Pagkatapos ng Ate niyang magpacheck-up ay agad na lumabas sila ng clinic ni Dra. Mentez. Una siyang lumabas bago sumunod sa kanya ang Ate Gina niya. Napatingin siya ng bumukas ang pinto sa clinic ni Dr. Vince Santino. Napahawak siya sa shorts niya baka bigla itong malaglag na hindi niya malalaman.
"Ate," tawag pansin niya sa kapatid, pero hindi pa rin siya tumigil sa kakatitig sa taong nakita niya ngayon.
May kausap kasi ang doktor na pasyente.
"Ano?"
"Pakipulot nga ng panty ko."
Naguguluhang humarap ito sa kanya. Kunot-noo siya nitong tiningnan. Halatang nagtataka ito sa sinabi niya.
"Anong sabi mo?"
"Pakipulot ng panty ko dahil nalaglag sa sahig."
"Nasaan ang panty mo!" sigaw nitong tanong sa kanya sabay tingin nito sa sahig.
Hindi sinasadyang napalakas ang boses ng Ate niya kaya pati ang mga taong dumaraan, at nakarinig sa sigaw nito ay napapatingin sa kanila. Napahilamos na lang siya sa mukha niya dahil sa sobrang kahihiyan. Binulong na nga niya, ang kapatid naman niya ay pinasigawan pa ito. Napangiwi siya nang marinig niya ang mga taong nagtatawanan dahil sigaw ng kasama niya.
"Ate naman," reklamo niya at nahihiyang napatakip siya sa kanyang mukha.
Pinameywangan siya nito at tinaasan siya nito ng kilay.
"Sabi mo pulutin ko ang panty mo. Saan nga-"
Natigilan ito at nanlaki ang mga mata ng nahalata na biro lang pala niya iyon. Napatingin siya sa direksyon ng lalaking puno't-dulo ng lahat ng ito. Nakita niya ang binatang Doktor na nakatingin na pala sa kanya. Kunot ang noo nito na nagsasabing ang weirdo nila. Grabe! Ang gwapo niya talaga. Makalaglag panty talaga ang kagwapuhan nito. Hinawakan niya ng mahigpit ang kanyang short, at panty baka tuluyan na talaga itong malaglag sa sahig.
Ano ba naman iyan! Huwag mo naman akong tingnan ng ganiyan. Baka magahasa pa kita ng wala sa oras - sabi ng kanyang utak
"Ah, kaya pala."
Kunot-noong napatingin siya sa kapatid nang magsalita ito. Nakita niyang tumango-tango ito na para bang alam na nito kung bakit siya nagkaganito.
"Makalaglag panty dahil sa kagwapuhan ng mahal kuno niya," patuloy nitong sabi na napailing na lang sa nalaman.
"Kuno talaga, Ate? Diba pwedeng totoong mahal ko na siya?"
She hissed at her. "Ewan ko sa'yo. Tumigil ka nga riyan sa kagagahan mo."
Hindi niya ito pinansin. Humarap na lang siya kay Dr. Santino.
"Hi!" She smiled at him and waved her right hand.
Sinuklian lang siya nito ng simangot at pumasok na ito sa clinic.
"Oh! Ano ka ngayon? May pa-hi-hi ka pang nalalaman, busted naman. Dedma ang beauty mo, te?" may pang-aasar ang boses nito kaya umirap siya rito.
"Alam mo, Ate, mas gusto ko nga iyon. Nakakachallenge ang pagkasuplado niya," nangangarap niyang sabi rito, at hindi pa rin tumigil ang pagtibok ng malakas ang puso niya.
Dahil sa kadada niya ay hindi niya namalayan na iniwan na pala siya ng Ate niya. Humabol siya rito at hinampas ito sa balikat.
"Napaka mo talaga, Ate. Iniwan mo talaga ako roon." Turo niya sa mga taong nagtatawanan. "Kaya pala natatawa ang mga taong dumaan sa tabi ko, dahil nagsasalita ako ng mag-isa. Sinabihan pa akong baliw no'ng binatilyo," nakasimangot na aniya.
Napailing na lang at ngumiti ito sa kabaliwan niya. Nauna na itong lumabas at narinig niya ang tawa nito. Talaga nga naman na ginawa siyang katatawanan. Pinatunog na lang niya ang kotse nang makalabas na sila ng hospital. Nasa tapat kasi ang Parking Lot nila nilagay ang sasakyan. Meron din sa kabilang bahagi, pero mas gusto niyang dito na lang pumarada. Para hindi mahirapan ang Ate niya sa paglalakad.
"Magkakagusto kaya siya sa akin, Ate?" biglang tanong niya rito nang makapasok na sila ng kotse.
Nakita niya sa peripheral vision niya na kunot-noong tumingin ito sa kanya. Tila ba'y naguguluhan sa mga pinagsasabi niya.
"No'ng Dr. Santino na iyon?" takang tanong nito at tumahamik muna ito sandali. " Ewan ko, hindi natin alam kung magkakagusto siya sa'yo."
Napangisi siya sa sinabi nito.
"Ate, walang imposible sa pagmamahal. Kapag mahal mo ipaglalaban mo talaga."
Humalakhak lang ito na para bang may nakakatawa sa sinabi niya.
May nakakatawa ba? Wala naman ah!
"Anong nakakatawa, Ate? Nakakainsulto ka na! Alam mo ba iyon?" nakasimangot niyang sabi na mas lalong napatawa rito.
"Ikaw! Ikaw ang nakakatawa. Tumigil ka diyan sa kakaromansa sa doktor na iyon."
Habang nasa biyahe sila ay hindi pa rin tapos ang pag-uusap nila tungkol kay Dr. Santino. Sinasabi kasi nitong nahihibang na siya at imposible na magkagusto sa kanya ang doktor. Napakalaking imposible raw.
Wala naman kasing imposible sa isang bagay o gusto mong makamit. Kapag gusto mo siyang masungkit, bihagin mo ang kanyang puso. Alangan naman na hayaan mo na lang ang feelings mo at kapag nakikita mong may iba na ay doon ka naman naghahabol. Kapag gusto, lumapit ka at magpakilala. Ihayag mo ang pagkagusto mo sa kanya. Kaysa naman na ilihim mo ito at pagmasdan ito sa malayo na may ibang babaeng nagpapasaya rito. Habang wala pa, gora na! Hindi siya pinanganak ng kanyang Ina na pagiging mahinhin. Malandi na kung malandi. Basta masungkit lang niya ang mailap na puso ng doktor.
Ilang minuyong biyahe ay narating na rin nila ang bahay nito. Agad itong lumabas sa kotse at sumunod na rin siya rito.
Pumasok na siya sa bahay nila Ate at kuya Edric na asawa nito. Nakatira siya sa bahay ng mga ito, dahil ayaw kasi ng Ate niya na lumayo pa siya. Ang lapit-lapit lang daw ng tinatrabahuan niya kaya dito na lang siya naninirahan.
"Ehhh, Ate naman, gusto ko kaya siya." Napatigil siya sa sinabi niya ng may naalala. ''Ay! Mahal pala!"
Humagikhik siya na parang bata at napahawak pa sa kanyang pisngi.
Napailing-iling na lang ito sa sinabi niya.
"Huwag kang iiyak huh! Binalaan na kita."
"Hindi talaga, Ate. " Malakas niyang kompiyansa sa sarili. "Bukas na bukas pupunta ako doon. Para sungkitin ang pagmamahal niya," humalakhak niyang sabi.
Mukha na siyang baliw kaya napatingin na lang ang taga silbi ng pamamahay ni Ate Gina sa kanya.