Namilipit sa sakit ang puso ni Vince sa sinabi ng kaharap niya sa kaniya. Hindi na niya alam kung ano pa ba ang dapat niyang gawin para maniwala si Georgia na mahal niya ito. Kailangan pa ba niyang lumuhod at magmakaawa sa harapan nito para maniwala ito sa kaniya? Hindi siya ganito kadesperadong tao para makuha ang loob ng isang babae pero pagdating kay Georgia ay nagbago lahat. "Sana hindi magbabago ang nararamdaman mo sa akin, Georgia. Kasi kung iisipin ko iyon, mabuti pang maging manhid na lang talaga ako kagaya noon kaysa ganito ang nararamdaman ko na sakit. Sige. Kailangan ko munang umalis pero hindi pa rin ako titigil sa kakasuyo sa 'yo. Tandaan mo iyan." Mabilis siyang tumayo at lumabas sa apartment ng dalaga. Bukas na bukas ay sisimulan na niya kung paano makuha ang loob ng nito

