Chapter 5

2462 Words
Chapter 5 Candice’s POV Andito na ako. Yahoo! Ngayon nakatapak na ako. Nakatapak na ako sa paaraalng pinapangarap ko. Hindi ko alam kung anong mahika ang ginawa ni Luhan upang makapasok ako sa paaralang ito, pero nagpapasalamat ako ng marami sa kanya. “Hello Professor Luhan.” Masayang bati pa ng isang babaeng halos mangisay noong dinaanan namin siya ni Luhan. So? Isa isang guro sa paaralang ito? Wow! Mukhang kasing edad ko lang naman siya pero guro na siya dito? Gumamit din ba siya ng kapangyarihan niya para makapasok sa paaralang ito? Hindi niya pinansin yung babaeng bumati sa kanya, bagkus nagpatuloy kami sa paglalakad papunta sa loob ng Building. Bigla siyang nagsalita. “Hindi!” ayts! Nakalimutan kong nababasa pala niya ang nasa isip ko? Hays! Wala talaga akong maitatago kay Luhan. Inihatid niya ako sa Admin at doon ko nakilala si Mr. Froilan. Pagkatapos nilang mag-usap ay ihinatid na ako ni Mr. Froilan at iniwan naman ako nitong si Luhan. Hays saan kaya kami pupunta nitong lalakeng ito? Hindi naman kasi sinabe ni Mr. Froilan kung saan kami pupunta, pero sabi nito sundan ko lang daw siya. Kaya sinundan ko siya. Marami nang mga estudyante ang nakatingin sa akin. Yung parang kakaiba ang tingin nila sa akin. Naaamoy siguro nila na bagong salta ako sa paaralan nilang ito? Gusto ko ngang isigaw sa kanila na OO! Pero nahihiya ako. Kelangan ko bang maging proud? Gayong alam ko na sa madaling paraan ako nakapasok dito? Alam ko kasi na mahirap makapasok sa paaralang ito? Kelangan maging isa kasng pinaka-matalino sa paaralang niyo dati, at kelangan mong pumasa sa mga mahihirap na mga Exam o kaya maging mayaman ka. At ngayon? Naaamoy ko na mas marami ang mayaman dito kesa sa mga Scholar. Huminto kami sa isang kwarto na puros maiingay. Oo malayo palang kasi ang umaalingasaw na ang ingay nila sa labas. At noong biglang pumasok si Mr. Froilan. Bigla silang natahimik. Saka ako nito tinuro at pinapasok sa loob ng kwarto. “This is Candice Sikat. Our new student here in St. Louis University.” Pagpapakilala pa ni Mr. Froilan sa akin. Pero imbis na masiyahan ako. Bigla nalang may kung anong bagay ang lumipad sa mukha ko. “Ay Sarry!” sabi ng isang lalake saka ito tumawa ng malakas at sumunod naman nagtawanan yung mga tao sa loob ng kwartong iyon. Kaagad kong tinanggal yung bagay na nasa mukha ko at noong makita ko kung ano ito? Halos masuka-suka akong lumabas sa kwartong iyon at kaagad na dumiretso sa loob ng pinakamalapit na Comfort Room. “Ang sama-sama nila. Ang sama-sama nila” maiyak-iyak kong sabi sa sarili ko habang binubuhusan ko ang mukha ko ng tubig galing sa faucet ng CR. Hanggang sa may isang babaeng nagsalita sa likuran ko. “Ganyan talaga sila. Ganyan talaga yang si Perci.” Malumanay ang boses nito at noong nilingon ko ito inaayos nito ang bangs niya. Saka ngumiti sa akin at inabutan ako ng panyo na galing sa bulsa nito. Nakakainis. Nakakadiri siya. Saan ba niya nakuha yung Panty Liner na yun na may natuyong Period. At ang kapal ng mukha niyang ihagis sa akin yun? Kainis talaga siya. “By the way I’m Anastacia, but you can call me Ana for short. Masyado kasing pangmayaman ang pangalan ko, pero sa totoo lang? hindi ako mayaman. Mahirap lang din ako. Katulad mo, galing ako sa isang normal na pamilyang naninirahan sa isang gilid na sikat na subdivision sa Paranaque. And you are Candice right? Pasensyahan mo yung si Perci. Ganun talaga yun. Ganun kasi talaga siya magwelcome ng mga bagong estudyante. Sana pumasok ka parin bukas ah?” Mukha siyang mabait. At naamoy ko na mabait talaga siya. Maganda siya, sinasabe niyang mahirap siya, pero