"Hoy!" Napapitlag na lang si Georgia nang biglang may gumulat sa kaniya. Kaagad naman niyang napansin si Krishna. Hinampas niya ang braso nito dahil sa ginawang panggugulat. Natatawang hinimas naman nito ang brasong hinampas niya. "Bakit ka ba nanggugulat? Muntik na akong mahulog sa inuupuan ko kung hindi lang ako nakahawak sa mesa," sita niya. Imbes na tumigil ito ay may mapanuksong ngiti pang ibinigay ang kasamahan niya sa trabaho sa kaniya. Naging kaibigan ito ni Georgia habang nag-aaral siya. Kahit nga ang kaibigan niyang si Sonia ay naging ka-close na nito dahil pareho silang mga baliw na bruha kung magsama. Bigla siyang napaisip kung kumusta naman kaya ang kaibigan niyang iyon? Nalaman na lang kasi niya noong nakaraang buwan na nasaktan ito sa isang maling desisyon na hindi naman

