Isang linggo na ang nakalipas, pero hindi pa rin nagpapakita si Georgia kay Vince. Hindi alam ng binata kung bakit palagi niyang hinihintay ang dalaga araw-araw sa opisina niya. Hindi niya mapigilang mangulila dahil hindi niya nasisilayan ang mukha nito at hindi niya maramdaman ang nakakainis nitong presensya. Pakiramdam niya ay para siyang nanghihina kapag hindi niya ito nasisilayan. Ano bang nangyayari sa kaniya ? Ipinilig na lang ni Vince ang kaniyang ulo para mawala ang imahe ng dalaga sa kaniyang isipan. Ang dalaga na lang ang palagi niyang iniisip kahit pa siya’y nasa trabaho. Palagi siyang napapatingin sa pinto dahil baka biglaan itong dumating pero isang linggo na siyang bigo. Napabuntong-hininga siya at nangalumbaba, kahit anong gawin niya para abalahin ang sarili sa pag-aaral n

