Pagkauwi niya sa bahay ng Ate niya ay mabilis siyang pumasok sa silid, at humiga sa kama. Hindi man lang niya binati ang kapatid na nasa sala, at nagtatakang tumingin sa kanya. Napabuntong-hininga siya, at nakatingala sa kisame. Bakit ba niya pinipilit ang sarili sa doktor kung ayaw naman sa kanya? Bakit palagi lang itong naiirita, kung umaaligid siya sa binata o palaging nakasimangot, kung makita siya nito? Kung makaiwas sa kanya parang may nakakahawa siyang sakit. Ganoon lang ba siya ka- desperadang upang makuha niya ang atensyon nito o manhid lang ba si Vince? Kahit katiting man lang hindi man lang ba nito napansin? Kung bakit nagkakaganito siya o kung bakit habol nang habol siya rito? Buti pa ang Doktora. Kahit wala itong gagawin o magpapansin sa binata ay madali lang nitong n

