Chapter 6

2477 Words
Chapter 6 Candice’s POV “Kumusta ang araw mo?” tanong ni Luhan sa loob ng kotse. Wow for the first time, kinausap niya ako na parang tao. Hindi mainit ang ulo niya. Sumagot kaagad ako baka kasi bigla nalang magbago ang isip niya. “Ayun, okay naman!” pagsisinungaling ko pa. “Nababasa ko ang nararamdaman mo. Alam kong hindi ka okay. Kapag may nangyaring masama sa iyo. Tawagin mo lang kaagad ako, I will be there.” Saka itinuon nito ang kanyang pag tiningin sa bintana. Uy! Infairness, concern siya sa akin. Haha si Luhan concern sa akin? Nakakatawa yun. “Anong nakakatawa?” tanong pa nito sa akin. “Ah? Wala. Nga pala, nakalimutan kong magpasalamata sa iyo. Sa lahat lahat ng mga ginagawa mo para sa akin, thank you ah?” “May bayad ito. Lahat ng mga ito may kabayaran.” Sabay tumingin siya sa katawan ko. kaagad kong tinakpan ng kamay ang katawan ko. para kasing hinuhubaran ako sa tingin ni Luhan ng mga minutong iyon. “Ang p*****t mo. Kung yung katawan ko lang…” “Wag kang assuming. Hindi ka sexy, and beside you’re not my type!” saka bigla-bigla nalang kaming nakarating sa harapan ng Academia. Parang kanina lang nasa kalsada pa kami, ngayon nasa harap na kami ng malaking bahay niya. Hays! Iba talaga kapag may ganito kang klaseng kapangyarihan, or should I say that, iba na talaga kapag isa kang Engkanto. ☼ ☼ ☼ Dahil sa hindi ako makatulog, naglinis nalang muna ako ng bahay. Medyo magulo kasi noong umalis sina Tyra at Yeusen. Parang may giyerang nangyari sa loob ng Academia. May ibang parte pa ng bahay na siyang hindi ko pa napupuntahan, katulad nalang ng isang ito. Ito yung sa second floor. Yung malapit sa kwarto ni Luhan. Parang isang maliit lang siya na kwarto. Minsa nakikita kong pumapasok si Luhan dito, pero kaagad naman itong bumabalik. Binuksan ko ang pintuan, buti nalang bukas ito. Pumasok ako sa loob ng kwartong iyon at laking gulat ko. waaaaaaaah! Para akong nasa isang malaking Library. Tapos ang taas-taas pa. may isang table sa gitna. At may dalawang hagdanan sa kaliwa at kanan. Nabasa na kaya ni Luhan ang lahat ng ito? “Oo!” “Anak ng tekla!” gulat kong sabi. Napatalon pa ako sa sobrang gulat. “Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya, pero nanginginig na ang buong katawan ko ng minutong iyon. Lumapit siya sa akin. Pero ako, umiiwas sa kanya. Habang humahakbang siya papalapit sa akin, ako naman itong paatras na humahakbang. “Ah eh…” Hanggang sa… “Aaaaaaaaaaaaah” Nasalo ako ni, Luhan. Pero ang awkward nga lang ng posisyon namin ng minutong iyon. Yung mukha niya sobrang lapit sa mukha ko. kaunting galaw ko lang sigurado akong magdidikit ang mga labi namin. Hays! Hindi pwede! Hindi pwedeng siya ang maging first kiss ko. “Ako ang dapat nagtatanong sa iyo niyan.” Saka niya ako itinayo. “Hindi purket, nakatira ka dito, pwede mo nang pakielaman ang lahat ng mga gamit dito. Hindi purket tinutulungan kita eh mabait na ako. Hindi mo pa ako kilala Candice. Masama akong magalit.” “Alam ko naman yun eh. Pasensya na.” paghingi ko pa ng tawad sa kanya. Nakikita ko naman na masama ang ugali niya. Kitang kita ko ito sa mukha niya. “Sagrado ang lugar na ito. Sa totoo lang, bawal ang mga katulad mo dito. Pero hindi ko alam kung paano ka nakapasok dito?” bigla tuloy akong nagtaka sa sinabe ni Luhan. Papapanong hindi ako makakapasok dito? Eh hindi nga ako nahirapan sa pagpasok ko sa kwartong ito. “Ah eh… hinawakan ko lang yung Door knob saka pinaikot ko at bumukas na yung pintuan. Saka ako pumasok.” Pagmamaestra ko pa sa kanya sa ginawa kong pagpasok. Kumunot ang noo niya. Nagdikit na naman yung dalawa niyang makakapal na kilay. Hala lagot ka. Pilosopo ka kasi Candice. “Tsk! Bakit ba kita kinakausap. Umalis ka na, bago pa uminit ang ulo ko.” sabi pa nito sabay turo sa labas. “Okay po.” Mahinang sabi ko, pauyoko akong lumabas ng kwartong iyon. Matagal na kayang mainit ang ulo mo. Sabi ko pa sa sarili ko. “Wala kang pakialam.” Pasigaw pa niyang habol. Hehe narinig pa niya yun? Tsk. ☼ ☼ ☼ Luhan’s POV Strange Sobrang strange. Hindi lang kasi isang beses. Pangatlong beses na ata ito? Una noong una ko siyang nakita, pinahinto ko ang lahat ng bagay sa paligid niya noong tinulungan ko siyang makaalis doon sa bahay ng tiyahin niya. Pero siya? Nakakagalaw parin siya. Ibig sabihin, hindi siya naapektuhan ng kapangyarihan kong iyon. Pero noong aakmang yayakapi niya ako sa Veranda, ay nagawa ko naman siyang pahintuhin. Tapos ngayon nakapasok siya sa Reeve’s Eye. Papapanong nakapasok siya sa Reeve’s Eye? Eh kaming mga Engkanto lamang ang pwedeng makapasok sa kwartong iyon? May spell ang kwartong iyon na siyang ginawa ko, noong makalipat kami sa bahay na ito. Dito ko kasi tinatago ang lahat ng mga bagay na importante ang mga kagamitan na siyang gagamitin ko kapag kinakailangan. May daanan din dito, papuntang Candelaria. Isang lagusan na siyang magtatawid sa amin sa kabilang mundo. Ang mundo ng mga Engkantado. “Anong iniisip mo?” tanong ni Candice sa akin na bigla nalang sumulpot sa aking likuran. Nasa Veranda ulit kasi ako upang mag-isip. Tungkol sa nangyari kanina. May bitbit itong isang tasa ng kape at kaagad niya itong inilapag sa may lamesa sa aking gilid. “Hindi kita inutusang timplahan mo ako ng kape.” Sabi ko sa kanya. “Wala lang. naisipan ko lang. baka kasi mawala yung init ng ulo mo sa akin kaapg ginawa ko ito. Pasensya na talaga kanina ah?” paghingi pa niya ng tawad sa akin. Nararamdaman kong sincere naman siya sa sinasabe niya dahil normal lang ang pagtibok ng puso niya. “Oo na. makakaalis ka na shoo.” Inaway ko pa ang kamay ko para umalis na siya, pero nanatili siyang nakatayo sa aking gilid. “Anong inaantay mo?” tanong ko sa kanya. “Hindi mo pa kasi iniinom yung kapeng ginawa ko.” giit pa niya. “What if hindi ko siya inumin?” “Okay lang naman. Baka kako kasi mawala yung init ng ulo mo.” “Matagal nang mainit ang ulo ko, at hindi ang isang tulad mo ang magtatanggal nito kaya kung ako sa iyo magpahinga ka na dahil maaga pa tayo bukas.” Giit ko pa sa kanya. Bakit ba kasi ang daming tanong ng babaeng ito. “Isa nalang.” Pangungulit pa nito. Hinarap ko siya. “Pumapatay ba kayo, papatayin mo rin ba ako? Kapag ba nagalit ka papatayin mo rin ba ako?” hindi ko naramdaman ang takot sa dibdib niya habang sinasabe niya ang mga tanong niyang iyon sa akin. Sino ba naman ang hindi, matatakot kung ang kasama mo sa bahay ay isang Engkanto. Pero ganun na lamang ba talaga ang nasa isip ng mga tao? Na kaming mga kakaibang nilalang ay masasama? Na pumapatay kami o ginagamitan naming ng kapangyarihan namin ang isang takot upang saktan ito o parusahan? “Kung yan ang iniisip mo. Oo” “Hindi ganun ang iniisip ko Luhan. Kung may balak kang masama sa akin. Dapat noong isang araw mo pa ginawa sa akin yun. Pero hindi. Marami ka pang ginawang maganda sa akin. Kaya kung ano mang balak mo sa akin? Okay lang. buong lakas ko itong tatanggapin, hindi ako natatakot na mamatay. Dahil alam kong hiram ko lang naman sa may kapal ang katawan kong ito. At lahat ng mga tao ay dadaan sa araw na iyon. Kaya kung…” “Enough. Okay na. umalis ka na.” pasigaw ko pang sabi sa kanya. Saka lang siya natauhan sa pag-sigaw ko at tumalikod na sa akin. “Inumin mo na yan ah? Baka kasi lumamig yan…sayang naman.” Saka na na siya tuluyang umalis. Ang babaeng ito? Ang kulit kulit niya. ☼ ☼ ☼ Candice’s POV Hindi ko talaga siya maintindihan. Bakit ang init-init ng ulo niya sa akin? Pwede naman niya akong kausapin ng maayos? Pagabog akong umupo sa kama ko. niyakap ko yung Pink na kumot ko. at dahan-dahan kong ibinagsak ang katawan ko sa malambot kong unan. Ngayon ko lang naramdaman na malaya na talaga ako. Tapos dadagdag pa sa iniisip ko yung bastos na lalakeng iyon? That jerk? Tsk! Subukan niya lang akong saktan muli makikita niya ang hinahanap niya. Buwisit siya ng taon. At isa pa sa inisiip ko? paano kung malaman ni Ana na katulong ako ni Luhan, na siyang kinababaliwan niya? Naglihim ako sa kanya. Hays! Wala pa namang mga lihim na hindi nabubungyag? Paano kung bigla nalang akong puntahan ni Luhan sa classroom at hilain palabas ng Classroom? Hays! Ano ba naman ito? Bakit ganito? Sa tuwing nagiging Masaya ako? May mga bagay na nangyayari sa akin? Biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. “Sino yan?” tanong ko. “It’s Tyra, pwede ba kitang makausap?” tumayo ako at pinapasok ko sa loob si Tyra. Umupo siya sa upuan habang ako nakaupo sa may kama ko. “Ano iyong pag-uusapan natin?” “Tatapatin na kita. I don’t get the point kung bakit kelangan pa ni Master na manirahan dito. Pero I respect his decision. May importante kaming ginagawa, may isang bagay kaming hinahanap na siyang 16 na taong nang nagtatago sa mundo niyo. Alam kong hindi pa ito sinasabe nino man, mas mabuti nang alam mo. Hinahanap naming ang nawawalang Etir. Isa itong mahiwagang Kandila na siyang importante sa aming mundo.” Hinawakan ni Tyra ang kamay ko at bigla nalang nagdilim ang paligid. Na siyang nakikita ko. “Ganito. Ganito kadilim ang mundo namin ngayon Candice. Dahil lang sa isang taong nagtakas ng nawawalang Kandila na iyon. Isa siyang lapastangan. Hindi lang ang kandila ang kinuha niya, pati ang nag-iisang anak ng hari at reyna nang aming kaharian. Ang Prinsesa Georgia.” Sa totoo lang, hindi ko naiintindihan ang mga pinagsasabi sa akin ni Tyra. Ano ang koneksyon nito sa pagtira ko dito. At hindi ko naman pinilit maski kilala, hindi ko kilala ng personal itong si Luhan. At tama din siya. Ano bang kelangan niya sa akin? “Anong gusto mong ipunto?” tanong ko sa kanya. “Sana hindi ka maging isang gulo sa paghahanap namin sa mga bagay na iyon. Importante sa amin ang oras Candice. Ang giyera sa mundo namin ay mas lalo pang lumalala. Mas nagiging makapangyarihan na ang kasamaan sa kabutihan. I know hindi mo naiintindihan eto, pero sana wag ka nang dumagdag sa iniisip ni Master.” Ano bang problema nitong babaeng ito sa akin? Bakit parang ang init-init din ng ulo niya? “I understand.” “No. you don’t understand. Hindi mo kami maiintindihan dahil hindi ka isang Engkantado” “Kelangan bang maging isa ako sa inyo, para maintindihan ko ang importansya ng oras sa inyo? May puso din ako Tyra. At alam ko na importante sa iyo ang bagay na iyon. Naiintindihan kita. Kung kelangan niyo ang tulong ko. tutulong ako. Maaari din kasing maapektuhan ang mundong kinagagalawan ko. nakapasok nga kayo sa mundo namin eh. Maaari din nilang masakop ang munod namin. Kaya naiintindihan kita” Pagpapaliwanag ko pa sa kanya. Adventure na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD