Chapter 12

2957 Words
Chapter 12 Candice’s POV 2 days nalang, Camp Day na. Oo, halos dalawang araw din kaming pupunta sa Candelaria Quezon, para sa Camp day namin. Marami daw kaming matutunan doon, hindi lang sa mga activities na gagawin namin, kundi sa buhay din namin. “Aren’t you excited for the upcoming Night Ball this Month?” kinikilig na kwento pa ni Sprite sa mga kaibigan niya. At nagtalunan na sila sa sobrang kilig nila sa isa’t isa. Narinig ko pa na marami raw pupunta na mga sikat na artista, na nag-aaral dito sa paaralang ito. Taon-taon daw nagkakaroon ng Night Ball, tuwing sasapit ang Valentines Day. Ang araw ng mga puso. Ang araw ng mga taong umaasa sa happy ending. Sa true love at sa Destiny. Ang araw na kung saan, mas marami pa ang magkahawak ng kamay sa kalsada, kesa sa maghawak ng kamay sa loob ng simbahan. Ang araw na kung saan, fullybooked ang mga hotels, at motel. Ang araw na kung saan, walang ibang salitang babagay sa kanila kundi sweet. Ang araw na kung saan, maraming nagluluto ng Ampalaya. Dahil sobrang bitter sila. Ang araw na…normal sa isang taong katulad ko. Kasi naman, hindi pa talaga ako naiinlove. At naniniwala ako, na tunay ang Destiny. Na may isang tao na inilaan sa iyo ang Diyos para mahalin mo at mahalin ka habang buhay. “Anong iniisip mo?” tanong ni Ana sa akin, iniwas ko ang pagtingin ko sa mga nagtsitsimisan sa aming harapan. At hinarap ko ang babaeng nagtatanong kung anogn tumatakbo ngayon sa isip ko. “Ah? Yung Camp Day. Sasama ka diba?” tanong ko sa kanya, saka kinuha ko ang notebook ko sa loob ng bag ko at nagscan ng mga notes sa Physics kasi may Exam kami mamayang hapon. “Hindi ko alam.” Malungkot na sagot nito sa akin. Nagulat ako, parang noong isang araw, ay sobrang excited siya at may mga nabili pa nga raw siyang mga gamit, para lang sa Camp Day. Tapos ngayon? Sasabihin niya sa akin na hindi ito sigurado. “Anong problema?” pag-aalalang tanong ko sa kanya. Saka ko inihinto ang pagbabasa sa hawak kong notes. “Si Perci kasi, may sakit.” Halos tatlong araw nang hindi pumapasok si Perci, pero ngayon lang sinabe ni Ana na may sakit pala ang kapatid niyang ito. “Huh? Nagkakasakit din pala ang demonyong tulad niya? Sorry for the word ah? Pero, eh ano naman kung may sakit siya?” “Ang sabi kasi ni Daddy, kelangan ko raw samahan si Perci, wala raw kasing mag-babantay sa kanya. Kaya hindi ako makakasama.” Gustong-gusto pumunta ni Ana doon dahil, andun si Luhan. Oo andun si Luhan, sasama siya kahit na alam kong napilitan lang siya dahil, pinilit ito ng kanyang boss na sumama. At wala na raw siyang nagawa base sa kwento ni Dashniel sa akin kanina. Kitang-kita ko sa mga mata ni Ana ang panghihinayang. Kaya kaagad na pumasok sa isip ko na… “Pumunta ka. At ako na ang bahala sa kuya mong Demonyo.” ☼☼☼ Sa pangalawang pagkakataon, nandito ulit ako sa loob ng bahay nila Ana. Noong una kasi, hindi ko gaanong na-enjoy yung pagpunta namin dito dahil nga sa nangyaring biglaang pagsugod ni Yugo sa bahay nila Ana, na siyang hindi ko maintindihan kung bakit siya dito mismo sumugod. Baka kasi nga andito si Luhan? Hays! Ewan. Ang buong alam ni Luhan ay sasama ako, pero mas pinili kong bantayan itong mokong