wala sa kulay at sa kinis ng balat niya na galing siya sa isang mahirap na pamilya. Pero sabi niya, edi maniniwala na ako. “Thank you. Don’t worry, hindi ang isang tulad niya ang sisira sa pangarap kong makapagtapos sa paaraalang ito.” Sabi ko sa kanya na may pagka-angas. At may tiwala sa sa sarili. Ngumiti naman siya at pinisil bigla ang pisngi ko. “Feeling ko magiging sobrang close natin sa isa’t isa?” nakangiti uli na sabi ni Ana sa akin. “Feeling ko rin.” Sagot ko sa kanya. “Tara na bumalik na tayo sa loob, alam kong hinahanap ka na nila ngayon.” Sabi pa ni Ana sa akin at saka nito kinuha ang kamay ko at hinila ako palabas ng CR at sabay kaming naglakad palabas doon at pabalik sa loob ng classroom. As usual, wala na si Mr. Froilan at bahagya silang natahimik noong bumalik ako at mas lalo silang nagulat noong nakita nilang hawak-hawak ni Ana yung kamay ko. “Hoy! Ana. Bakit hawak-hawak mo yung kamay ng babaeng yan?” tumayo pa yung isang babae na mukhang sosyal din gaya ni Ana. Napalingon si Perci sa kinauupuan nito. Binigya ko siya ng isang masamang tingin saka ko binitawan ang kamay ni Ana at lumapit sa lalakeng iyon. Tinitigan ko muna siya ng masama. Nang-gigigil na talaga ako sa kanya. Ang kapal ng mukha niyang gawin sa akin yun. Yung kamay ko nanginginig na. yung buong dugo ko na sa ulo ko na. sasabog na talaga ako. “Hi, I’m Candice!” pagpapakilala ko pa sa kanya. Pinilit kong maging kalmado ng minutong iyon. Imbis na sampalin siya at magalit sa kanya o magpakita na malakas ako sa harapan ng mga taong ito. Ito ang ginawa ko, nagpakilala pa ako sa kanya. “Sana maging close tayo, at sana wag mo na muling gawin sa akin yun. Okay ba?” mahinahon ko pang sabi sa kanya. Tinanggal niya ang Headset na nakakabit sa tenga niya at tumayo ito sa kinauupuan niya. Ang tangkad niya sobra. Hanggang dibdib niya lang ako. Para kasing tangkad niya si Luhan. Tumingala ako sa kanya. Para mag-abot man lang ang paningin naming sa isa’t-isa. Nakita ko na nasa akin ang lahat ng atensyo ng mga tao sa loob ng kwartong iyon. “Paanong close? Yung ganito ba?” hinigit niya ako at saka idinikit ang katawan ko sa katawan niya. At ngayon para na tuloy magkayakap kami sa isa’t isa. Biglang nagsigawan ang mga babae. Para silang nagprotesta. Nahiyawan naman yung mga kalalakihan. “Ang bangis mo pre. Perci’s style.” Sigaw pa isang lalake sa likuran ni Perci. Tumingin ako ng masama sa mga mata ni Perci at kaagad ko siyang tinulak ng malakas. “Kung hindi mo gustong maging kaibigan ako. Fine! Basta wag mo lang guguluhin ang pag-aaral ko Mr. Yabang!” sabay tumalikod na ako at naghanap ng mauupuan. Kaso wala ni isa sa kanila ang gustong mag-paupo sa akin. Maliban kay Ana na hinigit ang kamay ko at pinaupo ako doon sa may likod na kung saan nakaupo si Perci. Aayaw sana ako sa kanya, pero mukhang sasahig ako makakaupo nito kung mag-iinarte pa ako. “Ang astig mo. Wala pang nakakagawa nun kay Perci, ikaw palang. Astig mo friend!” si Ana na para bang amaze na amaze sa ginawa ko sa lalakeng iyon. “Mabuti nga yun sa kanya eh. Buti nga hindi ko siya ginamitan ng Powers ko eh.” Biglang nag-iba yung mukha ni Ana, bigla itong nagtaka sa huling sinabe ko. Ngumisi ako at nagkibit balikat nalang ako sa sinabe ko kanina. “I mean, wala talaga akong powers. Power of hand ang gagamitin ko. Sasapakin ko yung gwapo niyang mukha.” Tama kayo sa nasabi ko. Gwapo siya, pero nakakabawas tuloy ng kagwapuhan niya yung sama ng ugali niya. “Basta, be careful sa mga gagawin mo ah? Hindi mo pa lubusang kilala yang si Perci. Marami na siyang nasaktang babae, at ayaw ko nang makakita ng isa pang babaeng masasaktan niya dahil lang sa nabobored siya.” Mukhang kilalang kilala na ni Ana itong si Perci simula palang. Base sa mga sinasabe niya sa akin ngayon, parang buong buhay nito ay kasama nito ang bastos na lalakeng ito. ☼ ☼ ☼ Lunch break na. Natapos ang 2 subjects namin ng oras na iyon. At ang buong akala ko, hindi ko na kayang makipagsabayan sa kanila. Pero since mga basic lang naman yung tinuro ay madali ko naman naintindihan. Simula kasi noong, hindi na ako pinapasok sa paaralan ni Tita Kiya, ay nagpurisige akong mag-aral ng mag-isa. Oo tama yung nababasa niyo. Nag-aral ako mag-isa. Yung mga libro ni Noemi kinukuha ko, at binabasa ito. Iniintindi, minsan tinutulungan pa ako ni Yass kapag may mga bagay akong hindi na iintindihan. At minsan ginagawan pa niya ako ng Exam at grinigradan sa mga nakuha kong score sa mga questionnaire na ginagawa niya. Bigla ko tuloy na miss si Yass. “Kilala mo ba si Professor Luhan?” biglang tanong ni Ana sa akin habang nakatingin ito sa akin. Habang pinaikot-ikot nito ang hawak niyang tinidor sa pagkain nitong Spaghetti. Sasagot ba ako ng oo? O itatago ko sa kanya? Bakit mo itatago sa kanya? Eh kaibigan mo na siya? At kapag kaibigan dapat hindi naglilihiman. Uniling ko na lamang ang ulo ko. upang siyang isagot ko sa tanong niya sa akin. “Hindi mo pa siya kilala? Ang hot kaya niya? Siya ang pinaka-batang Professor sa paaralang ito? Ang gwapo-gwapo pa niya. Tapos ang tangkad. Boyfriend material. Nagtataka lang ako, base sa mga naririnig kong balita sa kanya. Wala pa raw siyang girlfriend. Sana ako nalang.” Binitawan niya ang tinidor at saka nagpalumbaba at tumingin sa ceiling ng canteen. Para itong nag-iisip ng kung ano. Hays! Sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto sa lalakeng iyon? Eh gaya nga ng sabi ni Ana, he’s a Boyfriend material. Kung alam lang nila na mainitin din ang ulo nito at ayaw nitong tinititigan siya sa mata dahil, baka ikamatay pa nila ito. Hays! “Anong iniisip mo ngayon?” tanong ko sa kanya. Muli siyang tumingin sa akin at inayos ang mukha nito. Masaya na itong humarap sa akin. “Iniisip ko, bagay kaya kami ni Prof. Luhan?” Tsk! Luhan’s fan pala ito. “Ah eh? Hindi ko alam. Hindi ko pa naman nakikita yun eh.” Pagsisinungaling ko pa sa kanya. Hanggang sa may mga lalakeng lumapit sa aming Table. Sa tangkad nilang tatlo aakalain mong may mga kapre ang bumaba sa puno ng balete upang pumunta sa harap naming dalawa ni Ana. Pero sa lahat ng mga kapre, sila itong matitikas at nag-gagwapuhang kapre sa buong mundo. “Hi I’m Greco, ang astig mo kanina ah?” pagpapakilala pa ng isang ito na nakasuot ng jersey shirt at may hawak na bola ng basketball. “Oo nga, mukhang may katapat na si Perci ngayon ah? By the way I’m Sixto, Perci’s friend. Nice one girl.” Sabay tapik pa sa likod ko nito. “And I’m Rafa. May nakapagsabi na ba sa iyo na ang ‘ganda’ mo?” sabay ngumiti ito at pinisil ang pisngi ko. shete! Ano bang meron sa pisngi ko at gustong gusto nila itong pisilin? Mataba ba ang pisngi ko. Muli akong tumingin kay Ana na halatang tulala parin sa mga nangyari noong umalis na sila tatlo sa aming harapan. “Hoy! Anong nangyari sa iyo?” nakanganga parin si Ana,ng minutong iyon mukhang hindi makapaniwala sa mga nangyayari. “Kinausap ka nila Candice!” “Oh ngayon? Mukha naman silang mababait. Buti pa nga sila mabait, hindi katulad ng kaibigan nilang Mayabang na iyon. Tsk! Ayaw na ayaw kong banggitin ang pangalan niya, nasusuka ako.” “Ang ganda mo talaga friend!” sabay pisil ulit ni Ana sa pisngi ko. kung nakakapagsalita lang yung pisngi ko. nag-reklamo na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD