod ako sa mahabang biyahe. Tumayo na ako at saka ako dumiretso sa labas. Lumanghap ng masarap na hangin sa loob ng kagubatan ng candelaria. Saka napalingon ako sa isang lalake na nakatayo sa gilid ng tent nito at nakatingin sa langit.
Lumapit ako sa kanya, at napatingin naman siya sa akin. “Gising ka na pala, Pwedeng magtanong?” sabi niya sa akin. Hindi ko alam kung kelangan ko bang ihanda ang sarili ko, dahil mukhang magkakaroon ng short quiz ngayon dahil magtatanong itong si Prof. Luhan sa akin. O kikiligin na ba ako dahil sa wakas, magtatanong siya, sana hindi tungkol sa pag-aaral ko sa school.
“Sure, ano po yun?” magalang kong sagot sa kanya.
“Wag mo na akong i-po. Hindi naman nagkakalayo ang edad natin, I justwant to ask you naniniwala ka ba sa Destiny?”
Bakit niya kaya iyon natanong? Ano kayang pumapasok ngayon sa isipan niya? Destiny? Kaagad kong isiniksik sa maliit kong utak ang salitang iyon at kelangan ko kaagad na sumagot sa kanya, baka kasi mabored siya sa akin at iiwanan na naman niya ako. Ningitian ko siya, at umupo ako sa isang upuang gawa sa kahoy. Habang siya? Nakatayo parin at nakatingin sa langit. Huminga ako ng malalim at saka dahan-dahan kong ibinuka ang aking bibig upang magsalita at sumagot sa tanong niya sa akin, tungkol sa naniniwala ba ako sa Destiny.
“Oo, naniniwala ako sa Destiny. Naniniwala ako na may mga taong nakatakda para sa atin. Naniniwala din ako na nakaplano na ang lahat at ginawa na ng diyos na may kapal ang lahat at kasama na dito ang mga taong makakasama natin sa habang buhay. Una siyempre, hindi pa natin kilala yung taong iyon? Pupuwede din naman na kilala na natin siya, pero hindi na tin napapansin yung presensya niya. Meron naman na yung lalakeng nakasalubong mo, o nakausap mo lang isang beses, siya na pala yung nakalaan sa iyo. Hindi natin alam. Pwedeng magbago ang isip ng gumagwa ng Destiny na ito sa atin. Naniniwala ako, at umaasa ako na totoo ang destiny.” Saka na ako nakahinga pagkatapos kong masabi ang lahat nang iyon. Nakatingin na ako sa kanya habang siya patuloy parin na nakatingin sa langit. Kahit kelan, hindi ko naappreciate ang ganda ng kalangitan, pero sa mga oras na ito, gandang-ganda ako sa mga bituin nagkikislapan sa langit. Tumingin siya sa akin. Sa pangalawang pagkakataon, binigyan niya ako ng isang matamis niyang ngiti. Nakatingin parin ako sa langit, hanggang sa kumunot ang noo ko sa nakita ko sa langit. Hindi dahil sa hindi na kumikislap ang mga bituin, kundi may isang malaking apoy ang papalapit sa aming kinalalagyan.
Hinila ko ang kamay ni Luhan.at siya namang itong napadapa sa aking harapan. Hanggang sa may bigla nalang sumabog malapit sa aming kinalalagyan. Natakot at naalarma na ang mga tao sa campside. Nakita ko nalang ang sarili ko na buhat-buhat ni Luhan at pagtakbo kaming umalis sa lugar na iyon. Yung gaya sa panaginip ko. Yung lalakeng prinsipe buhat-buhat ang ako. Kahi tna medyo mabigat ako, hindi ko nakikita na nagrereklamo siya sa ginagawa niyang pagbuhat sa akin. Hanggang sa bigla nalang niya akong ibinaba sa isang masukal na loob ng gubat. Pinaupo niya ako sa isang malaking bato.
“Magtago ka, wag kang lumabas diyan ah?” utos pa nito sa aking habang parang alerto na tumitingin bawat sulok ng kagubatan, wari’y may inaabangan o may mga nagmamasid sa kanya ng oras na iyon. Hanggang sa may isang lalake na napapalibutan ng apoy ang lumapit sa kanya. Bawat madikitan ng lalakeng ito ay nasusunog, biglang ako kinabahan, at kaagad din kinapitan ng takot. At pangamba sa maari nitong gawin kay Luhan, pero nagulat ako sa nakita ko. Hindi ako nagkakamali. Hindi ako pwedeng magkamali… si Yugo yun. Si yugo at wala ng iba.
☼☼☼
Percival’s POV
Medyo umookay na ang pakiramdam ko. Malaki ang itinulong ni Candice, pati na rin yung niluto niyang lugaw para sa akin. At yung gamot, kahit ayaw na ayaw ko na uminom ng gamot, napainom niya ako. Bakit ba hindi ko ma-hindian ang babaeng ito? Nakatitig ako ngayon sa mukha ni Candice. Normal lang yung ganda niya. Katulad ng mga ibang normal na babae. Pero mas maganda siya kesa sa kanila. Partida ah? Wala pang make-up o kung ano-anong mga burloloy na nakasabit sa kanyang katawan. Kahit na yung sout niyang pink na palda at white na T-shirt na mukhang pambahay lang. hindi parin nawawala yung paghanga ko sa kanya. Marami na akong nagustuhang mga babae, pero it’s end up to losing them, because of my attitude, pero this time gagawa ako ng paraan upang hindi na mawala sa akin si Candice.
“Why are you staring at me like that?” mataray na tanong nito sa akin. Isa pa sa nagustuhan ko sa kanya. Straight to the point siya, sarcastic at ang lakas ng tiwala sa sarili niya. Hindi siya natatakot sa akin kahit na noong una palang kaming magkakilala. Kahit na nabully ko siya noong fisrt day niya sa school ay nakuha pa niya akong labanan at ipahiya sa loob ng maraming mga tao.
“Masama bang titigan ang maganda mong mukha?” biro ko pang sabi sa kanya.
“Sapak gusto mo? Ano? Magtititigan na lang ba tayo dito o magsisimula ka na magtanong?”
“Mas gusto kong titigan nalang ang mukha mo kesa sa tanungin kita.” Biro ko ulit sa kanya.
“Isa pa Perci, hindi na ako natutuwa sa iyo. Iiwan talaga kita dito.” Saka ko nakita na kumunot ang noo niya at tinalikuran pa niya ako.
“Uy. Joke lang. hindi ka naman mabiro eh. Sige, lady’s first.” Umayos ako ng upo sa higaan ko. Habang siya naka-indian seat sa kama ko. Habang yakap-yakap ang isang unan ko.
“Okay. Bakit wala ang mga magulang mo dito upang alagaan ka?” isa sa mga tanong na madaling sagutin, pero hindi madaling intindihin. Sa totoo lang? hindi ko maintindihan ang mga magulang ko, kung bakit mas importante pa sa kanila ang maging mayaman o mas yumaman pa gayong, kilala narin naman kami sa buong pilipinas.
“Nasa, ibang bansa ang Daddy ko. At almost 10 years nang patay ang mommy ko sa sakit nitong brain cancer.” Casual kong sabi sa kanya.
“I’m sorry to hear that.” Biglang naluntko din yung mukha ni Candice.
“No. that’s okay. Matagal na yun. Nakamove na ako.” Sabi ko, pero sa totoo lang? hindi parin ako nakamove on. Hanggang ngayon, masakit parin yung damdamin ko. Kaya nga siguro matigas ako, dahil kelangan ko yun sa sarili ko. Kelangan kong iparamdam sa mga tao na malakas ako at hindi nil ako maaring matalo o matinag man lang. at hindi ako nagpapakita na mahina ako sa harap ng ibang tao.
It’s been 10 years since my mom passed away. She’s been suffering in brain cancer, kitang kita ko kung paano siya nahirapan, at naghirap upang mas mapahaba pa ang buhay niya sa mundo. Habang ang daddy ko? Busy sa ibang bansa, at pinapalago ang aming business, ni hindi man lang niya inisip na yung babaeng pinaka-mamahal niya ay kelangan siya ngayon. Although, lahat ng pangangailangan niya ay ibinibigay niya para sa mahal kong ina. Hanggang sa bawian na siya ng buhay ng may kapal. And the rest is history.
“I feel you.” Malungkot na sabi ni Candice.
“You, tell me about your story… you life story.” Giit ko pa sa kanya.
☼☼☼
Candice’s POV
Hindi siguro alam ng mga tao, na pupuwede kong maihalintulad ang buhay ko sa naging buhay ni Princess Sarah. O ni Cinderella. O ang mga prinsesa sa mga Disney movies. Wag lang kay Princess Fiona, yung naging Ogre na siya.
Minsan sa buhay ko, naging prinsesa ako. Naging prinsesa ako ng Ama kong may ari ng isa sa pinaka-malaking pagawaan ng Kandila sa pilipinas at maging sa buong mundo. Ang Sikat Candle. Pero gaya ng ibang mga prinsesa sa mga librong ating nabasa, mga mga kontrabidang mga pumasok. Noong araw na namatay si Daddy. Gaya ng isang kahoy na malapit ng mahulog sa tangkay nitong inaanay na. nahulog din ako sa pagiging isang mutsatsa, naging katulong ng sarili kong kamag-anak. Gaya nalang ng naging buhay ni Cinderella. May mga naging kaibigan ako. Yung ipis at yung mga anay sa bahay na iyon ang siyang kinakausap ko. Alam kong normal parin ako, wala lang talaga kasi akong makausap ng matino sa bahay na iyon. Kung ikukumpara mo sa isang papel ang buhay ko, yung lukot-lukot na papel ang maari kong isagot sa iyo. Ang dating, maganda at maayos kong buhay bigla nalang nasira at nawasak na lahat ng mga pangarap ko sa buhay.
Pero noong dumating si Luhan sa aking buhay. Ang lalakeng nagligtas sa akin sa mga kontrabidang kamag-anak ko. At inilayo sa bangungot ng kahapon. Ang siyang nagbigay sa akin ng pag-asa. Na kelangan ko pang mabuhay dahil may bukas pa. at kelangan ko pang ienjoy ang buhay to the fullest.
Hindi ko kiniwento ang lahat ng buhay ko kay Perci, pero alam kong may ibang parte sa mga kiniwento ko na nagpapagulo sa utak niya ngayon. Nagdesisyon siyang magpahinga na siya. At nangako siya sa akin na kakain na siya nang maayos. Kelangan ko naring umuwi, dahil gumagabi na rin, hindi na ako nagpahatid pa sa driver nila Perci, kahit na ipinag-utos nito na ihatid ako, ayaw ko kasing malaman niya kung saan ako nakatira, at baka kasi magulo pa yung buhay nila Luhan at sa paghahanap nila sa nawawalang Etir at ang mahal na Princesa ng Candelaria.
Sumakay ako ng taxi, at dahil sa napagod din ako sa mahabang araw na iyon. Hindi ko napigilan ang sarili ko na makatulog, pero ko pa man naipipikit ang mga mata ko. Kitang-kita ng dalawang mata ko na may isang lalake ang humila sa aking kamay palabas sa loob ng Taxi at binuhat ako nito sa kanyang balikat na parang isang baboy at saka kami lumipad patungo sa kung saan.