"Good Morning!" masiglang bati niya ng makapasok siya sa clinic ng doktor. Ngumiti naman ang assistant ng Doctor na kakalabas lang sa pintuan ni Dr. Vince. "Good Morning, miss," balik nitong bati sa kanya. "Magpapakonsulta po ba kayo kay Doctor Vince?" Tumango siya rito na hindi pinapahalatang nagagalak siyang makita ang binatang doktor. "Umupo ka muna diyan," saad nito sabay turo sa upuan. "Kumakain pa kasi si Dok Vince ng lunch." Tumingin siya sa kanyang relo, 30 minutes past 1 in the afternoon. "Ala una na ah. Ganito bang oras siya kakain?" Nag-alala siya mahal niyang future boyfriend. Baka magkakasakit pa ito dahil ang tagal nitong kumain. "Oo, kaya nga minsan nag-alala na ako kay Dok Vince. Minsan nalilipasan na siya ng gutom," nag-alalang sabi ng assistant nars nito. Pati

