Umupo kaagad si Georgia sa swivel chair ni Vince nang makarating siya sa loob ng opisina ng clinic nito. Pinaikot-ikot ang upuan. Alam niyang maya't-maya ay papasok na ang binata kung kaya’t maaga siyang gumising para maunahan niya ito. Napapansin din niya na hindi mapigilan ng assistant ni Dok Vince na mang-usisa, nang dinaanan niya ito bago siya pumasok sa loob ng opisina. Marahil ay nagtataka ang assistant kung bakit kay aga-aga ay nambubulabog na naman siya sa doktor. Sa isip-isip niya ay wala na dapat itong pakialam kung ano man ang gawin niya sa buhay dahil sa paraang ito siya magiging masaya . Napatigil si Georgia sa pagpapa-ikot ng swivel chair, at napakunot-noo nang mapatingin siya sa malaking larawan na nakasabit sa dingding. Agad siyang tumayo at nilapitan ang nakasabit na lara

