Hindi na lang pinansin ni Georgia ang binubulong-bulong ni Vince na umupo sa tabi niya. Hindi nga niya alam kung ano ang problema ng lalaki. Mukhang maganda naman ang mood nito kanina. Ipinagpatuloy na lang niya ang pakikipag-usap sa kliyente niya na naging kaibigan niya na. Napatigil siya sa pakikipag-usap kay Maxrell nang bigla na lang nagdabog si Vince. "Sige, huwag mo akong pansinin! Makita ko lang iyang lalaking iyan ay humanda siya sa akin!" Padabog itong umalis sa sala at umakyat sa hagdan. "Hoy! Anong nangyayari sa 'yo?" Naguguluhang napatingin si Georgia sa papalayong doktor. Nagdadabog ito habang pumapanhik sa hagdan. "Wala!" pabalik na sagot nito sa kaniya. Pabalya pa nitong isinara ang pinto ng silid nito. Napakamot na lang siya sa kaniyang ulo. Kanina pa talaga siya nagt