na ito, kesa sa sumama ako doon. Hindi ko rin alam kung anong pumapasok sa isip ko ngayon, nakatayo lang ako dito sa malaking, sala nila Ana, may dalawang silang kasambahay si Ate Kei at Manang Loti. Lumapit ako sa kay Manang Loti, tinanong ko ito kung kumain na ba si Perci, ngunit umiling ito. Halos isang araw na raw itong walang ganang kumain. Paano siya gagaling kung hindi siya kakain? Tanga talaga kahit kelan! Kaya nagpatulong ako kay Ate Kei na gumawa ng isang lugaw na siyang pwedeng kainin ni Perci. At kelangan niya itong kainin kundi makakatikim siya sa akin ng isang Kame-hame-Wave, to the maximum level. Kaagad na akong umakyat sa kwarto niya, bitbit ang isang tray na naglalaman ng isang basong tubig, isang bowl ng lugaw na niluto ko especially for him. at ang gamot na binilin pa sa akin ni Ana kanina bago niya ako iwanan sa bahay nilang ito. Tok tok tok. Katok ko sa labas ng pintuan ng kanyang kwarto. Laking gulat ko na imbis na buksan niya ito ay bigla nalang siyang nagsisigaw sa loob. “Ayaw kong kumainnnnnnnnnn.” Sigaw pa nito sa loob ng kwarto niya, isang batang nagsisigaw at nagtatantrum na parang tanga. Hindi na bagay sa kanya. Kaagad na akong pumasok kahit na walang permiso niya, bahala siya kung magulat man siya sa akin, wala na akong pakielam. Basta kelangan kong gawin yung ipinangako ko kay Ana naaalagaan ko ang isang Demonyong katulad ng kanyang kuya. “Anong drama yan?” nakataas ang aking kilay nong pumasok ako sa loob ng kwarto niya. Kaagad kong inilipag ang tray na naglalaman ng pagkain sa side table ng kanyang higaan. Saka tumayo sa harapan niya na nakapamewang. Nakanganga parin siya, gaya ng inaasahan ko, magugulat siya sa biglaang pagdating ko dito sa loob ng kwarto niya. “Anong???” nauutal niyang sabi sa akin, tila wari’y nanaginip ba siya o nasa tunay na mundo parin talaga siya. O nababaliw na siya dahil nakakakita na siya ng isang anghel na tulad ko. Bwahaha. “Ano? Tatanungin mo kung anong ginagawa ko dito?” “Anong ginagawa mo dito?” pasigaw niyang tanong sa akin. “Pwede ba? Magpasalamat ka at nandito ako? Dahil, baka bukas makalawa, pinaglalamayan ka namin, dahil diyan sa sobrang kaartehan mo.” “Asan si Ana?” tanong niya sa akin. “Nasa Quezon na, kasama ang crush niyang si Luhan.” “Ikaw? Diba dapat kasama ka doon?” pagtataka pa niya sa akin. Wow! Alam pala niya yun? “Oo, kaya kung ako sa iyo, kumain ka na at wag mong painitin ang ulo ko dahil, baka kung ano pang magawa ko sa iyo.” Muli akong lumapit sa side table upang kunin yung bowl na naglalaman ng lugaw na may chicken strips at mais na siyang paborito niya. “Ayaw ko ngang kumain. Pwede ka nang lumabas.” Muli niyang tinilakbong ang sarili sa loob ng kumot na kanina lang ay nasa kanyang paanan. “Anong sabi mo?” gulat kong tanong sa kanya. Bigla nag-init yung tenga ko sa sinabe niya. Sinusuway niya ako? “Are deaf? Ang sabi ko, umalis ka na dito. Hindi kita kailangan. You may leave now, bukas ang pintuan. O gusto mo, ipapahatid nalang kita sa driver.” Giit pa niya. Lumapit ako sa kanya at hinila ang kumot paalis sa katawan niya. At saka siya tinitigan ng masamang masama. “Anong sabi mo?” inis kong sabi sa kanya. “Hindi ka lang pala bingi? Tanga ka pa. ang sabi ko…” “Hindi mo ba alam na, hindi na ako tumuloy sa Camp Day para lang alagaan ka? Hindi mo ba alam, na sinayan ko yung oppurtunity na marami sana akong matutunan sa lugar na iyon, kasama ang mga bagong magiging kaibigan ko? Hindi mo ba alam? Na magiging masaya ako doon kesa sa alagaan ka?” hays hinahayblad na talaga ako sa kanya. Nanginginig na ang buong katawan ko, habang sinisigawan ko siya. Alam kong wala akong karapatang sigawan siya dahil sa nandirito ako sa loob ng kanyang pamamamahay. At sino banaman ako para sigawan ang isang tulad niya? Lagot ka Candice. “Inutos ko ba sa iyo?” “Yun na nga eh. Hindi mo inutos, pero dahil nga sa gusto ko.” Bigla akong napahinto sa sinabe ko. Ano? Sinabe ko bang gusto ko? Gosh! Bakit parang biglang nag-init yung buong katawan ko? Kaagad akon tumalikod. Naiiyak na kasi ako eh, hindi ako pwedeng umiyak sa harapan niya tapos bigla-bigla nalang maghuhulugan yung mga butil ng luha ko at magiging Perlas. Hindi ito pwede. Kaya kaagad kong pinunasan ang luha ko at pinakalma ang sarili ko. Inhale-Exhale. Ulitin ng ilang beses. “Anong sabi mo?” biglang akong nagulat. Napahinto ako sa paghinga. Saka dahan-dahan kong hinarap si Perci na kalmado na ang aura sa mukha nito. “Wala.” “Tsk. Akin na nga yang niluto mo.” “Diba ayaw mong kumain?” “Diba gusto mo akong kumain?” “Dahil ba sa gusto ko? Gagawin mo” hindi lahat ng gusto mo makukuha mo, at hindi lahat ng mga nakukuha mo gusto mo. Ang drama ko! “Anong pinagsasabi mo? Diba nga nandito ka para alagaan ako? Pwes gawin mo ang lahat para alagaan ako. Akin na yang niluto mo.” Mayabang pa niyang sabi sa akin. Aba? Ang kapal ng pagmumukha ng lalakeng ito? Lakas makautos? Anong tingin niya sa sarili niya, Boss? Saka muling bumalik sa isipin ko na, oo nga pala. Sarry! Kinuha ko ang nilutong Corn porridge at ang spoon, pero sabi nito subuan ko raw siya. Wow ah? Like a boss?, pero hindi na ako nagreklamo pa sinunod ko nalang siya. At ngayon, para siyang isang batang sinusubuan ng pagkain ng kanyang ina, dahil sa sobrang masama talaga ang pakiramdam nito, ni paghawak ng kutsara hindi niya magawa. Boss talaga! Ang init sa loob ng kwarto niya. Pero siya, hindi man lang siya pinagpapawisan. Ako? Tagaktak na ang pawis sa aking mukha. At mukhang napansin ito ni Perci. “Gusto mong buksan ang aircon?” tanong pa nito sa akin. “Tanga ka ba? Edi napasukan ka ng lamig diyan? Hindi okay lang ako. Sanay ako sa init, sa Attic kaya…” napahinto ako sa pagsasalita. Ano ba kasi itong mga lumalabas sa bibig ko? “Anong attic?” “Wala…maghubad ka na nga lang.” utos ko pa sa kanya. Pero bigla nalang lumaki ang mga mata ni Perci sa sinabe ko. “Ano?” pasigaw niyang sabi. “Ang sabi ko, maghubad ka.” Saka ngumiti ako sa kanyang harapan. “Hoy, kahit na maganda ka. Kahit sexy ka. Kahit na gusto kita, hinding-hindi ko ibibigay sa iyo itong virginity ko ah?” Ano? Anong pinagsasabi niya? Pero tama ba yung mga narinig ko sa kanya? Nanginginig ang buong katawan ni Perci. Kaya may nainisip akong bagay para mas mainis siya sa akin. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Gumapang pa ako sa higaan niya. Habang siya ay pausog ng pausog hanggang sa umabot na ito sa Headboard ng kanyang kama. Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. As in sobrang lapit. Yung halos kaunting galaw na lang niya ay magdidikit na yung labi namin sa isa’t isa? Haha hindi ko alam kung saan ako kumuha ng kapal ng mukha at lakas ng loob para gawin ito sa kanya. Pero ang sarap niya lang tignan, nagkukulay kamatis na siya sa sobrang pula ng mukha niya, ang sabi nila. Para mas madaling mawala ang lagnat ng isang tao. Kelangan mailabas ang init sa katawan nito. Pero hindi naman sana sa ganitong paraan. Hindi pa ako ready sa ganitong kabigat na scene. Charot! “Mukha ka nang kamatis Perci. Hahaha.” Tatayo na sana ako nang bigla niya akong hilain palapit sa kanya at bigla nalang naglapat ang mga labi namin. Nakadilat pa ang dalawa kong mga magagandang mga mata at kapwa kami gulat sa nangyari sa pagdampi ng aming mga labi sa isa’t isa. Kaagad kong tinanggal ang sarili ko sa pagkakalapit ko sa kanya at tumalikod. “Buwisit! First kiss ko yun eh. Kainis naman oh!” inis kong sabi sa sarili ko habang sinasambunutan ko ang buhok ko. Aaaah! Hindi na virgin ang labi ko! Huhuhu gusto kong umiyak. Hanggang sa nagsalita itong si Perci. “Wag kang mag-alala. First kiss ko rin yun.” Hinarap ko siya, at ngayon ay nakahubad na siya. Kanina lang gusto ko siyang maghubad, hindi dahil sa gusto kong makita ang katawan niya. Kundi dahil, gusto ko sana na magpalit siya ng damit para hindi siya matuyuan ng pawis, pero bakit parang ayaw nang gumalaw ng mga mata ko? Nakatitig lang ako sa ganda ng pagkakahulma sa ganda ng katawan ni Perci. Meron siyang 6 packs Abs. at nagsisigaw ang tigas nito. Tapos yung mga mata ni Perci, ang ganda. Kahit na medyo namumula ito dahil sa init ng kanyang katawan. Tapos balik ulit sa katawan niya? Bakit ako nakatitig sa n****e niya? Ang p*****t mo Candice. Hindi pwede ito. “Hoy? Nakatitig ka diyan? Baka naman matunaw ako sa kakatitig mo!” muli akong bumalik sa tunay na mundo. It’s just a fantasy Candice! “Ako?” sabay turo sa sarili ko. “…nakatingin sa iyo? Haha! Mukha mo.” Saka ako pumunta sa walk in closet nito sa kaliwa na katabi ng Comfort Room. Sa sobrang laki ng kwarto niya, aakalain mo na nasa isang maliit na bahay ka na. kinuha ko ang isang T-shirt na kulay blue, kung bakit blue? Hindi ko alam. Basta kinuha ko lang siya. “O!” sabay sagis ng damit sa kanyang harapan. Kinuha niya ito at kaagad na sinuot ang damit. Saka pinainum ko na siya ng gamot at akto na sana aalis na ako pero, pinigila niya ako. Muli kong ibinalik sa pwesto nito ang tray at umupo sa couch at nagbasa nalang. “Pwede ba tayong magkwentuhan?” tanong ni Perci sa akin. “Magpahinga ka yun ang gawin mo. Babatanyan nalang kita, wag kang mag-alala. Hindi kita iiwan.” “Hindi pa ako inaantok eh.” “Ang kulit mo. Okay! Ganito nalang, tanungan nalang tayo. Magtatanong ako, tapos kelangan mong sagutin, bahala ka kung magsasabi ka ng totoo, dahil baka hindi rin ako magsabi ng totoo. Then kapag sobrang personal na, pass tayo diyan. Okay ba?” Tumango lang siya sa sinabe ko. Mukhang mas excited pa siya sa inaakala ko. Hays! Candice ano na naman itong pinasok mo? Problema na naman ata ito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD