Natigilan si Vince sa pakikipag-usap niya kay Coleen dahil biglang tumayo si Georgia sa inuupuan nito. Nakakunot-noo siya habang pinagmamasdan ang dalaga na natatakpan ng buhok ang kabuuan ng mukha. Hindi niya tuloy malaman kung ano ang mood nito. Napansin din niya na masyado itong tahimik kung kaya’t naignora niya na ito dahil abala rin siya sa pakikipag-usap kay Coleen. "Excuse me, I need to go now," mahina at halos pabulong na sabi ni Georgia. Bago pa makapagsalita si Vince ay nakayuko itong umalis sa harapan nila ng doktora. Sinundan niya ng tingin ang papalayong pigura ng dalaga. Ang gitla sa kaniyang noo ay lumalim nang makitang kinuha nito ang panyo sa shoulder bag nito at may ipinahid sa pisnge. Biglang naalarma si Vince at pakiramdam niya ay may kasalanan siyang nagawa sa dala

