Chapter 7
Candice’s POV
Kinabukasan.
As usual. Kelangang kong maagang gumising. Sanay na din naman akong maagang gumising. Tapos ipinaghanda ko na ng makakain si Luhan at yung iba. Nagtaka nga si Dashniel dahil, may mga pagkain nang nakahain sa lamesa noong pumunta siya sa kusina. Pagkatapos sumunod naman kaagad si Yeusen, ganun din si Tyra at ang huling pumunta ay si Luhan. Kaagad na itong umupo, pero bago pa nila simulan lamutakin ang pagkain sa hapag. Pinatigil ko muna sila. Kelangan muna kasi naming magdasal at magpasalamat sa pagkain nasa hapag.
“Tao lang ang gumagawa niyan.” Natatawa pang sabi ni Yeusen na halatang takam na takam na sa pagkain nasa kanyang harapan.
“At hindi kami tao, baka nakakalimutan mo” dagdag pa nito. Pero hinampas ko yung kamay niya. Then I him a weird look.
“Tama ka nga. Pero, nasa mundo ka ng mga tao. At isa pa, siguro naman may mga diyos kayong nirerespeto. Hindi ba kayo marunong magpasalamat sa mga biyayang binibigay ng mga bathala niyo?” inis kong sabi kay Yeusen.
“That’s enough. You can lead the prayer Candice!” giit pa ni Luhan. Napatingin ang lahat sa kanya. Seryoso ang mukha niya, at inaantay akong nitong muling magsalita. Ibinuka ko na ang bibig ko at saka ipinikit ang aking mga mata. Then I started to bow my head and prayed.
Pagkatapos kong magpray, doon na nilamutak ni Yeusen yung pagkain sa harapan. Gutom na gutom na talaga ito. Mukhang pagod na pagod ito galing sa duty niya sa trabaho niya kagabi. Habang nakain, nag-uusap sila tungkol sa mga updates tungkol sa nawawalang prinsesa ng Candelaria.
“Nahanap ko na yung taong kumuha sa prinsesa. Pero sa kamaaang palad nasa isang Mental Hospital ito, at mukhang nabaliw dahil sa mga nangyari. Gusto niyo na ba siyang Makita?” sabi pa ni Tyra kay Luhan.
“See as soon as possible, bukas siguro walang pasok. Pupuntahan natin siya, babasahin ko nalang ang nasa isip niya, dahil alam kong hindi natin siya makakausap ng maayos.” Sabi pa ni Luhan saka sumubo ito. Tinignan pa ako nito, dahil na huli ako niton nakatitig sa kanya.
“Uhm, ako naman. May mga pinuntahan akong boutique stores. At tinanong ko sila kung may meron silang mga antique na kandil. May mga nakita akong kandila, iba’t ibang klaseng kandila at desenyo, pero noong hinawakan ko ito, wala akong naramdaman na kahit ano. Walang mga espesyal sa mga kandila na iyon.” Sabi naman ni Yeusen na busy parin sa pagkain nito habang nagsasalita.
“Baka andun sa taong iyon. O di kaya kasama ng Prisesa yung kandila?” pag-iisip pa ni Tyra.
Bigla akong nagsalita.
“Kandila? Bakit hindi niyo try hanapin sa mga simbahan?” napalingon sila sa aking lahat. Nakuha ko ang atensyo nilang lahat. Saka biglang tumayo si Yeusen at patalon-talon ito habang hinahawakan ang kamay ko sa sobrang saya niya.
“Bakit hindi namin na isip yun?” masayang sabi pa ni Yeusen. Habang hawak-hawak parin ito ang kamay ko. Itinulak ko siya palayo sa akin. Bakit parang si Yeusen lang ang Masaya sa nasabi ko? Bakit hindi ganun ang reaksyon ni Trya o ni Luhan.
“Bilisan mo na diyan Candice, malelate na tayo sa school.” Kaagad na tumayo si Luhan at kinuha ang gamit nito at saka lumabas ng Academia. Nagpaalam naman ako kay Yeusen na hindi parin tapos sa pagkain nito. Ngumiti at kumaway naman ako kay Trya pero wala siyang ibinalik na reaksyon sa ginawa ko. Mukhang may problema talaga ito sa akin.
☼ ☼ ☼
Sa loob ng kotse.
Tahimik parin kaming dalawa ni Luhan. Ako at siya lamang ang nasa loob ng kotse. Hindi na kami hinatid ni Dashniel, dahil may mga bagay raw itong gagawin ng araw na iyon. Medyo malapit na kami sa school nang sinabe ko na baba na ako. Kaagad na inihinto ni Luhan ang kotse at binuksan ang pintuan. Saka ako lumabas. Magpapaalam pa sana ako ng bigla nalang niya ito pinaharurot. Tsk! Ano na naman kaya ang problema nun?
Nagulat ako nang may biglang tumawag sa pangalan ko sa aking likuran. Noong nilingon ko ito, si Ana pala ito, pero bakit kasama niya si Perci?
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko kay Perci na nasa tabi ni Ana.
“Hindi ba niya alam?” tanong pa ni Perci kay Ana habang nakatingi dito. Muling ibinalik ni Ana ang tingin niya sa akin. At saka hinawakan ang kamay ko.
“Kapatid ko si Perci, Candice.” Parang biglang gumulo ang utak ko. Akala ko ba mahirap sila? Tapos ngayon kapatid niya itong hambog na ito? Eh diba mayaman itong si Perci?
“Papaano?” tanong ko pa sa kanya.
“Basta, ikekwento ko nalang sa iyo later.” Saka hila ng kamay ko at patakbo naming tinahak ang loob ng University. Noong nakapasok na kami sa loob kaagad akong kumalas sa pagkakahawak ni Ana sa akin kamay. At naisipang umupo sa isang bench sa katabing building ng Engineering Department.
“Bakit ka naglihim sa akin? Ang buong akala ko pa naman, hindi kayo magkakilala tapos ngayon malalaman ko na magkapatid pala kayong dalawa? Akala ko ba magkaibigan na tayo? Bakit ka naglilihim sa akin?” kunwari pa akong nagtatampo sa kanya.
“Baka ikaw itong dapat magpaliwanag sa akin? Anong ginagawa mo sa loob ng kotse ni Prof. Luhan? Akala ko ba?” pinahinto ko na siya sa pagsasalita. Mukhang tama nga ang sinabe ko sa sarili ko kahapon? Na walang sikretong hindi mabubunyag.
“Okay. Okay! Panalo ka na. Si Luhan, I mean si Prof. Luhan ay amo ko.”
“You mean? Omg! Ang swerte mo girl!” kinikilig pang sabi ni Ana sa akin.
“Anong swerte doon aber? Pinagsisilbihan ko yung hot headed na lalaking iyon? Kung alam mo lang, kung gaaano siya kasama?” pagkukwento ko pa sa kasamaan ng ugali niya. Pero sa totoo lang? wala naman siyang ginagawang masama sa akin. Yung mga pag-gamit niya lang ng mahika niya sa akin kapag makulit ako sa kanya yun lang.
“Oh ikaw? Paano mo naman naging kapatid yung hayup na iyon?, sorry for the word ah? Ang sama-sama kasi ng ugali niya? May anghel pa pala siyang kapatid.” Saka ngumiti si Ana sa akin.
“He’s my stepbrother. Anak siya ng Daddy ko. Uhm, kabit kasi yung mommy ko. Basta ang hirap i-explain. Magkapatid kami sa ama. Yun na! tapos.”
“Buti hindi ka nahirapang pakisamahan siya?”
“Mabait yan si Perci kapag nasa bahay. Ewan ko ba kung bakit ang sama-sama ng ugali niya dito sa paaralan.” Saka hinawakan ni Ana yung kamay ko at tinignan ako ng diretso sa aking mga mata.
“Sana, wag nang lumabas ito. Hindi pa kasi alam ng iba eh. I mean, kaming dalawa palang ni Perci ang may alam. Kaya nga wala akong kaibigan dito. Dahil natatakot akong magtiwala.” Bigla akong nagtaka.
“Bakit ako? Bakit sa akin? Madali kang nagtiwala?”
“Hmmm. Hindi ko rin talaga alam. Para kasing may pagkakapareho tayong dalawa? Basta nararamdaman ko yun. Halika na nga.”
“Hindi ko na kaya. Magpapakamatay na akoooooo” sigaw pa ng isang babae sa rooftop ng Engineering Department biglang dumami ang mga tao sa harapan ng departamentong iyon. Yung iba nagpanic na baka tuluyang nang wakasan ng babae yung kanyang buhay. Habang yung iba, ay tinutulungan pa itong gawin yung bagay na iyon. Ang sasama talaga nila. Napatingin ako kay Ana, seryoso ang kanyang mukha habang nakatingin sa babae.
“Tumalon ka na!” sigaw pa ng isang lalake na sa boses nito ay para bang excited na makitang magkakalasog-lasog ang katawang ng babaeng ito kapag bumagsak na ito sa lupa.
Nakita kong nakatapak na siya sa isang railing. Saka sumunod naman ang isa pa niyang paa. Ipiniwesto na niya ang kamay niya sa kanyang dibdib. Saka dinala na siyang ng hangin ng oras na iyon. Hanggang sa…
“Asan na siya?” pagtataka ng mga tao. Nagkaroon na ng bulong-bulungan. Nagtatakutan na ang lahat. May nagsasabi pang may bumaba na galing sa langit at nagngangalan itong Archangel upang iligtas ang buhay ng babaeng iyon. Tumingin ako sa aking gilid at bigla nalang nawala si Ana. Asan kaya pumunta ang babaeng iyon?
☼ ☼ ☼
Hanggang sa classroom naming, usap-usapan yung biglang pagkawala ng babaeng iyon. Kaagad na trace ng mga school personnel yung babae at nasa likod na ito ng gymnasium at mahimbing na nagpapahinga. Hindi kaya si Luhan ang may gawa nun? Hmmm. Nakita ko na nasa upuan na niya si Ana. Kaagad akong lumapit sa kanya. Pero nadapa ako. Dumaus-dos ang katawan ko sa sahig dahil sa iniharang ng kaklase kong si Sprite ang kanyang paa noong nagmamadali akong naglakad. Hindi ko ito napansin, huli na pala. Paano ko nalaman? Nagtawanan lang naman sila, pagkatapos nilang gawin iyon. Kaagad akong tinulungan itayo ni Ana. At ipinaupo sa upuan ko. Medyo masakit ang paa ko. Hindi! Masakit talaga ang paa ko. Namamaga pa nga ito eh. May mga nerves atang nadamay kaya ganun ka bilis namaga ito.
“Are you okay?” Pag-aalala pa ni Ana sa akin, sabay hawak sa paa kong masakit, siyempre napasigaw ako ng aray. Dahil sa masakit talaga siya, saka ako tumingin sa mga babaeng iyon. Na wala ng ginawang mabuti sa sarili nila. Dumating ang grupo ni Perci, at kaagad akong binati ni Greco, nag-alala naman na lumapit si Sixto. At kaagad namang kumuha ng Med. Kit si Rafa. Buti pa itong mga kaibigan ni Perci ang babait sa akin.
Nilapitan pa ni Rafa yung grupo ni Sprite at pinagsabihan niya ito. Siyempre nakasimangot parin at parang batang inilalabas lang sa kaliwang tenga yung mga sinasabe ni Rafa sa kanila. At muling bumalik si Rafa sa amin.
“Kinausap ko na sila. Ayaw naming na may ibang mananakit sa future girlfriend ng boss namin.” Doon biglang uminit ang mukha ko. Saka sila natatawang tumingin kay Perci. At tumingin naman si Perci sa kanila.
“Ano?” singhal pa nito sa mga kaibigan niya. Na may kasamang pagkunot ng noo nito. Lumapit ang mga barkada nito sa kanya at inakbayan. Pero kaagad nitong siniko si Greco na siyang umakbay dito saka tumayo at lumabas ng classroom.
“First time lang kasing mainlove eh!” sabi pa ni Sixto at saka sinundan nila si Perci. Samantala ako? Eto lutang parin. Tsk! Wala akong panahon sa kanya.
Natapos ang Biology subject naming ng matiwasay. Ang susunod na subject namin ay Algebra. Pero kelangan pa naming mag-antay ng 4 na oras. Niyaya akong lumabas ni Ana, pero ang sabi ko magreresearch pa ako sa Library. Tinanong ako nito kung okay lang ako, pero tumango lang ako. Hindi parin ako okay nahihirapan parin akong maglakad. Pero kelangan kong matapos ang research kong ito.
Kaya kahit na masakit ang paa ko ay pinilit kong umakyat sa may third floor para makapunta lang sa Library, pero hindi pa man ako nakakarating ng second floor ay naramdaman ko ang sakit ng paa ko. At na out of balance ako, at aaaaaaaaaaahhh.
Nahulog ako. Buti nalang may nakasalo sa akin. At noong tignan ko kung sino ito? Tsk! Sana nahulog nalang ako.
“Bitawan mo nga ako!” reklamo ko pa sa kanya. Hinawakan kasi nito ang pwitan ko. Bastos talaga. Saka niya ako dahan-dahan ibinaba.
“Ang bigat mo kaya!” reklamo pa nito sa akin.
“Sino ba naman kasi ang nagsabi na saluin mo ako?”
“Wow ah? Baka pwede ka munang magpasalamat sa akin. Dahil iniligtas kita!” sabay ngisi pa nito.
“Wow din ah? Super hero ka na pala ngayon? Ang buong akala ko, isa kang kontrabida eh.”
“Ganun na ba kasama ang tingin mo sa akin?”
“Oo!” malakas kong sabi sa kanya.
“Yun kasi ang una mong pinakitang ugali sa akin.” Saka na ako tumalikod at nagsimula ulit maglakad. Wala akong oras pakinggang ang mga reklamo niya. At ang mga kadramahan niya sa buhay. He is just a wasting of time.
Saka nito hinila ang kamay ko. At binuhat ako, nagulat ako sa ginawa niya.
“Bitawan mo nga ako.” Protesta ko pa sa kanya, pero para siyang bingi na walang naririnig. Kaya pinaghahampas ko nalang siya, pero parang wala lang sa kanya ang paghahampas na ginagawa ko. Parang bakal yung katawan niya. Sinambunutan ko siya, doon na siya nainis sa akin. May naalala pala ako sa sinabe ni Ana. Galawin ko lang raw ang lahat ng parte ng katawan niya, wag lang ang buhok niya. Binigyan niya akong masamang tingin. Doon na ako nanginig ang buong katawan ko. Oo nakaramdam ako ng takot sa mga tingin ni Perci sa akin ng oras na iyon.
“Alam kong masakit parin ang paa mo. Ihahatid na kita sa library.” Mahina pang sabi nito sa akin. Hindi na ako nagreklamo, hanggang sa makarating na kami sa third floor, pinagtitinginan pa kami ng mga tao. Sikat din kasi itong si Perci sa mga kababaihan, siyempre dahil sa gwapo siya at kasama siya sa basketball team ng paaralang ito.
Kaagad na akong bumaba sa bisig niya. Hinayos ko ang sarili ko. Saka ako pumasok sa loob, pero bago pa man ako makapasok…may narinig akong sinabe ni Perci sa akin.
“Mag-iingat ka ah.” Mahina pang paalam nito sa akin, saka na ako pumasok sa loob ng library.