Hindi makapaniwala si Georgia sa pagiging prangka ng kaharap niyang doktor. Hindi pa kasi napoproseso ng kaniyang utak ang lahat ng sinabi ng lalaki. Nagdududa siya pero napakasarap pakinggan ang mga sinabi nito. Aasa pa ba siya kung may asawa pa itong pinoproblema? Kung noon nga na wala pa itong asawa ay napakahirap nitong intindihin, ngayon pa kaya? Nagpakababa pa siya para lang mapansin nito. Noong wala pa itong asawa ay madali lang niyang matatanggap sana ang doktor pero ngayon, ang hirap paniwalaan nito. Wala naman kasi siyang panghahawakan na magiging kaniya ito. "Vince, hindi ko alam kung sigurado ka ba sa sinasabi mo kasi ako? Gulat na gulat ako sa mga sinasabi mo sa akin ngayon." Muntik na siyang mapamura nang may kuryenteng dumaloy sa kaniyang katawan nang hinawakan nito ang ka

